"Drain!"

Sumigaw pa talaga.

Tamad ko siyang nilingon. Naningkit ang mga mata ko nang makita ko siyang ngiting-ngiti.

"You're my inspiration that's why I really like you! Please! Huwag mong ic-crush back 'yong babae ah? May two months pa ako para magustuhan mo!" Kumaway siya sa akin. "Mahuhulog ka rin sa akin! Hmp!" Saka niya ako kininditan. "Bye babe! Galingan mo sa pag-aaral!" And then she walked away.

Naiwan akong natitigilan sa kinatatayuan. Hindi ko maiproseso ang sinabi niya. Whoa, I really like her confidence. Akalain mong isinigaw niya 'yon?

Wala akong naintindihan sa sinabi niya. Isa lamang ang tumatak sa akin.
Mahuhulog rin ako sa kaniya? That's insane!

Wala akong balak, mag-alaga ng pasaway.

Ngunit, lahat yata ng tinatak ko sa isip ko ay kinain ko rin. Buong-buo. May sa mangkukulam yata si Jerace at nagkatotoo nga ang sinabi niya.

I like her too.

Siguro nga, hindi mo malalaman kung kailan ka nahuhulog sa isang tao. Bigla na lamang didiktahan ng puso ang katawan para sumunod dito. Ni hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng inis kapag kasama niya 'yong Reggie na 'yon. Nadagdagan pa ng sabihin mismo ni Liam sa harap ko na gusto niya si Jerace.

Sinong hindi maiinis?!

Pero napapangisi ako pag naaalala kong ako ang gusto niya. At hindi na ako nagsayang pa ng oras. Ginawa ko ang lahat para mapasa akin siya. Though she's already mine.

At nang mangyari 'yon, isa lang ang naisip ko.

She's worth it. Walang talo pagdating sa kaniya.

Ako na yata ang pinakamasayang lalaki nang maging kami. Hindi ko man ipahalata, masayang-masaya ako tuwing nakikita siya, nakangiti at sabik akong makita. Ang mga yakap niya na laging pumapawi sa masama kong araw. Ang mga tawa niyang gusto ko ako lang ang makakita. Gusto ko siyang ipagdamot sa lahat. Gusto kong kainggitan nila ako dahil may girlfriend akong katulad niya. At akin lang siya.

Gusto kong nakikita sa mga mata niya ang saya sa tuwing magkasama kami.
Baliw na ngang talaga ako. Kasi hindi lang siya makapagreply, nagpapanic na agad ako.

Nagulat ako nang lumabas ako ng room at naroon siya. Agad siyang kumaway sa akin. Wala sa sarili akong napangiti at naglakad palapit sa kaniya.

"Diba sinabi kong ako na ang pupunta sa room niyo? Malayo ang building na 'to, Jerace."

She pouted. "Ayos lang. Ang tagal ko ng ginagawa 'to eh!"

Napailing na lamang ako at agad na kinuha ang libro sa kaniya. Ngumiti siya at kinawit ang kamay sa braso ko.

"How's your day?" I asked.

"Ayos lang! Daming homeworks!"

"Saan? I'll help you."

"Hala! Ayoko nga."

Binaba ko ang tingin sa kaniya. "Why?"

"Ayokong umasa sa'yo. Baka hindi ako matuto."

Natawa ako. "Tutulungan lang naman kita."

"Kahit pa."

"Alright. 'Di wag."

"Joke lang! Sige na." Tumawa siya.

Nailing ako. Dami pang arte ng baby ko.

Sabay kaming naglakad palabas ng campus. Sa akin na siya nasabay. Alam naman ni Mang Fred at ng Mommy niya.

Inayos ko ang palda niya nang maupo kami sa sasakyan. Tahimik siyang kumakain ng tinapay na binigay ko para hindi siya dumadaldal sa buong biyahe. Kahit na gusto ko naman pag walang humpay ang pagsasalita niya.

The Unwanted Girlfriend (Unwanted Duology #2) Kde žijí příběhy. Začni objevovat