Chapter 1: ᜊᜓᜆᜓᜇ

1.9K 97 5
                                    

Tatlong araw na ng nagsimula ang ensayo nila Eris,Halos lahat ng mga binata ay kanya kanyang pageensayo para sa pakikipag kitang gilas.

Si Eris,Walang ibang ginawa kundi panoorin ang mga nageensayo roon.

Tatlong araw na din syang hindi umuuwi sa kapatid nya,Ngunit sigurado syang ligtas ito sapagkat hindi gagalawin ang kanilang lugar.

Kung pagmamasdan ang kasuotan nya,Suot lamang nya ang isang tela na hinabi kaparehas ng pantalon nya.

Sya lamang ang hindi kaaya aya na suot sa loob ng arena na kanilang pinaeensayuhan sa loob ng palasyo.

Sa kabinete ng mga imperyal na gwardya sila namamalagi,Ang mga pagkain naman ay hinahandugan sila ng palasyo.

"Makipaglaban ka sakin"

Napaitlag si Eris ng biglang may nagbato sakanya ng isang espada,Nasambot naman nya ito at tinignan kung sino ang bumato.

"Ako pala si Philip,Mula sa ika anim na kaharian"

Pagpapakilala ng isang mestisong binata sakanya.

"Makisama ka sakin at subukan natin kung anong kakayahan mo"

Mayabang na pagpapatuloy pa ng mestiso,Pagod na tumayo si Eris at pahilang binitbit ang espada dahilan para gumawa ito ng tunog.

Wala syang tugon kahit magpakilala man lang,Pinagbigyan nya lamang ito upang mabawasan din ang paghihintay para sa labanan.

Prente siyang tumayo sa gitna ng bilog,Habang si Philip ay binitbit ang espada na tila ba isa ng eksperto.

Agad inatake ni Philip si Eris,Ngunit sa pagbaba ng espada ay ganun nalang din ang gulat nya ng magtama ang kanilang tulis,dahilan para maitulak ang hawak nya.

Ibinalik muli ni Philip ang espada at titirahin sana ang kaliwang bahagi ni Eris,Ngunit ganoon nalang din ulit ang gulat nya ng may kung anong tumamang bagay sa leeg nya.

Gamit ang hawakan ng espada,Ay itinumpok ito ni Eris sa batok ng mestiso.

"Ahhh!"

Napahiga sya sa buhangin at dinaing ang sakit,Narinig naman nila ang naghihiyawan na kanilang kasamahan.

Dahan dahang inilapag ni Eris ang espada sa harap ni Philip.

"Sapat na para sayo yan"

Binitawan nyang salita mula sa malalim nyang boses.Tumalikod si Eris at bumalik sa kanyang pwesto at prenteng humiga.

Pahinga ang kailangan nya,Hindi isang ensayo.

Sa kabilang banda,Busy naman ang reyna sa pakikipagtalastasan sa iba't ibang kaharian.

Mula sa pakikipagpalitan ng mga sandata,At gamit sa pakikipaglaban.

"Reyna Nathalia"

Tawag ng isang prinsesa mula sa ikatlong kaharian,Si Prinsesa Alliah.

"Anong pakay mo sa kaharian ko,Alliah"

Sagot ng reyna at hindi manlang nilingon ang kanyang kaibigan.

Parehas sila ng taon na ipinanganak,Malapit ang kaharian nila sa kaharian ng reyna kaya sila malapit sa isa't isa.

"May balita na umabot sa palasyo,Naghahanap ka daw ng isang maghahari sa iyong palasyo?"

Tanong ng prinsesa at prenteng umupo sa upuan malapit sa reyna,May ginagawa kasi ito sa lamesa kaya hindi ito nakatingin sa prinsesa.

Nagangat ang tingin ng reyna.

"Oo"

Muling bumalik ang reyna sa kaniyang ginagawa.Tuwa namang rumesponde ang prinsesa sa sagot nya.

Ang reyna lamang ay isang instrumento sa isang kaharian,Dahilan upang sya ay maghanap ng isang maghahari.

Ilang taon na ang lumipas ng namatay ang magulang nya sa isang paglubog barko.

Tutungo ito para makipagayos sa Ika-pitong kaharian,Ngunit inatake ang sinasakyan nilang barko habang ito ay pumapalaot.

"Maari bang makihingi ako ng isa?"

Napatigil ang reyna sa pagsusulat at tinignan ang prinsesa.

"Isa lang,Huwag lima."

Natawa naman ang prinsesa sa sagot ng reyna,Marahil ay sa kilalang kilala sya nito na matakas sa lalaki.

"Sonya,Samahan mo sya sa pinaghihimpilan ng mga binata"

Utos ng reyna sa alagad nya,Yumuko ito sa harap ng reyna at tuluyan ng umalis kasunod ng prinsesa.

Pagdating sa arena,Ay tuwang tuwa itong minatahan ng prinsesa.

Naglakad sya upang pagmasdan ang mga katipunero na busy sa pageensayo.

Halos lahat ng nadaanan nya ay may itsura at matipuno.Inikot nya ang kinabuuan ng mapansin nya ang isang binata.

"Kilala mo ba kung sino ang nakikipaglaban nayon?"

Tanong nya kay sonya,Agad umiling ang alagad habang minamasdan ang binata.

Nagulat na lamang sila ng biglang bumagsak ang isa roon.Manghang tinignan ng prinsesa kung sino ang nagpatumba roon.

Nakita nya itong humiga sa isang gilid.Tumingin naman ito sa direksyon nya.

Itinaas nya ang kaliwa nyang kamay ikinaway ito,Ngunit nawala ang kanyang bisyon sa binata ng may tumawag sakanya.

"Prinsesa Alliah"

Pagbibigay pugay ng isang lalaki sakanya,Niluhudan sya hinalikan ang likod ng kanyang kamay.

"Hehe"

Mahimbing na tawa nya at hinila ang kamay nya,Ngunit ganoon nalang ng makita nya na wala na binata na pinagmamasdan nya kanina.

Maingat nyang binuhat ang gown nya at inikot ang mga mata nya,Nawala na nga ito.

Agad sya naglakad papunta sa pwesto ng lalaki kanina.

"Mahal na prinsesa"

Nagulat na lamang sya ng may lumuhod sa gilid nya.At bumungad ang kanina pa hinahanap ng mata nya.

Hinila nya ang kamay ng binata pataas at pinagmasdan ang pagtayo nito.

Hindi matipuno ang katawan nito,Ngunit malalambot ang alon ng mga buhok,Ang kulay na gray nitong mga mata at malambot na labi.

"Ano ang pangalan mo?"

Tanong ng prinsesa habang tinatantya ang mga tingin nya rito.Mas matangkad kasi ito sakanya.

"Eris"

Sagot ng binata at yumuko sa prinsesa,Hahawakan na sana sya ng prinsesa ng may tumawag rito.

"Alliah"

Ang mahal na reyna na buhat buhat ng isang kalesa.Mabuhangin kasi ang lugar at baka madumihan ang suot nito.

Nakayuko lahat ng binata sa pwesto ng reyna,Humarap naman si Eris at niyuko din ang kanyang ulo.

"Ipagpabukas mo na ang pagpili",Malamig na tugon ng mahal na reyna.

Matamnan na tinignan ng reyna ang binata na katabi ni Alliah,Hindi sya nagkakamali,Eto ang binata na hindi natatablan ng alindog nya.

Napansin naman ng reyna ang suot na damit nito,Pinatagpi lamang na tela at hindi isang pormal na damit.

Inis na lumapit naman ang prinsesa at sumakay katabi ng reyna.

"Hayaa"

Sigaw ng kutsero at tuluyan ng nilisan ang lugar.Bumalik agad sa pageensayo ang lahat,Maliban kay Eris.

Sa lingid na kaalaman ng lahat,Nagmadaling sumunod ang reyna dahil sa isang rason.

Mapapansin ng prinsesa ang isang namamatahan nya,Ang binata na una din nyang pinansin.

Si Eris.

The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon