After that event on friday, i spent the weekend going to malls with my friends. So called bonding.

"Hey, binili mo ba 'yung necklace na kinukwento mo sa akin Izy?" tanong ko sa kanya. matagal na niyang kinukwento sa akin ang kwintas na ireregalo niya kay Tita Florr, malapit na ang kaarawan nito kaya nagiisip na ng ireregalo si Izy sa ina.

"Uh, Yra wala pa kase akong pera kaya hindi ko muna binili, napakamahal kasi e." She answered, lumingon pa siya kay Aira.

"Uhm Maizy! pwede ka naming pahiramin ni Yra! Diba? kahit hindi mo na bayaran." Suhestiyon ni Calysta. ngumiti ako dahil doon. iyon din ang iniisip kong paraan para hindi na siya gumastos. gamitin nalang niya ang perang naitabi para sa pang araw-araw.

"Naku! huwag na, nakakahiya ano ba kayo??" Biglaan niyang sagot. Ngumiti kaming dalawa ni Aira sa kanya.

"magiipon nalang ako, konti nalang naman ang kulang na pera, kaya ko na ito." aniya.

si Calysta naman ay mataas ang buhay, politiko ang tatay niya, ang nanay ay housewife.

Pagkatapos naming mamasyal sa mall kanina ay dumiretso na kami ng pasok, walang event o kung anong ganap sa school ngayon. Ordinary school day lang.

"ID ninyo?" tanong ni Manong Lucas, nataranta naman kaming tatlo dahil doon, Ano ba'yan! kakapasyal ay nakalimutan na naming magdala ng ID. kaloka.

"Uhm Manong! Ano kaba? nakalimutan lang namin eto naman, pasok na kami ha!" sabi ni Calysta saka kami hinila papasok ng gate, maparaan din itong si Aira e 'no? Nakapasok na kami ng tuluyan sa MSU.

"Real quick Callie ha!" Ani Maizy. tumingin siya sa akin at sinabing "Bakit mo nga pala nakalimutan ang ID mo Yra? bibihira ka lang makalimot ng kagamitan. Kami ni Callie ay papalagi nang nakakalimutan ang ID pero ikaw?"aniya sabay tawa, tama siya. minsanan ko lang makalimutan ang mga bagay bagay pagdating sa pag-aaral. palaging sinasabi sa akin ni Daddy na huwag kakalimutan ang anumang bagay pagdating sa lahat e.

"Nagmamadali kasi ako, Diba? pumunta pa tayo ng Mall kaya nakalimutan ko." sabi ko habang tumatawa ng pilit.

Naglalakad na kami patungong Collage Building nang nakasalubong namin si Lyka. Eto na naman tayo, diyos ko!

"Hoy Yra, nabalitaan ko wala kayong ID at pumuslit lang kayo ah?" so nakarating na pala sa kaniya ang balita o chismis.

"Uhm, Oo, bakit? may problema ka? saka anong pake mo?" sagot ko. Nasa likod niya ulit si Daisy at Klare. hindi nagbago ang mukha nila, mukhang clown padin.

"Wala naman akong problema at pake Yra. nakakatuwa lang malaman na wala kang ID ngayon at pumuslit ka lang para makapasok! I pity you! Diba Girls?" sabi niya sabay lingon kanila Klare.

"100% Momshie!!" sabay na sabi ng mga alagad niya.

"Hoy mga chaka! 'wag na 'wag niyo pagsasabihan ng ganiyan ang bestfriend ko! palibhasa mga pangit kayo!" Mataray na sambit ni Calysta.

"Anong pangit ang sinasabi mo? tingnan mo nga ang mukha mo, walang wala sa ganda ko" Ani Klare. Sus, ganda? pota saan?

"Walang wala sa ganda mo Klare? Ah, ako kase natural pa lang maganda na! eh ikaw? natural beauty palang pangit na pangit na! Saka, itigil mo na 'yang pagme-makeup mo! PANGIT! kasing pangit mo"Sambit niya sabay halakhak. Natural ang ganda ni Calysta kaya gustong gusto namin ang maging kalebel ng ganda niya. pero we all have beauty naman.

"Oh tama na." Sambit ko saka lumakad na. Nang nakailang hakbang palang ako ay naramdamang kong may humila ng mahaba kong buhok.

"Ikaw ang kumuha ng Cellphone ko ano? Wala ka na ba talagang pang afford ng iPhone?" Aniya.

"I dont know what you're talking about! iPhone? sus, tingnan mo nga ang tatak ng cellphone mo! CHERRY MOBILE!" sagot ko sa kan'ya.

Bigla niya akong sinampal dahilan para natulala ako, pinaglalaban nito?

"Ah napakasinungaling mo talaga e no? hindi cherry mobile ang cellphone ko Yra! IPHONE!!" mataray niyang sambit.

"oh can't you hear me? When i say I dont know what you're talking about, I DONT REALLY KNOW! gets mo?" sagot ko bago siya sampalin. napakaambisyosa nito.

"HINDI PA TAYO TAPOS NAIHRA!!!" sabi niya bago tumalikod.

"Ayos ka lang ba Yra?" mahinhin na tanong ni Maizy, tumango ako sa kaniya. Hindi ako nasaktan sa ano mang mga sinabi niya, LIKE, NEVER!

"Señorita, Uwi na daw po tayo sabi ni Don Michael" biglaang sambit ni Manong Berto. What? SENORITA? at don michael? Kailan pa naging ganoon ang tawag sa amin?

"Señorita? Don Michael? Kuya berto ano kaba? Ang sabi ko sayo kahit Yra nalang ang itawag mo sa akin, ayos na iyon" sambit ko.

"saka napaka aga palang po, Ni hindi pa nga nagsisimula ang klase Mang berto." sabi ko sa kaniya, what is going on?

"Basta daw po Señorita, Huwag na daw po muna kayong pumasok ng klase, may photoshoot pa daw po kayo sabi ni Don Michael." aniya na kinagulat ko, the last time i checked my schedule ay wala akong photoshoot ah? baka naman family photoshoot ito.

nagpaalam nalang ako kanila Aira saka umuwi. Ano ba kasing meron? wala naman akong photoshoot ngayon e, at hindi ako nagpphotoshoot.

"Dad!!" I shouted as i go inside of the house.

"Oh Yra! Good thing you came early! Uhm, Khaila prepare Yra's outfit and then ready her face, got it? yeah quick!" Sagot ni Abby, ang sekretarya ni 'don michael kuno' ano ba kasing meron?

"Uh hi Abby! Anong meron ngayon tsaka bakit ako pinaghahanda?" tanong ko sa kanya dala ng kuryosidad. She just looked at me and did not answer!

"Hi Señorita Yra! Come and sit dito po, aayusan na po kita." Uh who is this girl?

"hmm? What's your name?" biglaan kong tanong sa kanya. inayusan pa nila ang garden ng bahay para sa ganito! ANO BA KASING MERON?

"Uh.... sure!" sagot ko nalang sa kaniya, ni hindi na niya sinagot ang tanong ko. parehas sila ni Abby na sekretarya ni daddy sa opisina.

Inayusan na nila ako at pinag pose na don para daw sa mga shoots. ewan ko ba. sumang ayon nalang ako sa gusto nilang gawin ko, hindi pa ako nakapasok tuloy ngayon sa school dahil dito, Ni wala pa ring sumasagot sa tanong ko kung bakit ito nangyayari ngayon.

"Yra honey!" dad said to me pagkatapos akong picturan.

"What is happening Dad?" I curiously asked him. He looked at me as if now what's happening.

"Hindi pa ba nasasabi sa iyo ni Abby? I want you to be a model Yra." WHAAATT? my eyes widened!

"YOU WANT ME TO BE A MODEL DAD? Hindi sinagot ni Abby ang tanong ko sa kaniya at hindi rin niya sinabi? bakit Dad? Bakit?" naguguluhan kong tanong, Una sa lahat ay ayaw ko maging modelo. Pangalawa ay BAKIT? BAKIT GUSTO NIYA AKO MAGING MODELO?

"May agency na nahanap ang mommy mo, rush na ang pag submit ng photos for requirements anak! you are perfect to be a model. Dont you want to be a model?" I looked at him! I dont wanna be a model.

"Uh sorry dad! I dont want to be model." I answered.

"This is your time to shine Naihra Grab it now! this is the best for your life and career!" aniya.

"No dad! When i say i dont want to be a model! I dont want to be one!" I shouted. "Hindi kayo ang mag dedecide para sa ikakaganda ng buhay at career ko, may sarili na akong desisyon sa buhay dad! sana respituhin niyo 'yun!" sagot ko saka lumakad patungo sa loob ng bahay. Isang buwan nalang eighteen na ako, malaya na akong gawin ang kung ano man ang gusto kong gawin, Hindi sila ang magdedesiyon nun para sa akin.

: ) (A/N; baka mga next week pa ako mag update, dinadrafts ko muna kase e, salamat sa pagbabasa ng storya. iloveu!)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LostWhere stories live. Discover now