|| THE 4TH FVC RESULTS ||

114 22 49
                                    

Ito na ang resulta na hinihintay ng mga kalahok.

Una sa lahat, gusto po naming magpasalamat sa lahat ng sumali sa patimpalak na ito. Magaganda lahat ng inyong mga akda, ngunit kailangan pa ring may manalo. Alam naming hindi naging madali ang paggawa ng inyong mga entry, pero pinanindigan niyo pa rin po ito at ginawa ang lahat ng makakaya. Ngayon palang, We congratulate you already.

May Round 2 pa po ang patimpalak na ito, ngunit ikinalulungkot naming sabihin na lima nalang ang makakapasok dito. Sila ang mga best pick in each category.

Para sa mga makakapasok sa Round 2, muli po namin kayong gagraduhan. Kung sa naunang round ay mga designated FVC judges niyo lang, ngayon kami ng lahat na FVC judges ang susuri ng mga ito. Idagdag mo pa ang 2 special judges na makakasama namin.

Doon na malalaman ang TOP 3 NG OVERALL.

Sa mga hindi naman makakapasok, lagi pong tatandaan na hindi man kayo pinalad, nagkaroon naman kayo ng bagong experience. Magpatuloy pa rin sa pagsusulat. Hindi porket hindi kayo nagwagi sa pagkakataon na 'to, ay hindi na kayo magaling. Magagaling kayong lahat.

May mga feedbacks din ang judges na sana ay magamit niyo sa pagpapabuti ng inyong mga akda, at pati na rin sa mga susunod pa.

FIRST ROUND RESULTS:

💙Teen Fiction and Mystery💙
Judges: kathejye & kazumeh_17

💙Anniversary by sexynikyla 💙
Average: 84

Feedbacks:
Unang naisip ko sa title baka napatay silang dalawa sa anniversary nila mismo or baka isa sa kanila ang pinatay sa mismong kaarawan na 'yan. Nagtaka ako kung bakit anniversary pero hindi ako masyadong na-hook sa title nito. I-suggest na i-gitna na lang ang word na "Help" at lakihan ng onti ang Anniversary at ibahin din ang font nito. Ipagpatuloy ang pagsusulat!✨

Maganda kung paano sinimulan ang kuwento. Maayos ang narration at dialogue. Ang maipapayo ko lang if ever na magsusulat ka ulit ng another mystery story is to make the audience feel the feeling na as in kakabahan sila, although unique yung plot mo and ang unexpected ng dulo. A one-shot story to be remembered. Pinahanga mo ako sa kung papaano ang execution ng story. Keep it up, author! Continue writing 💙

💙Ulterior Motive by shara_laine 💙
Average: 86.5

Feedbacks:
Masyado akong nadiliman sa bc mo, may mga iilang letters din ang natakpan at hindi makita dahil dito. For me kasi nakakadala or nakaka-hook agad 'yung may mga tanong kasi mas lalo kang mapapaisip sa posibleng nangyari o mangyayari sa kwento. Kaya para sa akin nagkaroon ako ng mga idea or na-curious agad ako dahil isa 'yon sa mga nakitaan ko sa blurb mo. Marami akong nakitang typo/s, nakakalimutan mo rin ang mag-space kaya nagkakadikit ito. Minsan nakakalimutan mo na or nagkukulang ang letters.

First of all, ang unique at ang catchy ng title. Mapapabasa ka talaga. Sa content, akala ko si Haegan ang may gawa pero hindi pala. Ang ganda ng execution ng kuwento lalo sa ending . You can feel the mystery feels. Creative rin sa part na alphabetical order. May mga questionable parts lang such as ano ng nangyari sa kinidnap niya?, Bakit siya pumapatay? and the like. Sana mapaliwanag if ever man na it'll undergo revision. Sa technicalities, doon medyo nagkatalo. Sa usage of punctuations and sa difference of rin and din. You can change it nalang po if you're revising. Overall, it's an excellent piece. Keep it up, Author 💙

FVC BOOK CONTESTSWhere stories live. Discover now