Chapter 54: Under Arrest

338 12 0
                                    

HGD54

I smiled the moment I open my eyes in the familiar room. Sobrang gaan ng pakiramdam ko ngayon.

Nag-ayos na ako ng sarili bago bumaba para sana ipagluto si Ram pero naabutan ko na sya sa kusina na naghahanda ng pagkain sa mesa.

"Oh, you're up, I was about to wake you up" he said and smile. I smiled back and sat on the chair in front of him.

"Kuya" naghihikab na ani Dan. Mukhang kagigising lamang din.

Pagkakita saakin ay mabilis itong tumalikod at bumalik sa kwarto. Ilang minuto rin ay lumabas din ulit pero mas desente na itong tignan.

"Morning, ate" aniya at naupo sa tabi ko.

Dan was here since it was his summer vacation. Sinundo daw ito ni Ram nang isang araw para magbakasyon dito.

"Di ka na aalis ate?" Tanong nya pa.

"Di na" ngumiti ako at sinimulan ng kumain.

"Oh, isang libo ko kuya ah" aniya at inilahad ang kamay sa harapan ni Ram. Kumunot lamang ang noo ko at nagtanong.

"Huh?"

"Kumakain tayo tapos manininggil ka? " asik ni Ram rito

"Aba, mahirap na. Baka hindi ko pa ibigay" anito at saka sumubo ng pagkain.

"Mamaya. Dodoblehin ko pa" ani Ram dahilan para ngumiti ito.

"What was that?" I ask confused.

"Usapang gwapo lang, ate" aniya at humagikgik. Umiling na lamang ako at saka nag-focus sa pagkain.

We ate happily, we talk about such happy stuffs and it makes me feel more livelier.

Nakaupo ako sa sofa habang nanonood ng movie sa netflix kasama si Dan. Lumabas sandali si Ram, may aasikasuhin lang daw sandali.

"Ate" pagtawag nya saakin.

"Hmnn?" Sagot ko at nakatuon parin ang tensyon sa pinapanood.

"Nagpustahan kami ni kuya" aniya dahilan para makuha nya ang atensyon ko.

"Iyon ba yung kanina?" Tanong ko. Mabilis itong tumango at tumawa.

"Salamat ate, haha." He laughed.

"What? Why? I don't get it" sagot ko.

"Nang sinundo ako ni kuya sa airport, naka-shades sya. Bihira lang magsuot yoon ng ganon kaya nagtaka ako. Tinanong ko pa sya kung bakit sya nakaganon ang sagot lang nya 'mainit e, nasisilaw ako' pero syempre hindi ako naniwala. Bago pa man nya paandarin yung kotse hinablot ko yung shades nya tapos nakita ko na namumula yung mata nya. Pinilit ko syang sabihin saakin, hindi ko naman alam na ikaw parin pala ang dahilan, ate. Akala ko nasa abroad ka,umuwi ka pala? Tapos nasaktan na naman si kuya. Nainis nga ako sayo ate e, mahal ka ni kuya sobra pero sinaktan mo sya. Ayaw nya magkuwento kaya hinayaan ko nalang" mahabang kwento nya.

Hindi ako sumagot dahil hinihintay ko ang kasunod nyang sasabihin.

"Hindi naman naglalasing si kuya, pero nang gabing yon uminom sya. Hinayaan ko baka may problema lang sa trabaho. Tapos narinig ko syang umiiyak, sinisisi nya sarili nya pero di ko alam kung bakit. Pero narinig ko ang pangalan mo. Tapos nang gabi ding 'yun, may dumating sa bahay na lalaki. Kinukuha ang gamit mo sa bahay ni kuya, nagtataka ako kung bakit narito ang mga gamit mo. Sagot lang ni kuya ay hindi nya ibibigay hanggang hindi ikaw ang kumukuha, doon palang nalaman ko na, na ikaw ang dahilan ng pagiging malungkot nya. Akala ko okay na sya dati pero hindi parin pala"

I feel sad the whole time that he was narrating his thought.

"Tinawag ako ni kuya, nagulat ako nang ikwento nga sakin ang nangyari mula una hanggang sa iniwan mo sya habang nag eexplain sya. Naiinis ako sayo ate, sobra akong nagalit dahil bakit ang dali lang sayong iwan si kuya eh handa syang ibigay sayo ang lahat. Pero na-realize ko, na baka takot ka lang dahil nasaktan ka nya dati. "

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now