"Ay oo, nako, salamat ah. Nauuhaw narin ako eh? Lamat." Tsaka siya ngumiti.

Napangiti rin ako kasi ang cute niya. "Welcome."

"Tsk. Una na ako." Tsaka umalis si Patrick at nag simulang nag tanim.

Patrick's POV

"Okay! Very good very good! Good job, students! And we are ending our tree planting here. Thank you for participating and I hope everyone here had such a great time despite of how tiring it is. " And we also hope that you learnt something from this experience,students! Okay, okay! Have an hour break before we go!"

Naka salampak nalang ako sa ilalim ng malaking puno ng dahil sa pagod at init.

"Omg omg, NKKLK! It's so hot and I can't find, Ella!" Nag tatampururot nanaman si Britney.

"Baka naman na wiwi yun. Hanapin nyo nalang." Sagot ko.

"Huhu, I can't bear the heat. I'm hot na nga, sasabayan pa ako ng weather. Fine! Ako nalang mag hahanap sa baklitang yun!" Tsaka siya nag walk out, lol. Basta ang init.

"Is everyone here, now? Are we all set to go?" Napa tayo agad ako dahil paalis na pala. Naka idlip pala ako, ahg shit ang sakit tuloy ng ulo ko.

"Nakita mo si Ella?" Tikoy.

"Nako, san naman kaya yun?" Tammy.

"Wala naman akong makitang lugar na pwede siyang mag you know, pee." At syempre, si Britney.

"Pat, 'di mo ba talaga alam kung nasaan siya?" Tanong ni Tammy. Hindi ko nga kasi siya nakita, ano ba niya ako, body guard? De biro lang. :/

"Hindi eh. Tsaka isa pa, inis yun sa akin kaya lumayo muna ako." Sagot ko nalang, nang maalala ko ang nangyari kanina.

Eh kasi nag tatanim kami, at napansin kong huminto siya--ah shit oo na, pinapanuod ko talaga siya kanina. Eh sa wala akong trip eh, masama bang panoorin ang mga taong nag tatanim? Sus, dyahe ka ah.

Kaya lalapitan ko sana siya para mag bigay ng tubig. Ang bait ko na nga eh, kay damot damot ko tapos ang swerte nga niya eh. Kaso bago pa ako makalapit, may lalakeng ka batch namin na lumapit din ay nag bigay ng tubig. Kita ko namang natuwa siya dun, pero nag patuloy parin ako.

"Huy, tubig muna o!" Sabay abot ko ng mineral.

"Ay nako wag na. Meron narin naman ako eh. Salamat nalang." Sagot niya. At uminom ulit ng tubig na yun.

"Mas pinipili mo pa yung bigay nung lalake na iyon? Sus, eh mas gwapo ako nun eh. Tsaka paminsan lang ako mag bigay, bahala ka." Pang iinis ko nalang sa kaniya.

"Heh, ibigay mo nalang yan sa iba."

"Asus,pakipot. Ganda ka? Ha? Ha?" Tsaka ako ngumiti ng nakaka loko.

"Shut up, will you? Hindi ka nakaka tuwa. Umalis ka na." Oh shit nagalit ko ata? :/

"Huy, sorry na."

"Pwede bang umalis ka muna?! Nakaka inis ka eh! Hindi pa nga ako tapos dito! Dun ka nga, mag tanim ko dun! Layuan mo muna ako! Pwede?!" Pikon niyang sagot. Tangina, nagalit ko.

"Pa-pasensya na. Nag bibiro lang naman ko eh. Sorry" tsaka ako umalis.

Kaya naman ngayon ay parang pakiramdaman kong responsable ako kung nasaan man siya ngayon.

Ella's POV

Ayaw ko nang umuwi!!!!!!! Waaa, nakaka loka!!!! Ang ganda ng lugar na nadiskobre ko!!!!! Chos!

