1 | WPU TALE

295 67 10
                                    

[SOMEONE'S POV]


WPU.


WATTPAD UNIVERSE'TY.


Eskwelahan na ekslusibo para sa mga wattpadians.


Labing dalawang seksyon na pinangalanan hango sa kalawakan.


(STUDENT'S BUILDING)


Sa pangalawang palapag makikita ang apat na planeta.


Mercury at Venus, sa kaliwa.
Earth at Mars, sa kanan.


Sa ikatlong palapag makikita ang sunod na mga planeta.


Jupiter at Saturn, sa kaliwa.
Uranus at Neptune, sa kanan.


Sa pang-apat na palapag makikita ang nagniningning na mga bituin sa kalawakan.


Mizar at Arcturus, sa kaliwa.
Spica at Orion, sa kanan.


Una? Sino ang mga nasa unang palapag? WALA. Sadya itong binakante. Kasi aanhin mo naman ang maging Una, kung maghahanap parin siya ng pangalawa diba? #AwSaket


Ganun din sa kabila, ang (ADMINS BUILDING)


Sa pangalawang palapag namamalagi ang Araw at Buwan ng mga nabanggit na seksyon. Kapag breaktime sila sa klase.


Sa pangatlong palapag makikita ang ofis ng dalawang SUPERVISORS.


At sa ika-apat, ay ang ofis ng CEO. At iilan lang ang may kilala sa kanya. Kung bakit? #LowkeyLiving daw. Chos. May batas siyang nilapag sa kanyang supervisors na wag ipagbigay alam ang kanyang pagkakakilanlan. Maski araw at buwan, hindi nila alam.


Sa isang seksyon ay mayroong SUN at MOON na tagapamahala. Tatlong ASTEROIDS, na katulungan ng araw at buwan. At mga ESTUDYANTE sa nasabing seksyon.


Ang pagbibigay ng grado ay hindi indibidwal kundi pangkahalatan sa isang seksyon.


Linggo linggo ay nag-iiba ang RANKING. Depende sa makukuha na grado ng labing dalawang seksyon sa loob ng isang linggo. At kapag ang seksyon niyo ang NANGUNA sa tinatawag na RANKING ay meron kayong karapatan. Karapatang gawin ang ano mang gustuhin. At ang pang-huling section? Ang inyong magiging alalay. Para sa dalawang linggo na iyon.


Ang eskwelahan ay bukas ng alas syete ng umaga at sarado ng alas nuebe y medya ng gabi. Dapat ay wala ng tao sa pagsapit ng alas dyes. Walang may alam kung bakit, paano, sino, saan, ewan ko rin. Wag mo akong tanungin. Magbasa ka nalang. 😂


Itinayo ang paaralan ng mismong may-ari nito malamang sa malamang. Ayun sa mga sabi-sabi ay dati raw itong sementeryo. Awooooo. Walang ganun. Chos lang.


Pero alam mo ba?



Na may misteryo sa paaralang ito?


Na pagsapit ng alas dyes ng gabi ay kusa itong nawawala, at bago mag-umaga ay nakatayo na ulit?


May isang taong nakapansin nun.. at walang iba kundi ako.

Pero teka, sino ba 'ko?
.
.
.
Kilala mo ba?


.

.

Handa ka na bang makilala?



Nandito ako sa rooftop ng Student's Building, pinagmamasdan ang mga estudyanteng nagkakasiyahan.


Doon ko nagpagpasyahan na bumaba na muna at makilahok sa kanila.


"UY! Alam niyo na ba?" Tanong ko sa grupo ng estudyanteng nakasalubong ko.


Nakita ko sa kanilang uniporme ang makulay na bilog.

At nakapalibot dito ang ngalan ng kanilang seksyon.


JUPITER


"Hindi pa. Bakit? Sasabihin mo ba?" Sagot ng isa sakin.


WHAT THE???!!!!


Ngumiti lang ako sa kanya kahit sa loob loob ko ay sinasabunutan ko na siya.


"Na kapag lumampas kayo sa oras na alas-dyes sa eskwelahang ito, kayo'y bigla nalang maglalaho at mabubura sa mundong ito." Seryoso kong sinabi.


"Pfft." Pagpipigil ng tawa nung isa.


"Teka, sino ka ba?" Tanong naman ng isa.


Tinitigan ko sila isa-isa habang binabanggit ang mga salitang "Nanno kha."


At sabay-sabay kaming tumawa.
Tawa na para sa kanila'y katuwaan.
Tawa na para sakin ay katuparan.


Katuparan sa pangakong minsan kong binitawan.


Great. Let's play the game, W P U n i a n s! 😈

WPU HAS A SECRETWhere stories live. Discover now