Chapter 4

3.9K 59 23
                                    

Chapter 4
Wait


Namamanhid ako. Umatras na lang nang umayos na siya ng tayo. Nagpamulsa pa na animo'y walang inamin sa akin ngayon-ngayon lang. Though... was that really a confession?  Parang ang dating kasi sa 'kin ay hindi niya rin alam ang sagot sa sariling tanong.

Tumikhim ako dahil binalot kami ng katahimikan sa pagkatameme ko.

Pamasok sa isipan ko ang sinabi nina Alyssa kanina sa coop, na misteryoso siya. At kung titignan ko siya ngayon, baka tama nga sila. He's expressive, I can tell, but not much? Iyong tipid pa rin at halatang may tinatagong sekreto sa likod, ganoon ang dating niya sa akin.

"Can I get your number?" he asks out of nowhere.

Lumaki ang mga mata ko sa biglaan niyang tanong.

"Uh... I don't give my number to strangers. I'm afrai-"

"Strangers don't just kiss, I'm afraid?" biglaan niyang pagputol.

Tuluyan ulit akong nawalan ng ganang sumagot lalo't tama nga naman siya. The kiss yesterday was entirely my fault and none of his, I take accountability to it. Ngunit hindi pa ba sapat ang sorry? Kung sabagay ano ba ang karapatan ko, eh, siya naman ang ninakawan ko ng halik.

Suminghap ako ng mabigat.

"Then I will ask for forgiveness cos it was my fault. But do know, I had no choice yesterday and I definitely will make it up to you,"

"Give me your number then," nakangisi niyang agap.

Mapanuya akong natawa. "Kung ayaw mo naman pala sa halik sana ay itinulak mo ako papalayo. Aminin mong nagustuhan mo rin naman. You even deepened the kiss. That clearly wasn't a protest to me?"

Range shifted his stance. Tumingala siya habang natatawa bago ibinalik ang tingin sa akin.

"Sinabi ko bang hindi ko nagustuhan? Ang sabi ko lang, gusto kong kunin ang number mo. What's so hard to comprehend on my request when you even said you'll make it up to me? Number mo lang, Saint."

Pinaningkitan ko siya ng husto. At sa patuloy niyang pagpush ng topic na 'to, pinag-iinitan ako ng pisngi. Naaalala ko kasi ang halik niya kahapon.

His eyes immediately narrowed like he knew what I was thinking. "You're blushing, Saint. Were you thinking about our kiss?

Sabi ko na nga ba...

"A-Ano? Of course not! Bakit naman, eh, hindi ka naman magaling humalik?" sa tono ng pagkakasabi ko'y halata ang pagkataranta ko

Nahuli niya nga ako sa iniisip.

Abruptly, I saw this as window of opportunity to run away from his further comments. Mabilis ang lakad ko papaalis, rinig ko sa likod ang pag-alingawngaw ng mapanuya niyang tawa. Umiinit ang pisngi ko.

"Really, Saint? Should you check my kiss again to reconsider?" Range unbelievably shouted from where we stood.

Tumigil ako at nilingon siya. And there I saw him standing where I left him earlier. Kitang-kita ang malapad niyang ngisi na para bang niya na ang tanong na iyon ang makakapagpatigil sa akin sa paglayo.

Ang nakakainis pa, gusto rin ng utak ko ang walang kuwenta niyang suhestyon. My mind now says to run back to him and really check. Should I?

Umayos ka nga, Saint!

"Hindi ka magaling," pasigaw kong giit bago tumalikod sa kanya para takbuhin ang main gate.

Sa gitna ng biyahe ko sa jeep, iniisip ko lang ang nangyari sa coop kanina. Mainly because I feel like that girl is insinutiating something more deep about Range, deep like something forbidden to know, something quite bizarre for public to even grasp. Hindi ko nga lang alam kung ano eksakto ang ibig sabihin ng babae kanina sa coop.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon