PART EIGHT: HE WHO FILLS THE VOID

Magsimula sa umpisa
                                    

Itinigil ko ang maleta ko sa harap n'ya at nag bow.

"Annyeong hasimnikka, Pyeha."

Napapikit pa s'ya at tiningnan ang mga nagtatawang tao.

Eh, paano, suot-suot ko 'yung hanbok na nabili ko noon sa Korean market. Ito 'yung mga suot ng mga babae sa Historical Korean drama na nasa palasyo.

"In English, Hello, My Majesty," I said.

Hindi malaman ni manong ang gagawin. Pulang-pula ang mukha niya.

Napangisi ako.

"Kumusta suot ko, manong?" I asked. "Wala nang halos balat 'yan ah!"

Nagtatawanan pa rin ang mga tao sa paligid. May mga dumadaan pang mga kotse na napapahinto.

"Pero nakakapagtaka," I said. "Wala na nga ako halos ipinakikitang balat. Pero ba't nasa 'kin pa rin po atensyon?"

I said at ipinagdidikit pa ang dalawa kong daliri at nag po-pout.

"S-Sige na, ma'am, pumasok na ho kayo... n-nagtitinginan po mga tao..."

"See?" I asked. "Wala sa balat ang malisya. Nasa isip po ninyo."

I flipped my hair as I walked inside.

It was a complete catastrophe at gusto ko nang maglaho. Akala ng lahat, may shooting sa loob ng airport at may mga nag vi-video pa.

"Opo," I said, smiling. "Ako po si Queen Seondok."

I grinned.

"Empress Ki na rin if you want."

Ilang minuto ang lumipas ay nasa loob na rin ako sa wakas ng eroplano. Hindi na rin ako nakapagpalit dahil maiiwanan na 'ko. Tsaka na lang, 'pag nakarating na.

"WHAT IF WE DIE?!"

Napatingin ako sa mag-ina na nasa harapan ng upuan ko. 'Yung isa ay mukhang nasa 40's na at ang isa nama'y mukhang nasa 20's.

"Mom," the woman who looked like the daughter said. "There is only a small rate that someone's gonna die in a plane crash."

"Kahit na?!" the mom exclaimed. "Small rate is still a rate!"

Oo nga naman.

"What do you want then, mag bus?" the daughter said.

"Pwede ba?" the mom asked, horrified.

"Maaa!" the daughter exclaimed. "Kasing bagal ng aksyon sa pandemya ang pag-bus papunta sa pupuntahan natin!"

Awit.

"Naku, ewan ko ba naman kasi sa'yo," the mom argued. "Sa dinami-rami ba naman kasi ng mamahalin mo, 'yung ganoon pa kalayo."

"Love has no distance, mom," the daughtet said. "Besides, he's the furthest yet the most genuine. It always feels like he's just always around, beside me, guarding me. He's too far away but he touches my soul like no one else near me ever did."

My eyes widened.

Grabe, para kaming character sa nobela. Sila 'yung main character ng eksena tapos ako 'yung isa sa mga extra na hindi alam ba't  nandito pero kailangan kasi pamparami.

"Seryoso ka na ba talaga?" the mom asked with an "ew" face. "Hindi ka na ba mapipigilan?"

"Opo," she said while smiling. "Can't you just be happy for me, mom?"

"I can," she said. "But I'm just worried you might commit the same mistake I did."

Uy, teka. Ano 'yung mistake na 'yun? They better say before ko pa sila sundan maka-chismis lang.

"Kill Me, Attorney." (Law Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon