PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre

Magsimula sa umpisa
                                    

Lira: Kasi pumapag-ibig rin noon yan si mashna Muros. At take note, inlababo sya noon kay Ashti Danaya. Well baka nga kahit ngayon may secret love parin sya kay ashti eh

Cassandra: Talaga ba ina? Grabe po ah di ako nainform.*laughs* Aliyah ang haba ng hair ni ila Danaya.

Aliyah: Anong meron sa aking ina Cassandra? Ate Lira, hindi po kasi namin alam kung ano po ang inyong mga sinasabi. Kayo lang po ni Cassandra ang nakakaunawa.

Fauna: Oo nga po ate Lira. Sana ay turuan nyo rin po kami ng mga salitang pantao po kagaya ni Cassandra.

Lira: Hay, nako walang problema hayaan nyo pag di busy sched ko.*nakatinginan sila Aliyah at Fauna dahil may salita ,silang hindi nila maintindihan*

Aliyah: Cassandra, ano nga pala ang sinabi kanina ni ate Lira?

Cassandra: Ang sabi ni ina, kaya daw may pagkamasungit yang si mashna Muros ay dahil noon ay may pagtingin ito sa iyong ina. In short, gusto nya ang inyong ina noon, at hindi rin alam ni ina kung nawala ba ang pagtingin ni mashna sa iyong ina.

Lira: Kaya pag nakita nyo si Muros, pasimple nyo syang tuksuhin tungkol kay ashti, malay mo madulas at malaman nyo kung meron pa syang feelings kay ashti.*everyone laughs*

Aliyah: Ah. Kaya po pala ate Lira, ang ganda talaga ni ina at marami ang nagkakagusto sa kanya.*laughs* Pero mas mahal siguro ni ina si ama kaya sila ang nagkatuluyan.

Fauna: Kaya ka nga nandito Aliyah eh.*laughs* 

Lira: Teka, nasaan si Adamus? Parang hindi nyo ata sya kasama.

Cassandra: Ina, sinama po sya ni ila Alena papuntang Adamya.

Lira: Ah ganon ba? Baka yun yung sinasabi ni ashti na mag tetrain at kukuha ng mga gunikar para dagdag sa hukbo.

Fauna: Para saan naman po ate Lira?

Lira: Kasi ganito yun. May mga nangyayari na naman dito sa Encantadia na hindi maganda. Hindi namin alam kung sino ang gumagawa ng mga masasama dito. 

Aliyah: Ibig sabihin ate Lira, hindi na ulit tahimik ang Encantadia dahil may nanggugulo na naman sa atin?

Lira: Oo Aliyah. Kaya kapag wala kami sa tabi nyo mag-ingat kayo huh? 

Cassandra, Fauna, Aliyah: Opo. 

Lira: O sige na, hahanapin ko pa sila Paopao at Mira eh. Mag-ingat kayo huh? At wag na wag nyong tatakasan ang mga dama nyo.*hinimas ang kanilang mga ulo* Ano kita kits nalang ulit huh? Bye nak!*hinalikan si Cassandra sa noo*

Cassandra: Bye nay!*naglakad na papalayo*


Pagkaalis ni Lira sa mga bata ay sakto naman ang dating ni Muros sa kinaroroonan ng mga diwani para sa susunod nilang aralin. Pagdating ni Muros sa mga sang'gre ay tiningnan sya ng mga ito at nagbubulung bulungan, dahil sa mga sinabi n Lira sa kanila.


Muros: Mga diwani, nandito lang pala kayo.*napansin ang tingin nila sa mashna at nagbubulungan pa* Anong mga pinagbubulungan ninyo?

Cassandra: Kayo po—ay este wala po tungkol lang po sa susunod naming aralin.*ngiting guilty*

Fauna: Oo nga po mashna, masama po bang magbulungan?*small laugh*

Muros: Hindi naman diwani Fauna. Ngunit sa lahat ng ayaw ko ay ang pinag-uusapan ako.*tumigil sa pagtatawanan ang mga diwani*

Aliyah: Kahit po ba ang pagtingin mo sa aking ina, mashna?*laughs*

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon