"I love her."

"Glad you to know that guy like you can fall in love."

Hindi na kumibo pa si Everest.

"So why are you here?"

Itinuro siya ng kapatid. "I need you to check her."

"Buntis ka ba?"

Nag-iwas siya ng tingin. "I am not sure."

"Why don't we find out?"

Naglakad ito patungo sa opisina nito. Iminuwestra nito ang visitor chair sa kanila ni Everest pagkatapos ay umupo ito sa sariling swivel chair.

"Is this your first check up?"

Tumango siya.

"I see. Kaya siguro hindi ka sigurado kung buntis ka o hindi. Anyway, first sign ng pagbubuntis ay ang missed period."

"I did missed my period."

"How about nausea? Nakaranas ka na ba ng pagsusuka sa umaga o 'di kaya ay may mga pagkain na ayaw mong maamoy?"

Tumango siya.

"You were probably one month pregnant." Tumayo ito. "I need to check if the baby is healthy."

Dinala siya nito sa isang stretcher at pinahiga. Ni-rolyo nito ang dulo ng kanyang suot na damit dahilan para malantad ang kanyang tiyan.

"Are you ready?"

Napalunok siya. "Yes."

HINDI na kumibo pa si Roxanne nang makita niya sa labas ng gate si Lucien na nagpapa-balik balik sa paglalakad. Animo'y hindi mapakali. Huminto ito nang makita siya.

Napabuntong hininga siya at sumakay nalang sa kanyang sasakyan. Ang kasambahay nila ang siyang nagbukas ng gate upang makalabas ang kanyang sasakyan.

Huminto siya sa tapat ni Lucien saka binuksan ang pinto. "Get in."

Aligaga itong pumasok. Hindi pa man nito naisasara ang pinto ay pinaharurot na niya ang sasakyan dahilan para mawalan ito ng balanse at kaagad kumapit upang huwag mahulog.

Mabilis nitong isinara ang pinto saka hinanap ang seatbelt.

"G-Goodmorning." Bati nito sa kanya ngunit hindi niya ito kinibo. Nakatingin lang siya sa daan. "Nag-almusal ka na ba?"

Hindi pa rin siya kumibo.

"Ah, may dala akong burger." Inilabas nito iyon sa bulsa ng jacket. "Maaga kasi akong tiwagan ng kuya mo kaya hindi ako kaagad nakapaghanda ng agahan ko. Kaya ito, bumili na ako. Naalala kita. Balita ko kasi, hindi ka nag-aagahan."

"Throw it away."

"Huh?"

"I don't like the smell."

"But."

"Magkano ba 'yan? Babayaran ko na lang para hindi naman masayang. Tapos itapon mo." Inis siyang bumaling kay Lucien. "Mahirap ba intindihin?"

Nanlulumong binuksan ni Lucien ang bintana ng sasakyan saka itinapon ang burger.

Hindi naman niya sinasadyang magsungit rito. Hindi lang talaga maganda ang mood niya sa tuwing nakakaamoy siya ng hindi magandang amoy sa kanya.

Kahit pa natakam siya sa burger ay ang amoy ang nagpalayo sa kanya roon.

Marahil ay dala narin siguro ng pagbubuntis niya.

Pinilit kasi siya ng kuya niya na magpacheck up sa isang ob-gynie at doon ay nagpag-alaman niyang isang buwan na siyang buntis.

"Saan tayo pupunta?"

Herrera Series 7: Owning the TemptressWhere stories live. Discover now