Dahil nga sa makati ang aking paa at makulit na utak, habang nag tatanim kami kanina ay napunta ako sa pag tatanim sa bandang dulo at napansin kong may something sa likod ng mga ugat ng malaking puno na halos parang naging kurtina na,samahan mo pa yung nga veins naka lawit dito. Kung hindi mo tititigan ay hindi mo rin talaga mapapansin. Binalewala ko lang naman talag nung una kasi nga akala ko malaking puno labg ang likod nun pero nung sasandal na sana ako ay natumba ako at nahiga. Tiningnan ko nalang ay lagusan pala, sa mas malaking gubat.

Grabe, di ako maka paniwala. Ang tataas ng mga puno,tahimik, mahangin, para ahgg nakaka loka talaga, swear. Tapos sa gitna yung nag mistulang daanan, para siyang isle. Ang ganda ganda. Ayoko na umuwi!!! May one hour break naman kaya choks lang! May nakita akong mansanas, kaya naman inakyat ko nalang, nakaka gutom din kaya. Edible naman siguro to no? Heheheeeee :o

"Mag-ingat ka. Baka naman mahulog ka." Halos bumitaw ako ng may narinig akong boses. Shit, baka mapagalitan ako ng teacher o nang may-ari nito. Huhu pls wag po. Nilingon ko ng unti unti ang tao sa baba.

"Sir, nako sorry po for intruding. Sorry po talaga kung inakyat ko tong man----" naputol ang sasabihin ko ng tuluyan na ako lumingin dahil nakita ko siya.

"Bumaba ka na. Kunin mo nalang yang mansanas na pinaka malapit sa'yo. Mahirap na." Kaya naman sumungkit na ako at bumaba.

"Anong ginagawa mo dito, Philip?" Nag tataka pa ako. Eh lumingon ako kanina wala namang naka pansin ah.

"Ikaw, anong ginagawa mo dito? Mag isa?" Tsaka niya pinatong yung kamay niya sa ulo ko.

"Hindi, ikaw anong gina--" naka kunot pa ang noo ko nun. Pero natawa naman siya at "Fine, fine. Haha nakaka tawa ka. I saw you a while ago. Kaya sinundan nalang kita." Napa 'ah' nalang ako nun. At nag patuloy sa pag lalakad.

"Saan ka pupunta, miss?" Kaya naman napa hinto ako. "Mag eexplore!" Sagot ko sabay kagat ng mansanan na sobrang pula na. Sheeet ang sarap! :O

"Edi isama mo ako!" Humabol siya sa akin nag lakad lakad kami. Ilang minuto din ng walang nag sasalita tapos siya na ang bumasag nito. Natatawa siya bigla. Ay hala, buang? Wala namang nakaka tawa pero.... eh? May nakaka usap ba siya? May bumubulong?

"Bakit?" Tanong ko sabay taas ng kilay.

"Nakaka tawa lang kasi dati, naiinis pa ako sa'yo." Mas tumaas ata hanggang noo ang kilay ko. "Kasi akala ko, ang hangin mo. Yung parang porket sikat na babae kung maka arte ang grabe? Yung ganun." Hindi parin ako umiimik. Suntukin ko kaya to? "Pero nagkamali ako. Hindi pala. Akala ko nga ang sungit sungit mo porket SSC ka pero hindi nanaman pala. I judged you immediately on the first time I laid my eyes on you. Sensya na ha." This time, napa hinto na kami sa pag lalakad. Pumunta siya sa harap ko at pinatong ang isang kamay sa ulo ko.

"So let's be officialy friends?" Tsaka siya ngumiti, yung ngiting ang cute cute cute at nakaka hawa. Kaya natawa narin ako.

"Mukha ka palang engot eh! How dare you ha, kung maka husga!" Sabay kaming natawa. Tsaka, "oks lang, let's be friends."

Natawa ulit kami at natuloy sa pag lalakad. Ngayon, hindi na awwwkwwaarddd.

You're the ONLY ONE (KathNiel ) -HIATUS-Where stories live. Discover now