"Second Encounter... Shock O_O"

Winter's POV
Nandito na ako sa bahay namin at naghahanda na para Pumasok sa school. Hanggang ngayon ay pinag iisipan ko parin kung magpapasalamat ba ako dun kay mr. Jerk! I doubt kung magtagpo pa ulit ang landas namin.

Bumaba na ako pagtapos kong mag ayos para Pumasok na.

"Bye inang pasok na po ako :)" Paalam ko kay inang lucy.

"Bye din jean mag Ingat ha? :)" pagpapa alala ni inang sakin.

"Opo inang salamat po :)" Sagot ko sa kanya at lumabas na ng bahay namin.

At sinimulan ko na ulit maglakad Papasok sa G.U. may kotse naman kami pero sadyang trip ko lang maglakad. Sayang din kasi sa gasolina eh at exercise din to no! Hahaha

Maya maya pa ay narating ko na ang school namin. Nag ngitian lang kami ni manong guard close kami nyan! :P haha pagpasok ko sa room namin ay nakita ko agad si bff Stacey. Umupo na ako sa tabi nya. I told you di kami pwede paghiwalayin hahaha!

"Kala ko di ka papasok?" Tanong ni bff sakin.

"Sayang isang araw no! Hahaha" Sagot ko at nagtawanan kami.

Maya maya ay dumating na si sir. Lopez at nagsimula nang mag lecture.
Sa kalagitnaan ng paglelecture nya ay may tatlong lalaki ang nagpupumilit Pumasok. Actually apat sila eh yung isa kasi tahimik lang na nagbabasa ng libro.

Hindi ko makita ang pinapagalitan ni sir Lopez kasi natatakpan ng likod nya eh. Pero his voice is familiar.

"Mr. Gomez, Hindi porket kayo ang may-ari ng school na ito ay pwede kana at ng mga kaibigan mo na magsiga sigaan dito!" Sir. Lopez

"Wala akong pakialam sayo! Pwede kitang patalsikin dito kung di ka Titigil sa kakasermon mo tabi nga!" Maangas na Sagot nung mr. Gomez kay sir Lopez at nagpipilit syang Pumasok kasama ng mga kaibigan nya. What a jerk tsk! -.- he remind me of that jerk grr!

Tsk tsk tsk! Ang sama naman ng ugali nito ka IMBYERNA >.<

At nung nakapasok na ng Tuluyan yung mr.Gomez at mga kaibigan nya ay nawindang ako at Hindi makapaniwala sa nakikita ko O_O

Parang slow motion ang lahat!

"IKAW NA NAMAN???" naisigaw ko dahil sa pagka shock.

Author's Note :" I know maikli lang to haha wait for chapter 7 its Warren's pov ;)

Vote, Comment and be a Fan!

#Angel 💙

   *- Love Me Once -*Where stories live. Discover now