Chapter 15: Smell of newly bath

194 7 1
                                    

HGD15: SMELL OF NEWLY BATH

---

LUMIPAS ang apat na araw, at na bobored na ako dito. Madalas kasi ay wala si Ram sa bahay dahil tumutulong ito sa pangingisda ng ama nito.

Gusto ko na ulit mag Sabado. Twing Sabado kasi ay ang araw ng pagdedeliver ng mga gulay sa palengke. Sasama ulit ako kay Ram. Gusto ko ulit makipag-usap kay Diego. Sana pala kinuha ko ang number nya para nakakatext ko sya at para masabihan nya ako ng mga sekretong nakakatawa ni Ram.

Naka upo ako sa katawan ng puno ng niyog, naka pa S kasi ang katawan ng niyog, kayat magandang upuan. Naiibsan nito ang init mula sa araw. I suddenly missed my parents.

Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko si
Ram, binuksan nito ang gate  at ng makita nya ako ay lumapit sya saakin. He's holding an empty basket.

"Bakit andito ka? Mainit dito" aniya at ibinaba ang basket. Magkapantay ang mukha namin gusto ko ang gantong anggulo. Madalas kasi ay tinitingala ko sya dahil hanggang baba lang nya ako.

"Hindi naman mainit" sabi ko at tumingala upang ipabatid sakanya na natatakpan ng dahon ng niyog ang sinag ng araw.

Nang muli ko syang tignan ay seryoso ang tinggin nya sakin.

"Kumain ka na ba?" He ask.

Umiling ako. Hindi ako sumabay sa Mama nyang kumain at sa mga kapatid nya. Sabi ko ay aantayin ko si Ram.

"Tara sa loob, kumain na tayo" aniya. Inilahad nya ang kamay nya saakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Hwag mo na akong hawakan, paniguradong malansa ang kamay mo. " sabi ko.

"Naghugas na ako ng kamay" aniya. Umirap lang ako.

Humakbang naman ito ng isang hakbang paatras para makababa ako mag-isa. May isang dipa ang taas ko mula sa lupa.

Tatalon ba ako? I ask myself. Humawak ako sa katawan ng puno at nag alangang bumaba. Pano bang bumaba?

Napansin yata ni Ram na hindi ko alam ang gagawin kong pagbaba at walang sabing hinawakan ako sa magkabilang bewang at saka binuhat pababa.

Kunwari'y pinagpag ko sng aking beywang ng binitawan nya iyon. Tumalikod naman ito at nagsimula ng maglakad papasok ng bahay.

Sumunod ako sakanya at naupo sa upuan sa kusina. Naglapag sya ng platong kanin sa tapat ko. Sya na din ang kumuha ng kutsara at iniabot sakin. Naupo sya sa tapat kong upuan kaya't magkaharap kaming dalawa.

Nagsimula na syang kumain.

"Ram, sasama ulit ako sayo sa Sabado na maghatid ng gulay sa palengke sa kabilang bayan." Sabi ko at sumubo ng pagkain.

Nakatinggin ito saakin na para bang nagtataka kung bakit pero ilang sandali lang ay umaliwalas na ang mukha nito.

"Ok." He just said.

"Pupunta ba ulit tayo sa talyer?" I ask after I chew my food.

He drink a water before he speak.

"Maghahatid lang ng gulay tapos ay uuwi rin tayo kaagad" aniya.

"Agad? " I ask.

"Oo. Nagtagal lang tayo dahil nasiraan tayo dati." He said and continue eating.

"Pwede bang iwan mo muna ako sa talyer tapos balikan mo nalang ako pagtapos ka na?" I ask and smiled.

"Close na agad kayo ni Diego?" He ask.

"Hindi naman agad. Konti palang" I chuckled.

"Hindi kita iiwan." He said.

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now