3 | NEPTUNE CLASS

199 64 27
                                    

[THIRD PERSON'S POV]


"Neptune, minus 10 final grade, a student hugged his co-student. It's against MY LAW. Please send that student to BLACKHOLE. NOW!!!!!!!" Matutunugan ang galit sa boses ng CEO.


Nanghina at nanginig si Xyra sa narinig. Napaupo nalang siya nang wala sa oras at nabitawan ang hawak na telepono. Kahit sa gitna pa iyon ng WPU field. Papunta na dapat siya sa kanyang tuturuan na klase.


Xyra Gordora, SUN of NEPTUNE CLASS. Ginagawa lahat ang makakaya para mapunta sila sa TOP 1.


She wants the power.
She wants the title.
She want to TOP, because she want to do something to other class.


"Ma'am?" Tawag sa kanya ng kanyang MOON Adviser, Mark Steven Makilan.


"Are you okay?" Inalalayan nito ang kanyang araw at sabay na silang naglakad papunta sa neptune classroom.


Tumango lang ang dalaga ngunit nahahalata na sa kanya na konting "push" lang sa kanya ay sasabog na siya.


BLACKHOLE


A room for punishment.
A room for grade deduction.
An empty room with no lights, but with speaker left and right.

One on one talk with the CEO.

Ang kwartong ayaw nyang puntahan ng kanyang mga estudyante.


Because there are only two options once you enter blackhole..... either you get out... or just vanish.. WITHOUT A TRACE.

And according to rumors....the blackhole rooms are the first floor of the buildings.


Mukhang bigo na naman nga siya sa linggong ito. Inaasahan na niyang sila na naman ang kasali sa bottom 3 ng WPU ranking.


"Ako nalang muna ang mag-tuturo kung hindi mo kaya." Suhestyon ng kanyang Buwan.


Ngumiti ito ng peke.


"Pero kailangan muna nating alamin kung sino ang lumabag sa batas ng CEO."


Pagkapasok nila sa room ay sinimulan na ni Mark ang pag-iinteroga.


"Goodmorning SUN and MOON." Bati ng kanilang mga estudyante.


Sumenyas naman si MOON na maupo na sila.


"I have good news and bad news." Panimula niya sa klase.


"Good news muna Sir!!!" Excited na sabi ni Margaux Jill Marciano.


Habang sa kanang lamesa ay hindi mapakali ang kanilang Araw.


"No this can't wait. Kailangan ko nang malaman kung sino. Kailangan na siyang makausap ni CEO para di na lumala." Bulong nito sa sarili.


"Okay... The good news is-------." Naputol sa pagsasalita si Mark.


Tumayo na si Xyra at humarap sa mga estudyante.


Bigla nang natahimik ang klase.


"Sino ang yumakap sa kapwa nya estyudyante rito?" Mahihimigan ang pagpipigil na galit ng kanilang Araw.


Walang nagtaas ng kamay.
Lahat natakot.
Pati ang Buwan nila ay di nakapagsalita.


"Ano?! Walang sasagot?!"


"Asteroids?!!" Napatingin sa kanya ang tatlong asteroids. Jade Yanson, 1st Asteroid of the Class. Jodel Tactacon, 2nd Asteroid.


"Ma'am kalmahan mo lang muna." Bulong sa kanya ni Mark.


Lakas loob tumayo ang pangatlong asteroid sa klase.


"Guys, umamin na kayo." Pilit at pagmamakaawa ni Anika Abrera.


"Kung sino ka man paki-galaw ang baso." Dagdag ni Beverlly Guanzon. Na siyang umani ng konting ingay dahil sa mga nagpipigil ng tawa.


"Do you think this is funny?! Ha?! Neptune?!" Galit na tanong ni Xyra sa mga ito.


Hinawakan ni Mark ang kanyang braso at umiling ito.


Napapikit si Xyra sa inis.


"Students, makisama naman kayo please." Pakiusap niya sa mga ito.


Napatigil siya sa pagsasalita nung may pumasok na isang studyante.


"Where have you been Mr. Sanchez?" Tanong ni Mark kay Patrick.


Di malaman ni Patrick kung aamin o hindi. Dahil napansin niyang sobrang liwanag na ng kanilang araw. Sa sobrang galit.


"Hello... is it me you're looking for?" Pakantang tanong ni Patrick.


Nagtawanan ang mga estudyante sa loob na pinangunahan ni Meann Sanchez. Kapatid ng bagong dating.


Kinalampag ni Xyra ang lamesa sa sobrang inis. At doon na napaamin si Patrick.


"Wow Brave! I like your spirit Mr. Knight in Shining Armor!" Sa isip naman ng isang nakaupo sa likuran habang may nakatakip na libro sa kanyang mukha upang hindi mahalatang natutuwa siya sa mga nangyayari sa paligid niya. AAAHAHAHAHAHAHAAAA AAHAHAHAHAAA AAAAHHAHAHAHAHHAA

WPU HAS A SECRETWhere stories live. Discover now