"Tsk! Nakakainis!"

'Maxpein Zin del Valle po.'

'Maxpein Zin del Valle po.'

"Bwiset!" sigaw ko. "Tama na! Tama na! Hindi na kita iisipin! Hinding hindi na kita iisipin!" at saka ko pinaandar ang kotse ko.

Pagdating sa parking lot.

"Hmm." bumaba ako at kinuha ang gamit ko. Tumingin tingin muna ako sa paligid kung may tao, nung makita kong wala ay saka ako bahagyag naglakad sa part kung saan madalas nakapark ang motor nung Taguro brothers.

'Ang aga ah. Pero bakit iisa lang? Kanino kaya sa kanila yan?'

"Tsk! Sinabi nang wag mo ng isipin e! Sige. Kalma Deib. Kalma. Ayan, wala na sya sa isip ko---!"

"Ano ba!" sigaw ko.

May batang nasa harap ko!

Madungis!

Walang tsinelas!

At...

May dalang lalagyan.

"Anong ginagawa mo dyan?" inis na tanong ko.

"Kuya, bili ka na po sa akin ng kendi."

"Candy? Hindi ako kumakain ng candy. Alam mo bang nakakasira ng ngipin yan?"

"Sige na Kuya, gwapo ka naman e."

"Alam ko. At naging gwapo ako dahil maganda ang ngipin ko dahil hindi ako kumakain ng candy. Ayoko nyan." at saka ko siya tinalikuran.

"Sige na po Kuya, pangkain lang po."

Humabol siya sa akin and worst, humawak pa sa kamay ko!

"Ano ba?"

"Sorry po, kahit pangkain lang Kuya. Sige na po.."

Inis kong inilabas ang wallet ko.

"Ohh eto. 1000 pesos yan, marami ka na sigurong mabibiling pagkain nya----"

"Salamat Kuya! Ang totoo po ay kailangan po ng gamot ng Tatay ko kaya Kuya maraming salamat. Salamat! Salamat!"

"Ano ba? Bitiwan mo nga ako, ang dumi dumi mo!"

"Sorry po Kuya. Salamat po talaga, salamat po."

"O sige na sige na! Don ka na. Don ka na!"

"Teka Kuya."

"What?"

"Eto po."

"Ano yan?"

"Maxx po."

"Ano?"

"Maxx po."

"Bakit? Ano na naman? Alam mo bang ayokong maririnig ang pangalan na yan?"

"Sorry po. Yan rin po kasi ang pangalan ng kendi na 'to Kuya."

"Alam ko. Sige na, salamat rin." sabi ko at dali daling humarap sa daan papasok.

'Nakakainis! Kung kelan ayaw mong marinig, saka mo maririnig. Sana naman kung kelan ayaw ko siyang makita ay wag siyang magpakita! Nakakabwisit na e!'

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon