Mahal,
Alam kong sinabihan mo 'ko na lumaban at haharapin natin 'to nang magkasama pero wala na 'kong maisip na solusyon. Ako dapat yung nagbubuhat sa'yo pataas, pero nahihila lang kita pababa. Nadadala kita kasama ng mga problema ko.
'Wag ka mag-alala, dahil tatapusin ko na. Wala ka nang alalahanin. Wala na yung pabigat sa'yo. Sasamahan pa rin naman kita, kahit hindi mo 'ko nakikita, gagabayan kita.
Nagpapasalamat din ako sa pamilya mo, na naging pamilya ko na din. Andito lang kayo sa puso ko. Lagi lang akong nasa tabi niyo. Tuparin mo yung mga pangarap mo ah, kahit wala na ako. Kahit ikaw na lang.
Mahal na mahal kita.
- Fritz
Halos mapunit na ang papel na pinagsulatan ni Fritz ng pamamaalam. Basang basa ito ng mga luha ko na pumatak habang binabasa ang liham niya.
Kung hindi ko lang sana inuna ang sarili ko, buhay pa siya. Kung hindi ako naging makasarili, andito pa sana siya.
Halos hindi na 'ko makahinga sa sobrang hagulgol. Nararamdaman ko ang pagyakap ni mama sa aking likuran ngunit parang hindi ito sapat para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
Bakit Fritz? Diba sabay tayong lalaban? Bakit ka sumuko?
Tinignan ko ang puting kahon na kinalalagyan ni Fritz ngayon. Tumayo ako at saka hinawakan ang salamin nito.
Ayun siya, parang walang inindang problema nung nabubuhay pa. Sunod sunod na tumulo muli ang mga luha ko.
"Fritz!!!" Dala na rin ng kapighatian ay hindi ko naiwasang isigaw.
---
"Anak, kumain ka na muna. Nagluto ako ng sopas." Dinig kong sabi ni mama.
Hindi ako kumilos. Kanina pa niya 'ko inaaya ngunit parang hindi ako makagalaw. Parang nawalan ako ng lakas sa lahat. Hindi ko nararamdaman kahit ang gutom.
"Ilang araw ka na rin na walang tulog anak, hindi matutuwa si Fritz niyan."
Napalingon ako sa sinabi ni mama. Tinignan ko lang siya.
"Pasensiya ka na anak. Alam kong hindi mo nagugustuhan na marinig ang pangalan niya pero wala na 'kong maisip na paraan para makinig ka sa'ken."
Ilang araw na ang lumipas nang nalibing si Fritz. Heto ako at hindi pa rin makapaniwala. Parang kahapon lang, andito siya. Ngiting ngiti habang inaasar ako. Ang bilis.
Nakita ko na lang ang sarili ko na umiiyak na naman. Inaalo ni mama.
"Alam mo ate, kahit anong iyak mo diyan, 'di na babalik si Kuya Fritz. Gumising ka nga!" Sinamaan ko ng tingin ang maldita kong kapatid.
"Eunice! Ano ba 'yang mga sinasabi mo?! Bumaba ka na nga lang at hindi ka nakakatulong." Sermon sa kanya ni mama.
Kita ko ang pag-ikot ng kanyang mga mata. Nakahalukipkip pa ito at nakasandal ang balikat sa gilid ng pinto ng aking kwarto.
"Totoo naman. Pinapabayaan niya yung sarili niya dahil nawala si Kuya Fritz? E siya na nga nagsabi na kaya niya yun ginawa ay para mawalan ng pabigat si ate."
Akma akong susugod sa kanya ngunit mabilis siyang tumalikod para bumaba.
"Eunice!"
Wala talaga sa lugar ang bunganga ne'to. Apat na taon ang agwat namin ngunit parang hindi niya 'ko ate kung pagsalitaan.
"Woke up ate! Hindi talaga matutuwa si Kuya Fritz kung magpakaganyan ka!" Dinig ko pa na sigaw niya habang pababa.
YOU ARE READING
Bridging Light
RomanceSi Elisa ay isang simpleng babae na nagsusumikap araw araw upang maitaguyod ang sarili. Magmula kase nang mamatay ang kanyang nobyo na si Fritz ay nagsimula nang magkanda letse ang buhay niya. Would she blame Fritz for what's happening with her life...
