Chapter 3: Can't Help Falling In Love with You

Start from the beginning
                                    

“Paano ka nakapasok dito?” tanong ko sa kanya.

“Hello naman. Nakalimutan mong isara ang gate kagabi pati ‘yung pintuan mo. Mabuti nga at walang nagtangkang magnakaw sa malawak mong bahay e?” pangiti niyang sabi.

“O siya anong ginagawa mo rito?”

“Ano pa nga ba? E di siyempre....”

“Sasabihin mo na ba sa ‘kin ‘yung sinabing sikreto sayo ni Mama?” prangkang sabi ko sa kanya.

“Oo naman. Pero ano ka ba Papa Jace marami pa tayong oras para dun. Nandito ako para.... alam mo na. I just want to know if...,” sabi niyang may halong kilig. “If malapit na ba kayong mag Starting Over Again ni Kuya Mick?”

Napakunot ang nuo ko sa pinapakita niyang awkward gestures. Hindi ko na siya sinagot at agad akong dumiretso sa kusina upang magsipilyo sa may Sink.

“Uy, may nangyari na ba sa inyo kagabi? It Started with a Drink ba ang drama?” patukso niyang sabi sa ‘kin.

Hindi naman ako makapag rebuttal dahil busy ako sa pagsipilyo ko nang ngipin. Nang matapos e sinagot ko kaagad ang patutsada niya.

“Masyado kang maraming alam Alex.”

“Of course, sana ‘wag mo namang mamasamain kung ganito ako kakilig sa inyong dalawa. Aminado naman akong wala na akong chance para mahalin mo ‘ko.”

Napalukot ang mukha ko sa sinabi niya. Naalala ko nang i-confess niya sa ‘kin na type niya ako mula ng una niya akong makita. Sabi ko naman sa kanya’y hindi ko siya type dahil masyado pa siyang bata... batang isip!

“Sira! Alex hindi purke alam mo na ang tungkol sa ‘min ng Kuya mo e tutuksuhin mo na ako ng ganyan. Hindi ako kumportable sa mga ganun,” pagprangka ko sa kanya.

“Ah... well... Okay.... Sige I’ll tone down a little bit.”

“Anong tone down? I just want you to respect me and your uncle. Naiilang lang kase ako sa mga banat mo e,” sabi ko sa kanya.

Kumuha ako ng mainit na tubig sa Thermos at nagtimpla ng mainit at matapang na kape para sa aking almusal.

“Okay fine? Pero ‘yung totoo Papa Jace. Ano nang score niyong dalawa? Meron ka bang gustong ipagawa sa ‘kin just to make sure na kayong dalawa ang magkakatuluyan ‘till the end?”

Ito talaga ang premyo ko nang sabihin ko kay Alex ang lahat-lahat patungkol sa ‘min ni Mick. Naalibadbaran ako sa mga tanong niya na hindi naman sumasakto sa timpla ng mood at personality ko. Ang kaso lang sinabi ko na sa kanya kaya hindi ko rin siya masisisi kung ganun siya magsalita patungkol sa ‘ming dalawa ng Kuya niya.

“Ano namang ipagagawa ko sayo? Alex, pinagkatiwalaan kita na sabihin sayo na mahal ko ang Kuya mo, pero hanggang duon lang iyon okay? Magkatuluyan man kami o hindi e wala ka na dun. Diskarte ko na ‘yun!”

Lumapit nang malapitan sa ‘kin si Alex at hinawakan ang magkabilang braso ko. Tinitigan niya ako ng ubod nang seryoso na tila may gustong ipahiwatig o isuggest.

“I will help you Papa Jace. Kilala ko si Kuya more than you know. Alam ko rin kung ano ang mood at panlasa niya kaya malaki ang maitutulong ko sayo para mas mapalapit ka pa ng husto sa kanya. Just let me help you and you’ll never regret it,” pakindat na sabi niya sa ‘kin.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya. Wala namang masama siguro kung subukan ko ang posible niyang maging suhestyon, pero nag-aalangan ako dahil hindi ako kumpyansa sa mga galaw niya.

“Ano namang maitutulong mo?” pakunot noong sabi ko sa kanya.

Binitiwan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Nagpalakad lakad siya in a circular motion na tila may gustong sabihin mula sa kanyang suhestyon.

Habang hinihigop ko ang aking kape’y bulalas niyang sinabi ang ideya niya.

“Dinner Date! Tama! Magdi-dinner date kayo!”

Napangisi ako sa tinuran niya. Isang bagay na kahit sino’y maaaring maisip.

“Pucha,pinag-isipan ba ‘yun? Gawain lang ‘yan ng babae sa lalaki. Atsaka gasgas na ‘yan.”

“Hindi pa ako tapos Papa Jace. ‘Yung Date will be exclusive para sa inyong dalawa ni Kuya. Hihingi ako ng tulong sa kaibigan kong si Darla for the location, motif and everything. At ikaw Papa Jace...”

“Ano?”

“Diba marunong kang kumanta?”

“O-oo,” halos hindi ko siguradong tugon.

“Perfect! Haharanahin mo si Kuya. Your Voice should be heard kung saan boses mo ang puhunan para kayo’y magkaibigan! This is The Voice!” masigla niyang sabi.

Mahilig akong kumanta at alam kong kagandahan rin naman ang boses ko kaya’t medyo natipuhan ko agad-agad ang suhestiyon ng makaulit na ‘to. Iniisip ko ang pwedeng mangyari kung saka-sakaling maganap iyon. Mukhang magiging masaya ang loko kung haharanahin ko siya for our exclusive date. Hindi pa niya alam kung gaano kaganda ang boses ko kaya parang surpresa ito para sa kanya. Awkward nga lang dahil kung nuon e babae ang hinaharanahan ko, this time lalaki na. E ano ngayon?

Hindi ako umimik tanda nang medyo pagsang-ayon ko kay Alex sa suhestyon niya.

“I know Papa Jace gusto mo ang suggestion ko. You still have time naman para i-finalize ‘yan tama ba ‘ko?”

Nginitaan niya ako nang ubod ng sigla na akala mo’y siya ang makikipag-date. Pagkatalikod na pagkatalikod niya sa ‘kin upang lumabas ang bahay ay bigla niyang kinanta ang kanta na pinakikinggan ko kagabi.

“Wise men say only fools rush in
but I can't help falling in love with you
Shall I stay
would it be a sin
If I can't help falling in love with you”

Medyo makabasag tenga lang ang pagkakakanta niya nun pero ‘yun talagang kantang ‘yun ang tumutugtog sa isipan ko nang paulit-lit mula kagabi.

Hay naku Mick, I Can’t Help Falling In Love with You!

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDWhere stories live. Discover now