Chapter 6

148 86 26
                                    

"HEY." RINIG niyang sabi ng isang pamilyar na boses dahilan para magtaas ng tingin si Lexi.

Nandito siya ngayon sa canteen para sa lunch. Kanina lang ay nakita niya ang lalaki at nakikain pa sa dorm niya, at tila ba'y pati ngayong tanghalian ay guguluhin siya nito.

Ya'll don't need to ask, you already knew him.

Geez. My job is to follow him and get his trust, not the other way around.

"What do you need?" walang ganang sabi ni Lexi habang pilit na tinutuon ang atensyon sa kinakain, pero ang binata sa harap niya ay umupo pa at inilagay ang tray nito sa lamesa. Nagpadekwatro pa ang tarantado. Alright, this guy is ballsy.

"Eat with us." ani Thaddeus at bahagya pang ininguso iyong gitnang parte ng canteen. Sinundan naman iyon ng tingin ni Lexi. Nandoon nga ang mga kaibigan ng binata, nakapwesto sa iisang lamesa at kung ano ano ang ginagawa.

"No." mabilis na sagot ng dalaga at itinuon nalang ang atensyon sa kinakain. There's no way she's gonna eat with Thaddeus' friends.

Ngumuso ang binata. "Sige na, mababait naman sila-"

"Wala akong pakealam kahit nangangain pa sila ng tao." inis na sagot si Lexi dahilan para mas lalong ngumuso si Thaddeus.

"Come on-"

"Bitch- Omy, Thaddy-bear!" maarteng tili ng malanding kaibigan ni Lexi, the one and only, Ayara.

Kumuha ito ng upuan sa kabilang lamesa at itinabi iyon sa katabi ni Thaddeus. Bahagya pa nitong niyakap ang braso ng binata at kulang nalang ay saniban na ni Ayara si Thaddeus sa sobrang lapit nito.

"Are you here for me, Thaddy?" pabebeng ani Ayara at gustong gustong humagalpak sa tawa ni Lexi sa reaksyon ng binata. Kung kanina ay ngingiti ngiti pa ito sakanya, ngayon ay para itong nakakita ng nagsasalitang tae.

"Uhm... no. I-in fact, aalis n-na nga ako eh." sinubukang tumayo ni Thaddeus pero agad siyang hinila paupo ni Ayara.

"Oh no, you're going nowhere." saad ni Ayara at bumaling naman kaagad ang atensyon niya doon sa dalang tray ni Thaddeus kanina. "Aww, are these for me? Too bad, I don't eat veggies. But I might, kung pipilitin moko."

Hindi maipinta ang mukhang nilingon ni Thaddeus si Lexi. "Help." he mouthed.

Napangisi si Lexi. Kinuha niya ang tray niya at tumayo dahilan para lingunin siya ni Ayara.

"Bitch, where are you going?" tanong nito dahilan para mapangisi nanaman ulit si Lexi.

"At Thaddeus' table." saad ng dalaga dahilan para lumiwanag ang mukha ni Thaddeus.

"What? Thaddy-bear, inimbitahan mo siya tapos ako hindi? Hindi mo nako love?" rinig niya pang pagiinarte ng kaibigan pero hindi niya nalang ito pinansin at naglakad nalang patungo sa pwesto ng mga kaibigan ni Thaddeus.

"Hey, are you serious?" sigaw ni Thaddeus at winagayway nalang niya ang kamay niya bilang tugon.

She needs to know more about him, at alam niyang makakatulong ito. She needs, no, scratch that. She wants to end this mission as soon as possible.

It's the reason why she's in Morte, after all.

BCS 1: Love and DeathWhere stories live. Discover now