Marriage. That's what kept on repeating on my head for hours, and it's been excruciating to bear. Nasisiguro kong 'di 'to maaalis kung wala akong konkretong sagot mula sa kaniya.

Damn, Claudia...

Is this what she wants to achieve in this game? Parang ako pa 'ata ang binaliw niya, ah, imbis na siya ang baliwin ko?

Nanatili ang tingin ko sa paang bahagya kong pinapalubog sa sapa.

Napapaisip ako ng malalim. Hindi ba'y nangako kami na magiging tapat sa isa't isa? And I am trying my hardest to peel of my covers to him, you know. I have been so good with it. Pero sa pagkakataong 'to, napapaisip ako kung ba't ang hirap-hirap i-open up ang kasal sa kay Range. Yes, even if I deny it, Claudia did her part to push into asking Range the real deal between us.

Kasi kung sabihin ni Range na oo, na papakasalan niya ako at mali ang sabi ni Claudia, mawawala na 'tong mabigat kong nararamdaman. Surely, all my worried would melt into the air. But what if Claudia's right? Na wala siyang planong pakasalan ang kahit sino man?

Even thinking about it, breaks my heart. How much more pain it would bring me if it ends up true? Truthfully speaking, I don't think I can move on after knowing that.

Tinignan ko ang hubad na likod ni Range sa malayo. At siguro'y natunugan niyang nakatingin ako kaya siya napabaling bigla sa gawi ko. He smiled then took careful steps towards me. The way he walked, for me, felt as if we were in a slow motion. And that I knew very well when he reaches me, I will finally ask him a deal-breaking question.

Naupo siya sa harap kong maliit na bato. Sa hitsura niyang masaya, halatang wala siyang kaalam-alam na ang dami-dami ko nang naiisip.

Come on, Saint. Fortune favours the brave and bold, doesn't it?

Umamba siyang magsasalita kaya bumilis ang tibok ng puso ko, uunahan ko dapat.

"Can I ask... you... something first?" sumilaw ang kaba sa tono ko, rason kung ba't kumunot ang noo niya.

He nodded eventually. "Go on. What is it?"

Namumuo ang bundol sa lalamunan ko sa pagkakataong 'to pero 'di ako magpapadaig sa takot. Claudia's words may sound fact-based, but she isn't Range. Her words are merely even certain.

"Your plans," napasinghap ako ng kay lalim sa kaba. "That's what I want to ask you..."

His brow raised slightly, as if he can't get a hold of what I said. "My plans for what, Saint?"

Nawawalan na ako ng pasensiya na 'di niya ako makuha kaagad ang ibig kong sabihin! Oo, alam ko naman na vague masyado ng pagkakatanong ko pero sana nama'y medyo alam niya ang pinupunto ko?

"To us? Your plans in the future for us?" sumilaw ang galit sa tono ng pagkakasabi ko no'n. Nawawalan na talaga ako ng pasensiya.

Hindi siya kumibo ng ilang mga segundo. Ni hindi rin nga makakurap sa narinig mula sa akin. He heaved heavily after seconds of not responding.

"How 'bout you? Kailan ka aalis papuntang Canada?"

I'm surprised of how he dodged my question. He dodged me by throwing back the question back to my face. Natawa ako bahagya sa pagbalik ng tanong, doon, mas tumaas pa ang kilay niya.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now