PART VII | Pananakit Sa Mga Batang Sang'gre

Magsimula sa umpisa
                                    



Pumasok si Lira sa silid ng mga sandata at tahimik na pinagmasdan ang espada ng kanyang ina at ang espada nya na magkatabing naka display sa loob. Maya-maya ay kinausap nya rin ito kagaya ng kung paano nya kausapin ang rebulto ni Amihan.


Lira: Nay,*touches Amihan's sword* wag naman po sanang mangyari ang iniisip ko. Wag na po sanang magamit uli ang mga sandatang to para uli sa digmaan. Matagal na namin hindi ginagamit ang mga sandatang ito dahil simula nung last war, tahimik na kami, *looks at her avatar sword* kagaya po ng pagbitaw ko sa sandata ko simula nung nawala kayo. Pero parang bumabalik na naman po yung gulo dito nay. *sigh* Bakit ba kasi sobrang daming pwedeng gawin sa mundo, ang manggulo at manakit pa ang pinipili nilang gawin, noh? Nakakaimbyerna lang kasi.*touches the point of the sword* Sana naman, itong mga patalim ng mga sandatang ito, ay hindi na muling maliligo at malalagayan ng dugo ng mga encantado, kahit pa po mga vedalje pa ang masasaksak nito. Dahil alam ko po na kahit mga kalaban po sila ay may pamilya parin pong nag-aantay sa kanila. Ayoko na pong maging war freak ang mga taga dito nakakaloka. Wala na sanang siraan ng world peace, Lord, Emre.*nilibot ang mga nakatagong sandata*



Pagkatapos nyang bisitahin ang silid ng mga sandata, lumabas na syang muli dito upang hanapin muli sina Mira at Paopao maging ang kanyang anak na si Cassandra.


Nakabalik na ang mga pumunta sa kaharian ng Adamya na sila Danaya, Hara Alena, Aquil at Amarro kasama ang bagong pinuno ng mga gunikar upang pag-usapan ang mga gunikar na sasabak sa pag eensayo upang makatulong sa nagbabadyang laban sa Encantadia. Dumating si Adamus sa silid bulwagan kung saan nakita nya ang kanyang ina nakaupo sa trono at may mga binabasang kasulatan. Nilapitan nya ito upang mayakap at kamustahin.


Adamus: *tumatakbo palapit* Ina!

Alena: Anak!*niyakap si Adamus*

Adamus: Ina mabuti at naabutan ko na po kayo sa wakas. Palagi nalang po kasi kayong may gawain.*nakatayo sa gilid ng ina*

Alena: Poltre aking anak kung wala akong oras para sayo, lalo na ngayon. Kasi may nagbabadya na namang kaguluhan dito sa atin.

Adamus: Ano po ba ang maaari kong maitulong sa inyo, ina? Para naman po mabawasan ang inyong mga gagawin, at nang magka oras tayong muli.

Alena:*hinawakan ang pisngi ni Adamus*Sa ngayon anak, ang tangi mong maitutulong at ng mga diwani sa amin na inyong mga magulang ay ang maging ligtas sa lahat ng oras. at ipapangako sa amin na walang mangyayaring masama sa inyo, naiintindihan nyo ba?

Adamus:*hinawakan ang mga kamay ng ina sa kanyang pisngi* Opo ina nangangako po kami na hindi namin ipapahamak ang aming mga sarili pagkat ayaw na naming makadagdag pa sa inyong mga iniisip at sa mga Ashti namin.*ngumiti*

Alena: Avisala Eshma E Corrie.*hinalikan si Adamus sa noo**tumayo na sa trono* Sige na at may pupuntahan kami muli ng iyong ashti Danaya kasama sina Aquil at Amarro.

Adamus: Saan kayo pupunta ina?

Alena: Sa kaharian ng Adamya anak. Mangangalap kami ng mga gunikar doon upang hasain namin sa pakikipaglaban nang ganon ay mas humusay pa sila at maaari nating maging kapanalig. Alam mo anak, balang araw ay isa ka sa magiging pinuno at Hari nila kapag ikaw ay nasa wastong gulang na at kapag ikaw ay handa nang mamuno doon.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon