"You are not leaving me. This is some kind of joke." Nangingiti ko pang sabi sa kanya. "Nagtatampo ka siguro dahil hindi ako nagparamdam sa loob nang ilang na buwan, pero nandito na ako." Saad ko pa rito. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang palad sa kamay kong nakayakap sa kanya. Fuck! I miss her touch. I miss her so much. Dahan-dahan n'yang kinalas ang kamay ko sa kanyang katawan. Umayos kami parehas ng upo. Nang muli s'yang tumingin sa'kin ay wala nang emosyon ang kanyang mata. Natatabunan na iyon ng lungkot at sakit.

"I'm leaving." Matigas at diretsong tugon nito bago hawiin ang kamay ko na nakahawak sa kamay n'ya sabay tayo at tinungo ang walk in closet at kinuha ang mga damit doon. Nanatili akong naguguluhan at walang kahit na anong maintindihan. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang aabutan ko. Akala ko—Akala ko magiging maayos ang lahat. Hindi ganito. Nanginginig ang katawan kong sinundan s'ya at niyakap mula sa likod. Sumubsob ako sa balikat n'ya at hindi ko na napigilang hindi umiyak.

"Sabihin mo sa aking hindi ka aalis. Nagbibiro kalang diba?" Bulong ko.

"Bu--Buntis ako." nanginginig n'yang tugon. Nabigla ako roon. Dahan-dahang bumaba ang palad ko sa kanyang sinapupunan, ngunit bago pa makaratingd doon ang palad ko ay mahigpit n'ya na itong hinawakan. Malalim akong napanbuntong hininga. Gusto kong sumigaw. Gusto kong magmura. Iniharap ko s'ya at tiningnan ang kanyang mga mata na may ngiti sa labi. Ayokong makita n'ya na nasasaktan ako.

"Aren't you happy?" Nakangiti kong tanong ngunit umiyak lamang ito sa aking harapan. Iyak na puno ng sakit. Ang dalawang kamay nito ay lumapat sa dibdib ko habang tahimik na humikbi. Paulit-ulit itong umiling. Dahan-dahan itong lumayo sa'kin. Humakbang ito patungo sa kama. Naupos s'ya doon at sinapo ng kanyang palad ang basa nitong mukha.

"Baby" I called her. Lumait ako sa kanya at naupo sa kanyan harapan. Ikinulong ko ang mukha n'ya sa palad ko. Ayokong isipin na dito kami magtatapos. Ayoko. Hindi ako papayag.

Mas lalo lamang itong umiyak. Mas malakas. Mas nakakapanghina.

"I--I'm so--sorry Thorin. I--I'm sorry. Hindi ko sinasadya," Paulit ulit nyang sambit. "Th--This is not your's." Hikbi n'yang sabi. Bigla ko s'yang nabitiwan at nanghihinang lumayo. Kahit alam kong hindi sa akin 'yon noong una palang ay mas masakit na sabihin n'ya sa'kin ang katotohanan. Hindi ko s'ya maaring mabuntis dahil wala ako sa kanyang tabi, isa pa kung mabuntis ko man s'ya ay sigurado akong halata na iyon sa ngayon.

"Fuck." Mahina kong mura. Gusto ko talagang magwala sa kanyang harapan at itanong ang salitang bakit? Bakit kailangang mangyari sa aming dalawa ito. Bakit kailangang saktan n'ya ako sa masakit na paraan.

"T—Thorin." Mahinang tawag nito sa pangalan ko. Wala na akong lakas para lumingon. Masyadong masakit ang isang katotohanan na parang may yumapak sa pagkatao ko.

Mahabang katahimikan ang dumaan sa aming dalawa, tanging ang mahihinang hikbi ni Hanna ang nagpabalik sa'kin sa realidad. Sa gitna nang katahimikang iyon ay bumalik lahat sa'kin ang mga ala-ala naming dalawa. Kung paano kami tumatag at lumaban sa lahat ng pagsubok. Dahan-dahan akong lumingon at naabutan kong ganoon pa rin ang kanyang ayos. Nakasubsob parin ang mukha nito sa dalawang palad at umiiyak. Mabigat ang paghingang lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya ng mahigpit. "I don't care if I'm not the father. Tatanggapin ko 'yong bata. I can be the father of your child. I love you so much. I love you. Just---Just please don't leave me." Nagmamakaawang kong saad. Mahal ko si Hanna at kahit sabihin n'yang hindi sa'kin ang dinadala n'ya ay tatanggapin ko iyon. Aangkinin kong akin ang batang nasa sinapupunan n'ya. Akin s'ya. Akin ang magiging anak n'ya. Wala akong pakialam kung nagkaroon man s'ya ng pagkakamali. Hindi iyon makakabawas sa nararamdaman ko sa kanya.

"It's not about the baby Thorin." Hikbi nito. "It's about my feelings for you." bumitaw s'ya sa pagkakayakap sa akin at tiningnan ako ng diretso. "I--I don't love you anymore."

Ang salitang iyon ay parang putok ng baril na mabilis na tumama sa akin. Agad akong napabitiw sa kanya at tumalikod. Paulit-ulit kong sinuntok ang puting pader hanggang magsugat at dumugo ang kamao ko. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Humihiling n asana ay agad iyong mawala.

Nanghihina akong lumingon sa kanya ng may luha sa mga mata. What happened in our forever?

"Am I not enough Hanna?" Nanlulumo kong tanong. "I can accept your sin. I will forgive you. I will do everything... Just don't say you don't love me anymore. You will kill me." Nanghihina kong sambit. Napasandig ako sa pader na ngayon ay may bahid ng dugo.

"You always choosed your ambition rather than me. I'm sick and tired being your second choice." Matigas n'yang tugon.

"Ginagawa ko ang lahat ng sinasabi mo para sa ating dalawa. You are not my second choice! You know that. I did eveything to gave you the best life. I sacrificed everything just for you. For you to be happy. For us to have a better future with our child." Madiin kong tugon.

"I don't need a better future Thorin. I only want you, I need you but you weren't there. You always leave me here. I need you Thorin, but you're not here." sagot n'ya sakin.

Napahilamos ako ng mukha."Kailan pa Hanna!? " Sigaw ko sa kanya.

Tumingin s'ya sa'kin ng diretso, walang emosyon, walang kahit na ano.

"Noong araw na pinili mo ang pangarap mo kaysa sa akin. That time... I fell out of love, and then I met this man. A man who gave me the love that you can't give." hindi ko s'ya pinatapos at nagsalita ako.

"But I love you so much Hanna! You know that. I love you. I can love you to the fullest of being a man! I can love you more than the love you are talking about... Just please---Don't leave me." Hindi ko kayang umalis s'ya sa buhay ko hindi gan'on kadali. Hindi ko kayang makitang mawala s'ya sakin. Kahit ano gagawin ko para mapanatili s'ya sa tabi ko. Lumhod ako sa kanyang harapan. Patuloy ang pag-iyak ko. Nagmamakaawa akong 'wag s'yang umalis, ngunit pag-iling lang ang tangin sagot n'ya.

"C--Can you atleast tell me what his name?" I plead. Dahan-dahan akong kumalas ng pumiksi s'ya at tumayo palayo sa'kin dala ang kanyang mga gamit.

Ngumiti ito sa'kin.

"Eduardo Almario." sagot n'yang nakatalikod sakin. Humakbang na ito palayo. At habang pinagmamasdan ko ang unti-unti n'yang paglayo sa'kin ay unti-unti kong nararamdaman ang paghinto ng tibok ng puso ko.

"Johanna" Tawag ko ditto.

Lumingon s'ya sakin.

"Don't come back." Madiin kong sabi kasabay nang pagkuyom ng kamay. Kahit ang sakit-sakit ay minemerya ko ang kanyang mukha. 'Yong mukhang nagpa-ibig sa'kin nang napakalalim.

Tumango ito at ngumiti. Pagkatapos noon ay ang pagsarado ng pintuan.

Pagkatapos ng gabing iyon.

Thorin Alexus Dela Fuente Died.

--------------
This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

All right reserved 2017
© Stoutheart

The Lust SufferWhere stories live. Discover now