9

58 6 1
                                    

Ang daming ganap sa loob ng tatlong buwan. Tapos na din ang mga exams namin at may program na naman. Halos buwan buwan may program kami. Last month ay nag karoon kami ng dance compitetion, at kami ang first place. Ngayon na month naman ay hindi pa namin alam.


Nakita ko si Cindy na padabog na umupo sa tabi ko. Kinunutan ko siya ng noo.


"What's the problem?"


"Nakaka-inis na talaga si Jeremy! Eh kasi, gusto ko lang naman na magka-time kami pero palagi niyang dine-decline ang offer ko. Kahit lunch nalang sana."


Cindy and Jeremy are together. Almost a month na din. Hindi naman sa pagiging judgemental, pero since na naging sila ni Cindy, nag iba na ang trato ni Jeremy. Ewan ko ba kung busy ba siya o ano. Sa pagkakarinig ko kasi sa ibang estudyante dito noong nag chi-chismisan sila, may girlfriend daw si Jeremy. Alam kong may girlfriend siya at kaibigan ko 'yon. I asked them who pero sabi nila na sa college department raw.


I'm not sure kung totoo ba 'yon. Hindi ko din muna sinabi kay Cindy iyong nalaman ko. I'm her friend but I won't meddle with her problems but I'm open to help her when she's in need. Nag te-text siya sa cellphone niya ng may tumawag sa akin may nag hahanap sa akin.


"Thank you." Tinanggap ko ang dala niya. Kahit ilang beses ko na sinabi na 'wag na akong dalhan ng pagkain dahil may pambili naman ako at kung minsan, nag babaon din. At nahihiya ako dahil parang naging instant palamunin din ako sa kanila kahit hindi naman ako doon nakatira.


"Cordon Bleu. Masarap 'yan."


"Hindi naman ako dinidismaya ng luto ng mommy mo, Lexter."


"Hope you like it." Tumango ako. "Balik na ako."


"Sabay ka mag lunch sa amin mamaya?"


"Bukas na lang. May tinatapos kasi kaming project." Tumango ako at nag paalam na.


Lunch came at kumakain kami ni Cindy sa Canteen. Nakita namin si Jeremy kasama ang mga kaibigan niya at isang babae na inaakbayan niya. Tumingin ako kay Cindy na tila nawalan ng dugo dahil bigla siyang pumutla.


"Cindy," tumingin siya sa akin at yumuko. Tinabihan ko siya at niyakap. She cried on my shoulders.


Alam kong nasasaktan siya, at mukhang nagustuhan o minahal niya talaga si Jeremy. Tahimik lang ako at nag hihintay kung kalian siya mag ku-kwento sa akin.


"I know there's something off noong sinagot ko siya." Panimula niya. "Hindi ko makita ang saya sa mga mata niya noong araw na iyon. Ngumingiti siya at sinasabi niyang sobrang saya niya pero hindi ko maramdaman kaya pinabayaan ko lang. Okay naman kami noong una pero noong mag third week kami, bigla siyang naging cold. Minsan nag cu-cut ako para makita ko siya dahil nag tataka ako bakit ang cold niya. And one time nakita kong kasama niya 'yang babaeng inaakbayan niya."


"I was about to approach them nang pinigilan ako ni Edam. He said pabayaan ko muna at titignan naming kung ano ang mangyayari. Sinamahan niya akong mag cut."

Hanggang sa Huli (SharTin)Where stories live. Discover now