Crushmate

610 16 8
                                    

"3 points!" sigaw nya habang nagsasaya dahil naka3-point shot sya sa laro nila.

"Galiiiiiing! Kaya idol kita ehhh Whoooh!"

"Whoooooaaah"

"Fraaaaaanss, idoool! hahaha"

"Pogi muuuuuch! I love you Franssss!"

Ugh, napaka immature nya talaga. Parang bata kung umakto!

Akalain nyo 'yon, ang bawat gilid ng black board ay ginawang ring na pang basketball tapos mga pinagkumpol-kumpol na papel na binalot lamang sa scotch tape ang nagsilbing bola nila?

At oo, tama kayo ng iniisip, nasa loob sila ng classroom naglalaro ng basketball.

So immature right? But I want you guys to keep a secret for me. Magaling daw kasi kayo magtago ng sikreto eh hehe

Crush ko sya. Yes. Crush ko si Frans Lee despite of the fact na marami syang traits na masasabi mong di bagay sa looks nya.

Siguro totoo nga yung sabi-sabi ng mga tao na 'Looks can be decieving'. Bakit? Kasi sa unang tingin palang, masasabi mo nang mabait, serious, mature, matalino at gentleman sya. But, I'd recommend you to see the eye doctor if paniniwalaan nyo na iyon ang ugali nya.

Because honestly, his attitude is the complete opposite of what his looks are telling you.

Ehh, sino ba naman kasing gentleman ang nagbabasketball at nagsisigaw sa loob ng classroom? Wala naman diba? Right guyyyssss? But anyways, kahit na ganyan sya, he's still my crush.

"Zia! heto na yung script mo para sa play." tugon sakin ng isang kaibigan ko na si Kriss sabay abot ng isang script. It was a script for our English month play or mas kinikilalang acting or theater.

"Sige, thanks Kriss! By the way, pwede favor?" tanong ko sa kanya.

Hindi ko nalang binasa yung script at inilagay ko agad iyon sa loob ng bag ko dahil alam ko na din naman kung ano ang nilalaman nun eh.

"Yeah, sure! Anything for my pretty friend." tapos nagsmile sya sakin.

"Aww, thanks Kriss! Uhhhhmm, since magkatabi lang naman kayo ng upuan, pwede mo bang ibigay 'to kay Frans? Nakalimutan ko kasing ibigay sa kanya kanina eh." sabi ko sa kanya sabay abot ang papel ni Frans.

"Bat ako?! Ikaw nalang kaya? haha" tawa nya.

'Ayoko kaya! Baka kiligin lang ako kapag nakaharap ko na sya' ~~~~ pero syempre, di yan ang sinabi ko sa kanya. Kahit kasi na magkaibigan kami, I have limits rin kasi kung anu-ano ang mga secrets ko na pwede at mga hindi pwedeng sabihin.

"Ikaw nalang pleeeeeeeeeease? *pout*" I said while doing the famous puppy dog face.

Hind naman ata halata na nagpapacute ako diba? hahaha joke lang naman 'yon mga boys and girls hehehe

Huminto sya saglit at inilagay nya ang kanyang pointer finger sa may chin nya as if she was thinking... Napangiti naman sya bigla for who knows what reason at kinuha ang papel at sinabing,

"Sige na nga! hihih" at tumalikod na sya.

I was looking at her figure hanggang sa makalayo na sya sa kinaroroonan ko. Nasa kabilang banda pa kasi sya naka-upo eh.

Kumuha ako ng isang pirasong bondpaper at sinulat ang katagang 'Franzia'.

Frans + Zia = Franzia ♥

Haha! Baduy no? Brand kasi yan ng red wine ehh! Search nyo pa sa google! haha

Dinoodle ko ito at nilagyan ng iba't ibang drawings na pumapasok sa isip ko. Pagkatapos ay shinade ko ang mga ito.

CrushmateWhere stories live. Discover now