..

3.6K 92 7
                                    

AlyDen one shot.

--

Tumawag si Dennise kay Alyssa para sabihing magagabihan siya ng uwi. Nag overtime si Doctora Lazaro dahil may kinakailangan pa daw siyang asikasuhin sa hospital.

“Ly maaga mong patulogin si Al ha! Baka mamaya manuod na naman yan ng cartoons! Naku wag ka papayag may pasok yang anak mo bukas.” Pagbibilin ni Den kay Aly sa phone

“Oo na po Mommy papatulugin ko po ng maaga si Al.” medyo nangingiting sagot ni Aly

“Okay sige na ah. I love you!”

“I love you too mahal!”

Pagkatapos ng tawag ay pinuntahan ni Aly ang anak niya sa kwarto nito. Busy pa din sa panunuod si Al ng spongebob gaya nga ng sabe ni Dennise.

“Al.” tawag ni Aly “Baby ligpit na natin yan may pasok ka pa bukas eh. Tumawag si Mommy magagabihan daw siya ng uwi.” Sabi ni Aly nung maupo sa tabi ni Al sa kama

“Okay po Ma.”

Pinatay na ni Aly yung TV at tinuck in bed na si baby Al. Nakangiti yung anak ni Aly sa kanya at di maiwasang mapatawa ni Alyssa.

“Mama si Mommy bago ako matulog kinu-kwentuhan niya ako.” Naka grin na sabe ni Al

“Ha? Oh sige kukuha ako ng libro.” Tatayo na sana si Aly pero pinigilan siya ni Al

“Mama hindi ganun! Si Mommy Dennise di kelangan ng libro pag kinu-kwentuhan niya ako.”

“Hmmm.” Napa hawak si Aly sa chin niya at napaisip “Ano bang gustong kwento ng baby ko?”

“Gusto ko po Mama ikwento mo about sa inyo ni Mommy.” Halatang may excitement sa boses ni Al nun.

“Gusto mo na yun ang ikwento ko? About sa amin ni Mommy?”

“Opo Mama paano po ba kayo nagkakilala ni Mommy?” Tumawa si Aly saka hinawakan ang ulo ni Al.

“Okay sige so ganto yun.”

//

Flashback

Naglalakad si Dennise papunta sa classroom niya ng marinig yung hiyawan ng mga tao sa paligid niya. Nagtaka siya at napalingon sa pinagkakaguluhan ng mga tao.

“Sino naman kaya yang pinagkakaguluhan nila?”

Nagulat na lang siya dahil may babaeng nakabangga sa kanya. Natumba siya at nakaramdam ng bigat sa unahan niya.

“Ouch.” Nasambit na lang ni Dennise kahit nakapikit pa siya

“Shit aray!” narinig ni Den na may nagsalita “Sorry Miss.” Inopen ni Dennise yung mata niya at napatulala kung gaano sila kalapit sa isa’t isa.

“ASAN NA SI ALYSSA!” narinig ni Dennise yung sigawan

“What sino yang nakabangga sa kanya?! SI ALYSSA BA YUN?!”

“NATUMBA SI ALY!”

Naramdaman ni Dennise na bumilis yung tibok ng puso niya nung ngumiti si Alyssa sa kanya. Yung ngiti niyang nagpapalabas nung mga dimples niya. Ang cute niya naman naisip ni Dennise.

Our Beginning (AlyxDen OneShot Story)Where stories live. Discover now