CHAPTER 6: Triggered

Bắt đầu từ đầu
                                    

'Yo se quien eres Iris.' Nanlaki ang mga mata ko ng makita ito at dali dali kong kinuha ang cellphone ko at itinype ang mga salitang nakita ko. Nanggigigil kong inilapag ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa ng malaman ang nakasulat. Paano nila nalaman ang pangalan ko? Tanong ko sa isipan ko habang nakatingin ng diretso sa labas ng bintana ng opisina ni papa. Kung sino man sila iisa lang ang ipinapangako ko, hahanapin ko sila at pagbabayarin ng Malaki sa ginawa nila. Bago ko naramdamang pumula ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nasusunog na ang kurtina sa bintana na nasa harapan ko.

Binuhusan naman ni Mr. Dy ng tubig na galing sa water jug na nandito sa loob ng opisina ang kurtina kaya nawala ang apoy at tanging usok na lamang ang naiwan. Pagkatapos niya ay umupo ulit siya sa harapan ng upuan atsaka may kinuha sa bulsa niya at iniabot sa akin. Tinignan ko naman ito sabay kuha sa mga kamay niya. "Nakita ko yan sa mail box sa ibaba tatlong buwan matapos ang nangyareng aksidente, alam kong nagtataka ka kung bakit ngayon ko lang ibinigay yan." Sabi nito ng abutin ko ang earphone sa ibabaw ng drawer sa likuran ko sabay balik ko ulit ng tingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Actually nawala talaga yan at nakalimutan ko kung saan ko nailagay nitong nakaraan ko lang naalala kung saan ko itinabi, hindi ko pa nalalaman ang laman niyan kaya ikaw na ang umalam." Mahabang paliwanag niya habang nagkakamot ng batok at saka tumayo sa inuupuan niya.

" Iyan lang naman ang sasabihin ko kung may kailangan ka at ipaguutos tawagan mo lang ako, aalis na ko." Tinanguan ko naman siya atsaka siya yumuko at tumalikod bago lumabas sa silid. Pagkalabas niya ay itinutok ko naman ang atensyon ko sa voice recorder na nasa kamay ko saka isinuot ang earphone sa tenga ko bago ito pindutin.

"Hello Raine? Or should I call you Iris? Hahahahaha...." pagkarinig ko palang sa boses ng lalaki ay nakaramdam na ako agad ng pagkasuklam, hindi ko kilala ang boses dahil kahit minsan ay hindi ko pa ito naririnig. "how are you? Did you enjoy what I did? Hahaha owww my bad, nakakalungkot nga pala yun hmmm biruin mo nawala yung mga kinikilala mong pamilya aww that was sad." Napahigpit na ang hawak ko sa voice recording na ito dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko mula sa taong ito. 'malaman ko lang kung sino ko, dila lang ang matitirang hindi sunog sayo' bulong ko sa isipan ko habang patuloy na pinapakinggan ang mga sinasabi niya. "by the way did you hear what your mother's asking that time before I killed her? She was begging me to spare the life of her son because she said that her daughter has no one to be with if I kill him, but did you know what I do? Hahahahaha of course, I am not santa clause to fulfill anyone's request and yes I killed them." doon ko na naibato sa tv na nasa gilid yung hawak kong voice recorder kaya nabasag ito at nalaglag sa pinapatungan nito, nagpupuyos sa galit na inihagis ko ang mga gamit na nasa ibabaw ng lamesa sabay hawak sa buhok ko.

"AAHHHHHHH" sigaw ko dahil sa galit na nararamdaman ko. "Raine pleaseee calm yourself baka masunog mo ang buong bahay kapag ipinagpatuloy mo pa ang galit na nararamdaman mo." Rinig kong sabi niya sa isipan ko habang napatulo na ang mga luha sa mga mata ko. "calmdown?? How can I CALMDOWNNN!! HA!!? HOWWW!!" sabi ko sa isipan ko sabay bato sa nahawakan kong makapal na libro doon sa painting sa gilid ng bookshelf na nasa kaliwa ko. "How can I be calm if I know that the one who killed our parents and kuya marco is there... somewhere, enjoying his f*cking useless life sunny? How?" nanghihina kong sabi sa kanya sa isipan ko habang napaupo sa upuan dati ni papa sabay tingala habang tumutulo pa din ang mga luha ko.

"I know.... I understand where your anger is coming from raine dahil sila ang kumupkop at nagpalaki sa atin kaya nagagalit din ako...pero alam mong walang maidudulot sa atin kung paiiralin natin ang galit. Alam kong iniisip mong gumanti pero paano tayo gaganti kong ang tanging alam lang natin ay katulad natin sila? Paano tayo gaganti kung hindi natin alam kung nasaan sila? Use your brain raine I know you're more than that." Huling sabi niya sa isipan ko na tila dissapointed bago nawala ang boses niya at nagpatigil naman sa mga luha ko kaya napapikit ako at inalala ang mga nangyare dati na hindi ko namalayang nagpatulog sa akin ng gabing iyon.

RICAFORD ACADEMY Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