Telescope, iii

10 3 0
                                    

She

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

She

I could feel the air around us.

Davien was smiling non-stop beside me habang pabalik kami sa loob ng cafe. I could see Marv and Mable talking, laging nag-uusap ang kambal na yan, but they looked a bit serious habang tumatagal ko silang tinititigan.

Inangat ko ang aking paningin kay Davien, para itanong kung may problema ba. Pero before I could even ask ay rinig ko na ang pagtawag sa akin ni Mable, at tinatanong kung bakit daw ang tagal namin ni Davien.

"May ginawa nanaman kayong naughty ano?" Mable crossed her arms at tinignan kaming dalawa ni Davien ng maigi.

"Did you kiss?" Marv suddenly spit out his drink from his mouth at naka-sipsip parin siya sa straw niya ng mangyari iyon. Napa-ew si Mable at Davien sa ginawa ni Marv, dahil parehas silang nabasa sa kalat ni Marv.

"Marvin Zeke, I swear to the gods, napaka-dugyot mo," complain ni Mable.

Nilabas ko ung panyo na nasa bag na dala-dala ko at inabot ko ito kay Marv, napa-irap nalang ang kaibigan namin sa dalawa na walang tigil pa rin sa panlalait sa kadugyutan ni Marv.

Mable ignored her twin after that at inulit pa niya ang tanong niya sa aming dalawa.

"Did you kiss Davien?" Mable asked firmly this time, her eyes were even sending out those sharp looks towards Davien.

"Seriously Maribel Zele, do we look like we kissed?" I caught Davien stole a glance at me, it made me blush; narinig ko namang tumawa si Mable sa tabi ko. And my eyes couldn't take off the image of Davien up close to my face, we could've kissed, oh my!

"You don't sneak up on me Davien, I'm serious about that ha."

Davien nodded, "Fair game Mable, so get off my mind already."

Mable acted hurt or is it offended? I'm not sure, but she gasped ng medyo over reacting and pressed her dainty fingers on her exposed skin sa chest part niya making it seem like she's hurt by Davien's remark.

"Me? On your mind? Ang delusional mo talaga Davey." Mable waved her hand off and rolled her eyes. "Okay Davien," sighed Mable "I'm not in your head anymore, you happy?"

"Very much, thank you."

Tinawag ang pangalan ni Mable ng barista at rinig sa buong table namin ang pag-sipa ni Mable sa kanyang kapatid. "Geez ang brutal mo kambal." Marv limped his way up from his chair at tumayo para kunin ang order namin.

"What's wrong with you Maribel? Need mo ba ng boyfriend?" Marv remarked

Buhat ni Marv ang order ni Mable at nilapag niya ang inumin ko sa tapat ko at sumama ang tingin ni Mable sa kanyang kapatid.

I could feel a little discomfort sa table namin, it felt a little bit windy. The air condition inside the cafe was okay, until I noticed it was getting chilly na. And I didn't wear enough cloth para hindi ako lamigin.

"Nagbibiro lang ako Mable, don't get mad please?" Napahilot ng sentido si Marv ng mas lumakas pa ang intensidad ng hangin sa loob ng cafe. Marv kinda looked scared as he tried to console his sister, and Mable just blatantly ignored him.

"Come on let's go. Iwan nalang natin 'tong dalawa," Davien announced, he stood up from his chair at nilahad nito ang kamay niya sa akin. "Let them sort this out."

"Go with Davien na She, I can handle this," dagdag ni Marv. Wala na akong nagawa kundi sumama kay Davien, tinignan ko si Mable, bakas sa mata nito na hindi ito nakatingin sa isang specific na bagay. She looked as if she's in a different dimension, trying to control herself on her own.

Sumakay kami sa hindi pamilyar na sasakyan, but my guess ay kay Davien ito. "She'll be fine, Marv can handle it."

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita pa, hindi mawala sa isipan ko ang imahe ni Mable. She looked so completely out of herself, na para bang nasa ibang lugar siya at umalis na lang ng paalam. And her power had a strange feeling to it, hindi ako komportable sa enerhiya niya.

"What's happening to her?" Sa kalagitnaan ng byahe namin pabalik ng academy ay tinanong ko na ang kanina pa bumabagabag sa isipan ko.

Bumuntong hininga nalang si Davien at ngumiti sa akin ng piliin niyang hindi sagutin ang tanong ko, "I'll try to explain it to you later, ayos lang?"

How can you say no? Kung simpleng ngiti lang niya ay nakakapagpa-pula na ng aking pisngi, napaka-sarap sa mata tignan si Davien. Hindi ko talaga masisisi sarili ko kung ganito ang reaksyon ko.

"Okay," mahinang tugon ko, nakatingin nalang ako sa kanyang braso na nakapatong sa arm rest ng sasakyan niya.

Kaya hindi ko alam kung paanong hindi nakatakas sa paningin ko ang paglapad ng ngiti niya, ang gulo sa pakiramdam nito.

Nakikiliti ang buong katawan ko sa maliliit na kuryente na dumadaloy sa katawan ko, at kagat ko ang labi ko para pigilan ang sarili ko na mapangiti rin. Ang init ng buong mukha ko ng dinampi ko ang palad ko sa mukha ko para magkunwaring hinawi ko ang buhok ko.

Puno ng pagtataka sa isip ko ng nilampasan namin ni Davien ang parking lot ng academy, hindi ko na alam kung saan pa niya ako pwede dalhin maliban nalang kung sa cottage nila Mable.

"Hindi 'to yung daan papunta kila Mable," tawag ko sa atensyon ni Davien.

"Nah, ayos lang ba sayo kung tumambay muna tayo sa fave spot ko?"

Curious at wala naman na akong magagawa ay tumahimik nalang ako at tinignan ang paligid habang umaandar ang sasakyan, may tumutugtog sa sasakyan niyang kanta pero mahina lang at hindi mabigat sa pandinig.

Tumigil ang sasakyan at binuksan ni Davien ang pintuan niya, kaya ginaya ko na rin siya at lumabas na sasakyan niya.

"Ganda no? I seldom go here anymore, madalas may pumupunta na ring ibang tao dito eh." My breathe was hitched ng malanghap ko ang hangin ng lawa, hindi matanggal ang aking paningin ang kalmadong tubig na tila ba walang hangin na dumadaan.

Nagkasundo ang hangin at ang tubig, at tahimik na namumuhay ng magkasama. It's so breathtaking, no wonder this is a spot for Davien.

A familiar warmth embraced my senses ng magpakawala ako ng buntong hininga it was so fuzzy I couldn't help but remember this moment in my heart.

How I wish I could remember how many breathtaking sceneries I have seen, or places I have been. The academy doesn't feel home to me, it felt so foreign but I have this gut feeling; the urge to stay here at the academy.

But for the meantime, I would enjoy this calmness inside.

Transmission (Starset Series # 1) [wip]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن