"Wala yun, ibang Kwento na yun." Sabi ko naman. Na tinutukoy yung first kiss namin ni Axel.

"Kwento mo na." Pagpilit naman ni Sam.

"Wala nga, hindi yun bigdeal kaya hindi niyo na kailangan malaman pa."

"Eh hindi naman pala bigdeal Eh, Edi Kwento mo na."

"Hindi na Sam."

"Eh bakit ganyan ka nalang Mamula habang iniisip mo yun Ha!?" Nakangisi naman niyang Tanong at napahawak naman ako sa Pisngi ko.

"Hindi ako namumula no."

"Pulang pula kaya Yang pisngi mo, diba Jane."

"Oo nga Ela, ano kasi yun?"

"Wala nga."

"Grabe ka maka deny ah, parang grabe naman yan tinatago mo. Barang naghalikan kayo ni Axel or something." Sabi ni sam at gulat ako napatingin sakanya.

"Wait... Bakit maslalo kang namula, wag mong sabihin naghalikan kayo ni Axel!?"
Tanong pa ni Sam at Napa tingin nalang ako sa baba.

"O-M-G..." Sabi ni Sam sabay tili sila ng sobrang lakas ni Jane, na nagtinginan pa yung tao sa paligid naman. Pareho ko namang tinakpan ng Kamay ko ang bibig nilang dalawa.

"Shhhhhhh.. nagmamakaawa ako satin lang to please." Nagmamakaawa kong Sabi, At tumango naman sila.

"I can't Believe nag halikan kayo ni Axel My god." Kinikilig na Sabi ni Sam.

"Oo nga Ela, grabe kahit kami ni Harrison ay hindi pa nga nag kikiss Eh." Sabi naman ni Jane.

"Pano nangyare???"

"Basta saka ko nalang kwekwento."

"Ano Yang kwekwento mo?" Bigla namang Sabi ni Timothy na kakadating lang kasama sina Harrison at Jericho.

"Ahhhh Wala wala, girls Talk." Sabi ko naman.

"Ay ganun ba Sige garod kain na tayo." Sabi naman niya at kumain na kami.

~ ~ ~

Uwian na at halos buong hapon akong kinukulit nila Sam para ekwento ang nangyare, pero wala kaming mahanap na Oras para magawa Iyon. Nagpaalam naman na ako sakanila at Tumungo na palabas ng room, laking gulat ko namang ng nandun si Timothy.

"Ano Tara na?" Taka naman niyang tanong. Ay oo pala nakalimutan kong sabihin kay Timothy na Magmamall kami ni Axel ngayon, sana hindi niya ako payagan please..

"Uhhh Tim, hindi na ako sasabay sayo pauwi ngayon."

"Bakit naman?"

"Magmamall pa kasi ako."

"Ahhh Ganoon ba, sino kasama mo si Jericho nanaman?" Nakangisi niyang sabi.

"Umm Hindi si Axel kasama ko hindi si Jericho." Sabi ko naman.

"Ay ganun ba, sige Basta wag masyadong late ah." Sabi niya at umalis na. Nagulat naman ako at walang pakealam si Timothy na Magmamall kami ni Axel magkasama.
Tumuloy narin ako papunta sa parking lot kung nasan si Axel nagaatay, sinalubong naman niya.

"Ano Tara na Ela?"

"Sige." Sabi ko naman at pinagbuksan niya na ako ng pinto, sumakay na din ako at Sinarado narin niya. Kung saan saan ako tumingin tingin sa loob ng Kotse niya, at first time kong sumakay dito. Pagsakay niya ay pinaandar narin niya at tumungo na kami sa mall.

~ ~ ~

Nung dumating na kami sa mall ay nagkatinginan naman kami.

"Soo Saan tayo kakain?" Taka niyang tanong sakin.

"Uhhh Ikaw Bahala." Sabi ko naman.

"Korean BBQ gusto mo?" Taka naman niyang Tanong. Nag Korean bbq lang ako last week ah.

