"PAASA!"
Biglang sapaw ni Ethan sa'kin.

"Oo tama, p-pinaasa."

"No no...I mean paasa, paasa ang gawin nating title! What do you think of that huh?"

"Ay! parang gusto ko yan..."

Muli pa kaming nagkatitigan at napangiti sa isa't-isa.

( ^___^ )

~~~***~~~

"Paasa, pinaasa mo lang ang puso ko. Pag-asa, walang pag-asa sayo...
Ohh~. Paasa, pinaasa mo lang ang damdamin ko.♬♫♪
Pag-asa, walang pag-asa sayo!...
Oh bakit ba gan'to?...Ohohh~"♬♫♪
Kanta niya sa chorus.
"How you like that?"

'Grabe, para naman yatang may pinaghuhugotan siya sa kanta niya."

"Erika?"

'Para kasing sinasabi sa kanta na umasa lang siya sa taong minahal niya, naisip ko tuloy si ate Alex...
Hay akala ko pa naman naka-moved on na siya.'

"A-are you okay?"
At nagulat nalang ako nung bigla niya akong hawakan.

"Ha?"

"Anong iniisip mo?"
Hindi ko siya sinagot.
"Parang ang lalim kasi, sa sobrang lalim eh hindi mo na ako naririnig."

"Ganun? Sorry ah hindi pa tuloy kita napansing tapos na"
I pouted.

(O_O)

At bigla niyang ginulo ang buhok ko!

"Hahaha ikaw talaga, so chorus palang yun. May naiisip kabang pwede sa verse one?"

"Ito sudgestion lang naman."

"Sige lang..."

"Ano kaya kung una masaya? I mean, ano...maayos pa ang turingan nila sa isa't-isa tapos bigla nalang magiging malungkot kasi nga pinaasa siya ng taong mahal niya na akala niya naman mahal din siya..."
Sabi ko at hindi naman siya nakasagot agad.

'Ano ba yan, mali yata yung sudgestion ko! Huhu eh wala naman talaga akong talent sa mga ganitong bagay eh."

"Nakakahiya naman...'
Bulong ko.

" You know what."
Kabado naman akong tumingin agad sa kanya.
"Pwede..."

"Ano?"

"Let's try."

"Hehheheh..."

At ayun na nga inumpisahan na ulit naming magsulat hanggang sa naghiwalay na kaming dalawa. Hindi namin natapos ang pagsusulat dahil kailangan niya rin daw kasing humabol sa practice nila, kaya naiwan ako dun kanina habang nag-iinsayo parin sa paggigitara.

Kasalukoyan na ako ngayong nagluluto ng haponan namin at syempre nag-iisip-isip din ako ng idadagdag na lyrics sa kanta.

"Uy Peppa anong niluluto mo?"
Bigla namang sumulpot si Mr.Demon

Ano ba yan, matagal na nung una niya pa ako tawagin sa pangalan na yun pero hanggang ngayon hindi parin ako kumportable!
Sa dinami-dami naman kasing itatawag saakin bakit Peppa pa?
pwede namang Elsa, Moana, Rafunzel, o di kaya Cinderella...Heheheh!

"Tinulang isda at pritong manok Young Master."

Oh diba ang sosyal ng tawag ko sa kanya, Young Master. Eh ako Peppa?! Tsk...
Yung totoo trip niya bang panoorin nung bata pa siya si Peppa Pig?

"Tinulang isda at pritong---?. Teka, parang baliktad ata?"

"Hahahah bakit Young Master ngayon kalang ba nakarinig ng tinulang isda? O di kaya pritong manok?"

CAPTIVATED BY MR.DEMONWhere stories live. Discover now