Aly: pangako po hinding hindi ko siya aabusuhin... Rerespetuhin ko po ang anak ninyo kagaya ng pag respeto ko sa inyo...

Marco: salamat naman kung ganuon... (nakipag kamay siya kay aly) sige na lumabas ka na duon at baka kinakabahan na ang anak ko at baka inisip na nuon kung inano kita dito...

Aly: sige po... maraming salamat po...

Tumalikod na siya at lumabas ng bahay nila den... Nakita naman niya na nag-aabang si den sa kanya at halatang kabang-kaba ito...

Den: my labs anong sinabi ni tatay? pinapalayo ka ba niya sa akin? kakausapin ko siya...

Aly: (Niyakap niya si den at hinalikan niya si den sa noo) wag ka mag-alala hindi naman niya ako pinapalayo sa iyo... hindi din naman ako papayag.. kung kailangan na lumuhod ako sa harap niya gagawin ko yun my labs..

Den: maraming salamat my labs... pasensya ka na ha... (sasabihin niya sana na dahil sa sinabi niya na may nangyari sa kanila)

Aly: wag ka na mag-alala ayos na yun my labs... alam ko naman kung bakit mo ginawa yun eh.. salamat din kasi pinag tanggol mo ako sa pinsan mo...

Speaking of the devil sumabat si Mika sa usapan nilang dalawa...

Mika: huy timang!! (referring to aly) wag mong isipin na porket nauto mo ang pinsan ko at may nangyari sa inyo eh boto na ako sa iyo!!! tandaan mo ito gagawin ko ang lahat para magising ang pinsan ko sa kahibangan niya!!! (sigaw niya sa mukha ni aly)

Sasagot pa sana si den pero hinawakan na siya ni aly sa kamay..

Aly: hayaan mo na si Mika.. wag mo na patulan. hahaba lang eh... (bulong niya kay den)

Matapos ang kumusyon ay pinatulog na ni aly si den dahil alam niyang hindi titigil si Mika hanggang pumapasok ng bahay si den...

Ayaw pa sana ni den dahil ayaw niyang iwan si aly kay amanda pero nang ipaalala sa kanya ni aly na siya lang ang mahal nito ay kumampante na siya at sinunod na ang kasintahan... umuwi na siya at natulog...

Nagpatuloy naman sila sa pag-iinuman pero mararamdaman mo na medyo dumidistansya si amanda sa kanya dahil sa nadinig nito... Hindi naman na pinilit ni aly ang mga bagay bagay at hindi din siya nagpaliwanag sa mga kaibigan nila dahil naiintindihan niya kung bakit ginawa ni den ang ganuon... hindi niya ikinatutuwa iyon at hindi dahilan yun para yumabang siya pero mas naisip niya na mahal talaga siya ni den para maipag sigawan nito sa mukha ng pinsan niya at sa mga ka lugar nila na may nangyari na sa kanila.

---------

Sabado ngayon dapat ay magde-date ang magkasintahan na aly at den pero mas pinili ni den na umpisahan ang pagtuturo niya kay aly at kim para bumasa at sumulat...

May mga dala siyang flash cards na alphabet at mga libro na pwede nilang pag praktisan na basahin...

Bagamat nahihiya si aly at kim kay den dahil ang lalaki na nilang damulag ay hindi pa sila marunong magbasa at mag-sulat ay natutuwa siya dahil tinupad ni den ang pangako nito sa kanya...

natutuwa din siya kasi hindi niya nakakakitaan ng pagkailang si den at seryoso ito sa pagturo sa kanila... in fact sobrang seryoso masyado tuloy itong naging strikto... pag nilalaro laro lang nila ni kim ang pagtuturo ni den nakakakuha sila ng pingot mula dito..

Bumili din si den ng mga alphabet charts at idinikit niya sa dingding ng kwarto ni aly para hindi nito makalimutan ang mga pinag-aaralan nila...

Sa twing natutulog si den sa bahay nila aly ay nagbabasa pa sila bago matulog... pagka gising naman ay tinutoro niya ang mga letra tapos pinapa bigkas niya ito kay aly...

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon