PART VIII | Trahedyang Naganap

Start from the beginning
                                    


Danaya: Alena, ayos ka lang ba?

Alena: Hindi ko alam Danaya pero bigla nalang akong kinabahan nang maisip ko ang aking anak na si Adamus. 

Danaya: Ngunit alam natin na nasa labas lamang sya ng palasyo kasama sina Aquil at Amarro. 

Alena: Alam ko naman yun, Danaya. Iba lang talaga ang naramdaman ko hindi ko lamang maipaliwanag. 

Danaya: Kakatwang pareho tayo ng nararamdaman ngayon, apwe. Naisip ko bigla si Aliyah, na alam kong kasama si Muros ngayon at nag eensayo.

Alena: At sana nga'y mali itong mga nararamdaman natin Danaya.*worried*

Danaya: Ngunit hindi nagkakamali ang nararamdaman ng isang ina na gaya natin Alena, at alam kong alam mo yun.

Alena: Danaya, lalo mo akong pinakakaba sa mga sinasabi mo, kung hindi nga tayo nagkakamali sa ating mga kutob, maaaring may nangyayari na talaga sa labas ng palasyo.*nakatingin sa gate ng palasyo*



Pagkatapos niyang sabihin ito ay may narinig silang isang boses na pamilyar sa kanilang lahat, lalong lalo na kay Alena. At hindi sya pwedeng magkamali sa kanyang narinig. Isang batang lalaking humiyaw sa labas at kagubatan ng Adamya.


Alena: ADAMUS!


Pagkadinig nila ni Danaya ay patakbo na silang lumabas sa palasyo at nakita nya sila Aquil at Amarro na sugatan at walang malay na na nakahiga sa lupa. Agad na muna nilang nilapitan ang mag-amang sugatan.


Danaya: Aquil!!*niyugyog at nilabas ang brilyante ng lupa upang pagalingin si Aquil*

Aquil:*napagaling na ni Danaya at nagkamalay na* Danaya, mahal ko.*tumayo* Si ama.


Habang pinapagaling ni Danaya si Amarro, nilapitan ni Alena si Aquil hinahanap ang kanyang anak na sobrang nagaalala.


Alena: Aquil nasan si Adamus?! San sya nagpunta bakit hindi nyo sya kasama?! Anong nangyari dito?!

Aquil: Agape Ave Hara Alena, hindi namin sya nabantayan nang maayos. Ngunit pagkarinig namin sa sigaw ni Adamus ay agad kaming kumilos para hanapin sya. Ngunit bago pa kami makaalis dito ay may lalaking tumambang na sa amin. At napakalakas nya mahal na reyna dahil napatumba nya kami ng aking ama nang mag-isa lamang sya.*hawak parin ang batok na kumikirot parin sa sakit*

Alena: Kailangan ako ni Adamus.*nagmamadaling tumakbo sa gubat ng Adamya habang sinusundan sya ng tatlo* 


Pagkadating nila sa gubat, kanya-kanya sila ng libot doon upang mahanap si Adamus na bigla nalang nawala at sumigaw ng sa hindi nalalamang dahilan. Ilang kakahuyan na ang kanilang nadaan at tiningnan hanggang sa sumigaw si sa Amarro sa kabilang dulo ng batis na bigla nalang nagyelo ang tubig.


Amarro: Reyna Alena, si Adamus!Nakita ko na si Adamus!*sumigaw mula sa kinaroroonan*


Nang marinig ang sigaw ni Amarro, mabili namang tumakbo ang tatlo kung nasaan si Amarro. At pagdating nina Alena, Danaya at Aquil sa tinurong lugar ni Amarro. Nadurog ang puso ni Alena nang makita nya ang kanyang anak na si Adamus, na walang malay at sugatang nakahandusay sa lupa. Binabalot pa ng yelo ang kalahati nitong katawan. Tumulo ang luhang nilapitan nina Danaya at Alena ang kawawang diwan.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarWhere stories live. Discover now