"Sige." Sabi ko naman. Masarap kasi yung Korean BBQ dito kaya ok lang Kahit kakakorean bbq ko lang last week. Tumungo naman na kami ni Axel sa Korean BBQ at nung dumating na kami ay Umupo na kami. Unlimited ang order namin at mas worth it yun. Nung dumating na yung first batch ng order namin, ay kukunin ko sana yung tong na pang Luto pero Inagaw niya.

"Ako na magluluto." Sabi naman ni at tumango nalang ako. Medyo awkward kaming dalawa, kasi halatang parehas kaming kinakabahan.

"Uhhh so kumusta Klase mo?" Tanong naman niya.

"Talaga ng school ang pag usapan natin."

"Eh Ayaw mo namang mag umpisa ng topic eh." Sabi naman niya.

"How about yang mga Pasa at sugat mo, kumusta na yan?" Tanong ko naman.

"Ahhh Ok naman na."

"Mabuti naman kung ganoon."

"Swempre Gumaling kaagad pagkatapos yung nangyare nung Saturday." Nakangisi pa niyang Sabi at Ramdam kong namula nanaman ako.

"Tss. Asar ka talaga no."

"Hehheheh, totoo naman Eh bumilis siyang gumaling pagkatapos yung nangyare." Pang asar ulit niya.

"tsk. Magluto ka na nga lang." Sabi ko pa at napatawa pa siya konti. Nagkwentuhan at tawanan kami ni Axel habang kumakain. Maya Maya ay napansin kong nakatitig siya sakin habang binabalot ko ng lettuce yung Beef.

"Oh bakit ganyan ka makatingin sakin?" Taka ko namang tanong sakanya bago esubo yung Lettuce.

"Bakit ka kasi ganyan magbalot hindi ka Marunong, tapos Hindi mo pa dinidip sa Cheese." Sabi naman niya.

"Eh Ok na to." Sabi ko naman.

"Tsss Ganito magbalot." Sabi niya sabay kuha ng lettuce at naglagay ng Beef sa loob, tapos Dinidip sa cheese. "Ohhh Nganga." Sabi niya sabay lapit sa bibig ko ng Ginawa niya.

"Ako na." Sabi ko at kukunin sana yung binalot niya na lettuce.

"Ako na wag makulit." Sabi naman niya sakin, dahil wala na akong magawa ay ngumanga nalang ako at sinubo niya na yung ginawa niya. Actually masmasarap nga at less na makalat tong ginawa niya.

"Diba masmasarap?" Tanong naman niya.

"Oo nga tama ka, mali yung pagbalot ko at masmasarap pag Ganito." Pag Sang ayon ko naman sakanya.

"Pero masmasarap parin tong Labi ko diba." Nakangisi niyang sabi at pinalo ko naman siya at parehas nalang kaming tumawa.

SOMEONE'S POV
"Mukhang Nangyayare na nga yung sinabe mo."

"Mukha nga, pero kailangan mo parin humadlang sa Relasyon nilang dalawa."

"Sige po, kaya naman pinapunta niyo ako dito para gawin yun Eh."

"Swempre alam namin na ikaw lang makakagawa nun."

"Kahit Gusto ko Si Ela ay alam kong hindi ako ang para sakanya, pero atleast kung totoo nga ang sinasabe mo ay Itong si Axel lang ang makakapag pa saya talaga sakanya."

"Alam kong siya nga, pero Kailangan parin masubukan Ang pagmamahal niya kay Elaine kung hangang saan niya kayang iabot iyon."

"As long as magiging masaya si Elaine sa huli ay Magiging masaya narin ako, pero Pag nakita kong Hindi yang lalake na yan ang para sakanya. Ay ako na mismo ang magmamahal kay Elaine, Kahit ayaw mo pa."

"Kung mangyare man yun, ay hindi na ako haharang sayo."

TO BE CONTINUED...
[MAGKAKATULUYAN KAYA SA HULI SI ELAINE AT AXEL?]
(PAUMANHIN NA SUPER LATE TO AT TWICE LANG AKO NAKAPAG POST LAST WEEK. MEDYO NAGING BUSY NA AKO EH, PERO EXPECT A NEW PART SA THURSDAY. SALAMAT PO ULIT SA LAHAT NG PATULOY NA SUMUSUPORTA AT NAGBABASA NITONG STORY.)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon