Prologue [ History of Infinite University & Infinite Boys Town ]

57 2 3
                                    

        ABALA na ang mga tao sa Infinite University bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng nasabing unibersidad. Kasalukuyan na nilang isinasagawa ang pagtanggap ng mga enrollees sa nasabing mamahaling unibersidad. Dalawang buwan bago ang araw ng pasukan ay nagtatanggap na sila para hindi sila ma-rushed sa mismong araw na pinaghahandaan nila.

            Isa sa mga in-charge doon ang registrar na si Mrs. Flor Hans o mas kilala sa tawag na si Mrs. Hans. Siya ang palaging nagtatagal sa unibersidad dahil sa mga pag-aasikaso sa mga enrollees. Kulang na lang ay dito na siya matulog. Ngunit masaya pa rin siya dahil hindi lang siya ang nakakaranas ng ganoon.

            Si Ms. Denise Bautista naman ang accounting staff para sa mga magbabayad ng mahal na tuition sa unibersidad. Gaya ni Mrs. Hans, minsan ay nagbababad na rin siya sa opisina niya para lang ayusin ang pag-e-encode ng mga nakapagbayad na. Kailangan niya kasing maging maingat lalo na’t pera ang pinanghahawakan niya.

            At huli ay si Mrs. Ces Osorio o mas kilala sa tawag na Mommy Ces. Parang siya na rin kasi ang tumatayong ina sa mga tumutuloy doon. Mahigpit siya lalo na’t pagdating sa pagsunod sa itinakda niyang curfew at rules.

            Kung ang Infinite University naman ang pag-uusapan, ito na ang kinikilalang pinakalumang unibersidad sa bansa. Ngunit ganoon pa man ay napapanatili pa rin nito ang kagandahan at kaayusan sa loob at labas ng unibersidad. Marami na ang nakapagtapos rito na nabigyan na ng magandang trabaho. At kung dito ka man makapagtapos, may agad nang trabaho ang naghihintay sa mga estudyanteng iyon dahil sa tiwala sa kahusayan ng pagtuturo ng mga guro dito.

            Malawak ang lupang sakop niyon. May malawak na hardin kung saan maaaring pansamantalang manatili ang mga estudyante habang hinihintay ang susunod na subject nila. Maraming mga puno doon kaya maaari ring makapag-relax ang mga ito sa hirap ng mga subject na naranasan sa araw-araw.

            Malawak din ang mga pasilidad. Gaya na lamang ng gymnasium na kayang magpatuloy ng mahigit sa dalawampung libong mga tao. Ang silid-aklatan na tila katumbas na ng limang silid dahil sa dami ng mga libro na mababasa doon. Ang pantry na marami ding mga pagkain na pwedeng pagpilian. Daig pa ang kumain sa malaking mall dahil sa dami niyon. May Theatre room din para sa mga ginaganap na film showing mula sa Theatre Club. May mga studio gaya ng dance studio para sa mga kinikilalang mananayaw ng unibersidad at music studio para sa mga mahihilig kumanta at magpatugtog ng kahit anong instrumento. Ang iniingatan ng lahat ay ang conference room kung saan nagsasagawa ng mga meeting ang mga opisyal na siyang namamahala sa kapakanan ng mga estudyanteng naroon at opisyal ng buong unibersidad. At ang mga silid na tila sakop na ang dalawang silid na ginagamit sa mga pampublikong paaralan. May aircon at may naatasang maglilinis sa bawat silid. Kaya kahit marami na ang mga nakatayong unibersidad sa bansa ay hindi pa rin mapapantayan ang pagkilala sa Infinite University bilang tinuturing na pinakamagandang unibersidad hindi lang sa bansa kung di maski sa buong mundo.

            Isa rin sa mga kinahahangaan dito ay ang matatag na pundasyon ng Infinite Boys Town. Gaya na lang ng Infinite University, luma na rin ito ngunit nananatili pa rin ang kagandahan ng gusali. Noong unang panahon, bago matayo ang unibersidad ay ang Infinite Boys Town ang siyang gusali na unang itinayo para sa mga kabataan na nagnanais na maging sundalo. Bawat silid ay napuno ng mga kabataan na ang pangarap ay ang mapasabak sa mga giyera. Mga kabataang mula sa edad labinglima hanggang dalawampu. Walang pinalad na makaligtas sa kanila kaya ganoon kadaling naabandona ang gusali. Hanggang sa nabili na iyon ng mayamang don na nagngangalang Don Gabrielo Fabella. Noong unang beses niyang sinuri ang loob ng gusali ay puno ito na ng mga sirang gamit at haligi kung kaya’t naisip niyang ipaayos ito. At siya ang nagtayo ng Infinite University na siyang kinikilalang popular na unibersidad hanggang sa kasalukuyan. Misyon niyang tulungan ang mga kabataan at tukuyin dito na hindi lang pagiging sundalo ang maaaring ipangarap sa buhay. Tinipon niya ang mga magagaling na guro sa buong mundo at siyang binigyan ng posisyon sa pinatayong unibersidad. At kahit isa na lamang siyang alaala ay hindi pa rin nawawala ang misyon na isinagawa niya. Patuloy pa rin itong namamayagpag at tila habang buhay nang pangangalagaan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Infinite Boys TownWhere stories live. Discover now