"Sabay na tayong mag-lunch." Yaya ko sa kaniya ng i-dismiss na kami ng prof namin dahil lunch break na.

Pinasadahan niya ako ng tingin habang magka-kruss anv nga braso. "Kung yayayain mo ako dapat ako lang ang kasama mo."

Wala naman akong natanggap na mensahe, hindi rin naman ako sinabihan ni Quid na sumabay sa kanila. "Wala naman akong ibang kasama ah? May nakikita kabang hindi ko nakikita?" Inosente kong sabi pero mapagbiro ang tono ko.

"Tsk. Wag kang mag-joke di bagay sayo."sabi niya at tumayo na.

Imbes na mainsulto ay napangiti ako. Mukhang may kaibigan na ako ah?


Ang buong akala koy kakain kami sa cafeteria pero hindi, dahil sinabihan niya akong sundan nalang siya, napadpad kami sa likod ng building namin kaya medyo kinabahan ako, pero ng makita ko ang dalawang swing sa ilalim ng malaking puno ay nawala ang takot ko at napalitan ng pagkamangha.

"Di ko akalaing may ganito dito." Manghang bulalas ko.

"Mhh. Hindi naman kasi ganoon kalinis dito, madamo ang paligid at walang pwedeng silungan kapag umulan." Walang ganang sambit ng kasama ko.

Tamad na umupo si Nathaniel sa isang swing, hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil umupo na kaagad ako sa katabi niyang swing. Napatingin ako sa kaniya ng marinig ko ang pagbukas ng zipper, hindi ko maiwasang mapangiti ng makitang may mga libro sa loob ng bag niya, akala ko walang laman eh.

"Oh, catch." Sabi niya at tinapon sa akin ang isang burger. "Ito pa." Binato niya ako ulit ng mineral water.

Mabuti nalang at mabilis akong kumilos dahil kung hindi ay tiyak na hindi ko nasalo ang mga binato niya sa akin. Pero sa kabila ng kabastusan niya ay nakaramdam ako ng tuwa.

"Mabait ka naman pala eh." Sabi ko pa habang pinupunit  ang wrapper ng burger'ng hawak ko.

Tamad siyang kumagat sa burger niya. "Hindi ako mabait."

"Mabait ka nga kasi." Pamimilit ko, at kumagat na sa burger.

Mapait siyang ngumiti. "Salot ako sa lipunan alam mo." Ngumunguya niyang sabi.

"Salot? Paanong naging salot? Sabagay, natutulog ka sa klase natin, at ayon sa naririnig ko medyo suplado ka-"

"Im gay." Mataman niya akong tiningnan. "Still want to be friends with me?"

Tinaas ko ang dalawang kilay ko at tiningnan siya. "Eh ano naman ngayon? Sa probinsya nga kadalasan sa mga kaibigan ko bakla, at wag mo ngang tawaging salot ang sarili mo, saka na kapag naging drug adik ka o di kayay magnanakaw, pagagawan pa kita ng banner, 'Nathaniel salot'."

Nag-iwas siya ng tingin at bumuntong hininga. "Hindi ko alam kung totoo bang magkaiba kayo." Mahina niyang sabi.

"Magkaiba kami nino?" Tanong ko at inilapit ko pa ang mukha ko sa mukha niya.

Mabilis naman siyang umatras kaya nahulog siya sa swing, agad ko siyang tinulungan patayo, sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko lang siya pabalik at tinulungan siyang magpagpag ng pantalon.


Nag-kwentuhan pa kami ng nag-kwentuhan hanggang sa naging komportable kami sa isat-isa, nalaman kong kaya pala lagi siyang natutulog sa klase ay dahil nag-aaral siya buong magdamag, mas advance pa nga siya eh, nasa first module palang kami habang siya ay nasa third na. Sampung minuto bago ang bell ay napagdesisyonan naming pumunta na sa susunod naming klase. Bakla siya pero hindi iyon alam ng lahat, ako, ang mama niya at ang dati niyang mga kaibigan lang ang nakakaalam, at ang lugar kung saan kami kumain ay ang tamabayan niya simula ng hindi na siya pinansin pa ng dati niyang mga kaibigan.

Ignored by Mr. Famous (ASHLEY 5)☑Where stories live. Discover now