Chapter 26

243 5 2
                                    

Chapter 26 - Stay Alive
  
  
   
Zoe pov.
  
  

Pag ka tapos niyang sabihin yun ay mag kasama kaming tumakbo para sumugod sa mga kalaban, hawak ko ang aking baril at ipinutok ko para patamaan ang kalaban .
  
   
   

  
Madami dami na kong napapatamaan at ganun din si Zac, kaya ko to kaya ko protektahan ang pamilya ko at mga mahal ko sa buhay.
  
  
  
  

  
Nakipag palitan kami ng putok ng baril sa mga kalaban, nag kahiwalay kami ni Zac hinanap ko siya pero hindi ko siya makita.
  
  
  
  
  
"San ka pupunta, !". Isang boses ng matanda ang nag patigil sa akin, nilingon ko siya at may hawak siyang baril kaya ang ginawa ko ay sa pag ikot ko na yon ay isang sipa sa mukha ang tumama sa kanya.
  
  
  
  
Tumilapon ang kanyang baril, kaya naki pag 1 on 1 combat siya, sa tingin ko mga nasa 30 pa lang siya pero ang panget niya.
  
  
   
"Alam mo miss sayang ka hahaha mamamatay ka ng maaga ". Tumawa tawa siya. Nag pantig ang tenga ko tinitigan ko siya ng masama napaatras siya at halata mo sa sarili niya na natatakot na siya.
  
   
   
  
Hindi ako ang mamatay kundi ang punot dulo nitong lahat ang andrade mafia papatayin ko ang boss nila.
   
   
   
  
"Mali ka ng kinalaban, tatang AKO LANG ANG PWEDENG MABUHAY AT PARA PATAYIN ANG AMO MO ". MATALIM KONG SABI AT KINUHA KO ANG AKING KUNAI AT BUWELO KO AT SINIPA KO SIYA SA SIKMURA  at umikot ako papunta sa likodan niya at hinawakan ko ulo niya at inilaslas ko ang kunai sa leeg niya.
  
   
   
   
  
Dont mess with me, mali kayo ng kinalaban. Iniwanan ko siya at nakipag bakbakan ulit sa mga tauhan ng andrade na yan.
  
   
   
  
Sipa dito , baril sa ulo suntok dito suntok doon madami dami na kong napapatay pero hindi ko pa makita kung nasaan si andrade.
  
   
   
   Naubusan na ko ng bala kunai na ginagamit ko, puro dugo ang makikita sa labas ng simbahan at nag ning ning ang mata ko ng makakita ko ng mga dugo.
  
  
   
  
Nilapitan ko ang isa sa mga tauhan ni andrade at tatangkain kong laslasin ang leeg niya nung mag makaawa siya
  
   
   
   
   
"Wag ... Po ,maaawa po kayo sa akin my mga anak po ako na maliliit pa nasabit lang po ako dito dahil nasa kanila asawa ko ". Pag kasabi niya ay tinitigan ko siya mabunti
  
   
   
   
  
"Patatawarin kita pero sa isang kondisyon , ituturo mo sa akin kung nadasaan ang amo mong si andrade ".   Pag kasabi ko nun ay tumango siya sa akin
  
   
   
   
  
"Nan dun siya sa kabilang gusali na katabi ng simbahan nan dun siya ". May halong takot na pag kakasabi niya.
  
   
   
   
Walang pasabi sabi ay umalis ako at pinuntahan ang gusali na tinuro niya pero habang papalapit ako padami ng padami nakakalaban ko. 
  
  
  
  
Ilag lang ako ng ilag sa nga atake ng limang taong humarang sa akin , sabay.  Kong pinatatamaan ng kunai kong hawak .
  
  
  
  
Hanggang sa napatumba ko ang limang kalaban. Dali dali ako pumasok sa loob ng gusali. Nang  papasok na ako sa loob pumunta muna ko sa isang gilid para mag tago.
  
  
  
  
  
Nasa isang madilim sa sulok ako napaupo ako dahil sa sobrang pagod ko sa pakikipag laban mula sa labas bago ko makapasok sa loob ng gusaling to .
  
   
   
   
  
"Kailangan natin mahanap yung babaeng yon kundi malilintikan tayo kay boss ".
  
  
  
Rinig kong sabi ng lalaki papalapit sa pinag tataguan ko, nanatili akong tahimik at pinakinggan ang mga sasabihin nila. 
  
  
  
  
"May sa pusa yata yong babaeng yun tol, kailangan mahanap na natin siya at maidala kay boss".
  
  
  
  
Sabi nung armadong lalaki ,  dahil ubos na kunai ko at isang baril na lang natitira sa hita ko at katana na kasukbit sa likod ko, kailangan ko nang tapusin ang laban na ito .
  
  
  
  
Poprotektahan ko ang mga mahal ko sa buhay hanggat kaya ko tatapusin ko tong laban para sa kanila . Lumabas ako sa pinag tataguan ko at halatang gulat na gulat ang dalawang lalaki
  
  
  
  

CODE-XWhere stories live. Discover now