16

156 5 0
                                    

J E N E L L E ' S

Time flies so fast, Monday na agad at ngayon ang first day namin ni Jihoon NA MAGPRACTICE para sa dance fest pero hindi ko parin nakikita si Jihoon simula nung pumasok kami ni Sharlene dito sa university.

"Junkyu saan si Jihoon?" I asked Junkyu maybe he knows where he is

"Ayiee hinahanap mo ba siya? Di ko alam na umapgrade na yung relationship niyong dalawa" sabi niya

"Nasan na kase siya?!" Tanong ko

"Aba ewan ko hindi naman kami sabay na pumasok!" Sigaw niya

"YAH JENELLE CHO! MISS ME?" Narinig ko galing sa likod ko

Nandito na siya

"Jihoon, hinahanap ka na ng bibi mo" sabi ni Junkyu at tiningnan ko lang siya ng masama

"San ka ba nag galing?" Bulong ko sa kanya "Anong oras na oh?" Dagdag ko

"Madami akong ginawa sa bahay. Hindi pa naman ako late ang O.A mo" bulong niya sa akin

"Ako pa ang naging O.A? Madami pa tayo kailangan paguusapan tungkol sa dance fest" bulong ko ulit sa kanya at tumingin sila Sharlene at Junkyu sa aming dalawa

"Magjowa na ba kayong dalawa?" Sabay nilang tanong sa amin

"Ikaw Jenelle, kung makaasta ka parang kang Girlfriend ni Jihoon" sabi sa Sharlene

"Ikaw naman Jihoon, may pa sigaw sigaw ka pa ng 'Miss me' kala mo naman boyfriend ka ni Jenelle" sabi naman ni Junkyu

"So tell us" sabay ulit sila

"Walang kami!" Sigaw naming dalawa

"Tingnan niyo sabay pa kayo" sabi ni Sharlene

"Shut up Sharlene" sabay ulit kami

"Ito na nga oh tatahimik na" sabi ni Sharlene na nakataas ang dalawa niyang kamay

After nun, dumating na si Ms. Kim

"Jenelle and Jihoon, let's talk outside" sabi ni Ms. Kim at sumunod naman kami ni Jihoon sa kanya sa labas

"So, kailan kayo magsisimula magpractice?" Tanong niya sa amin

"Starting from today po" sabi ni Jihoon

"Ano ang magiging concept niyo?" Tanong ulit ni Ms. Kim

"Sabi niyo po sa amin na gusto niyo po ng sexy concept so we'll gonna do sexy concept Ms. Kim" sabi ulit ni Jihoon

Nao-op na ako dito parang nagfafast q&a si Ms. Kim tas Jihoon lang sasagot .-.

"That's good to hear" sabi naman ni Ms. Kim

"We'll try our best Ms. Kim" sabi ni Jihoon sa kanya

"Good. Pero pag napapagod kayo sa kakapractice, rest for a bit ok wag magkasakit" sabi ni Ms. Kim sa amin

Nakakatouch naman si Ms. Kim ㅠㅠ

"Let's go in" sabi sa amin ni Ms. Kim at pumasok na kami at bumalik sa mga upuan namin

Enemies | p.jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon