Pagkalapag ko ng Manila, pinadala na ni Mama ang ticket ko paalis ng bansa. I sang high praises immediately after boarding my flight out of the country. Mas nakahinga na ako nang matiwasay kasi alam kong nakaalis na ako ng bansa at alam kong malayo na ako sa kanila, sa kanya.

At dahil walang direct flights to Canada, mahaba-habang biyahe ang mangyayari sa 'kin mula Manila hanggang Toronto. Kinuha ko na lang ang oportunidad na 'to na makatulog sa gitna ng biyahe. And I dozed off throughout my connecting flight from Incheon to New York. Iyon ang dahilan sa pagkabuhay ng namumutla kong mukha, ang sa sapat tulog.

I am now traveling for almost a day, and I haven't had any proper rest and meal. Kitang-kita iyon mukha ko. And I may look horrible, but somehow my bestfriend did not even bother to embrace me in the middle of this busy airport.

"Finally, you're here!" Willow jumped excitedly.

Nagpatianod ako sa masigla niyang panghihila. Hinila niya ako papunta kina Mama na naghihintay kasama ang stepdad ko.

"We've been waiting for you, Saint. We are all glad you're finally here," si Tito George.

Tipid ang ngiti ko sa lahat lalo na kay Mama na ngayo'y mas sinusuri na ang mali sa akin. Mabibigat ang singhap na binibigay niya na para bang alam niya ang pinagdadaanan ko.

"Uwi na muna tayo. Pagod ka. Mamaya na kayo mag-usap na dalawa," saway ni Mama nang hindi kami makaalis sa pang-uusyuso ni Willow sa akin.

A dreadful week has passed, but Willow and Mama didn't even ask why I desperately went out of the country. It is as if they know the whole story from beginning to end.

Isa pa, hindi ko alam kung sa'n ako magsisimula sa pagkwento sa lahat nang nangyari sa Oro Verde. Pabor sa hindi nila ako pagpupumilit sa akin na mag-open up. At paano ko ba kasi sasabihin sa kanila sa kasal na 'yon sa iba kung ilang buwan pa lang kami nagkabalikan? Paano ko sasabihin na nagpakatanga na naman ako at pinatawad-tawad pa ang lalaking harapan na akong niloko noon?

Nakakahiya ang katangahan ko. At iyon ang mas mahirap tanggapin.

But moving on is so much harder to say than to do. I allowed myself to drown in sadness, I embraced it, even. His marriage with Claudia was out of my control, and I cannot continue blaming myself for a decision that Range made for himself.

I sighed.

"Gusto mo bang retuhan na lang kita para makamove on ka nang mabilis?" panunukso ni Willow sa gitna nang pagda-drama ko.

Nahinto ako sa pag-iyak. "Bakit? Is he even worth it? Or good-looking?"

Natawa pa lalo si Willow.

"Every guy is worth it after what that stupid ex of yours did to you! Ano? Game kang makipagblind date o hindi?"

I shrugged. But maybe I can make this as an excuse to go out of the house? Hindi pa kasi ako nakakalabas mula nang pumarito ako, at magdadalawang linggo na.

Willow mercilessly pulled me up from the floor. "Dress up now. Aalis ka sa ayaw mo at sa hindi,"

"Huh?"

Annoyed, she rolled her eyes at me. "Magbihis ka at lalabas tayo, Saint! Kikitain mo iyong irereto ko kahit naman obvious na wala kang gana kasi ayaw mo namang mag-move on!"

"Whatever, Willow," tanging nasabi ko kasi minadali niya akong mag-ayos.

Nasa downtown na kami ngayon at medyo busy ang mall kasi weekend. Ang sabi ni Willow, nandoon na raw ang irereto niya sa coffee shop na pinag-usapan nila. At sa totoo lang, pinapatagal ko ang pagpunta roon sa coffee shop kasi ayaw ko talagang pilitin ang sarili na makipagkilala kahit kanino man.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt