Chapter 17

8.4K 121 27
                                    

A/n: medyo may pagka violent ang chapter na ito so kung hindi kayo kumportable please wag na ninyong basahin... ayan na naman baka mamaya may magtatanong na naman hahaha ✌️..

Anyway sorry for the typos and sorry ngayon lang ulit nakapag UD... Salamat sa pag-antay...

---------

Nagising si Marco dahil sa sobrang alinsangan ng panahon kaya naman bumaba siya para uminom ng tubig... nasa huling baitang na siya ng kanilang hagdana ng naulinigan niya ang pagtatalo ng mga nasa labas ng bahay nila...

Sinilip niya ito sa bintana at nakita niyang nagtatalo ang kanyang anak at ang pinsan nitong si Mika... Dali-dali siyang lumabas ng bahay para sana awatin at pag sabihan ang dalawa ng mapako ang kanyang mga paa dahil sa nadinig niya sa kanyang anak...

Den: may nangyari na sa amin...

Marco: pwede ba tayong mag-usap alyssa?

Nagulat ang lahat ng tao duon sa inuman pati na ang mga nakiki usyoso sa palitan ng mga salita ni den at mika ay nagulat ng makita ang tatay ni den...

Si aly naman ay halos maihi na sa shorts niya dahil sa kaba..

Aly: o-opo pw-pwede naman po tayo mag-usap...

Tumalikod na si Marco papasok ng bahay nila dahilan para makuha ni aly ang gustong gawin ni Marco ang mag-usap sila sa loob ng bahay nila denden...

Den: my labs... (hinawakan niya si aly sa kamay, gusto niyang sumama kay aly.. gusto niyang mag paliwanag sa tatay niya na sinabi niya lang yun dahil sa inis niya kay Mika at para matapos na ang pangungulit ng pinsan niya na iwanan niya si aly)

Aly: okay lang ako my labs... ako na lang ang kakausap sa tatay mo... sige na baka mainip yun sabihin pa iniiwasan ko siya.. (hinalikan niya sa noo si den para mabawasan ang kabang nararamdaman nito)

Maging siya man ay kinakabahan sa mga mangyayari pero kailangan niyang maging matatag para kay den... alam niyang kaya ito sinabi ni den at para maipamukha kay Mika na siya ang mahal nito yun nga lamang ay nadinig siya ng tatay niya...

Sumunod na si aly sa tatay ni den... Nakita niyang nag-aantay ito sa may sala ng bahay nila... naka-upo at seryoso ang mukha.. hindi kagaya nuon na pirming naka ngiti ngayon mababakas ang lungkot sa mukha nito...

Marco: maupo ka!! (utos niya ng makita niyang nakatayo si aly sa May pintuan ng bahay nila at nag-aalangan)

Aly: sa-salamat p-po... (kinakabahang sabi nya sa tatay ni den)

Marco: totoo ba ang nadinig ko kanina?!! (Diretsong tanong niya kay aly)

Aly: mang Marco... pwede po bang tanungin ko kayo?? paano po kung totoo nga pong may nangyari sa amin ni den? papalayuin ninyo na po ba siya sa akin?

Marco: hindi ko alam!!! aaminin ko hindi ko inaasahan na aabot kayo kaagad sa ganyan!! pinag katiwalaan kita!! pinapayagan ko matulog ang anak ko sa tabi mo sa kwarto mo ng kayong dalawa lang dahil malaki ang tiwala ko sa iyo tapos ganyan ang gagawin ninyong dalawa...

Aly: humihingi po ako ng paumanhin sa inyo.. sorry po kung nadinig ng mga kapit bahay ang sinabi ni den pero hindi ko po sinira ang tiwala ninyo sa akin... nang mahalin ko po si den, kasama po duon ang panindigan siya... ang masigurado na hindi siya mapapahiya at ang maging karapat dapat ako sa kanya...

Marco: sana lang wag mo siyang sasaktan at sana lang hindi porket mahal na mahal ka ng anak ko ay aabusuhin mo na siya... gustuhin ko man na magalit sa iyo, alam ko na matalino ang anak ko at alam niya ang ginagawa niya... Kung hindi lang kayo mga bata hihilingin ko na sana pakasalan mo na ang anak ko...

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon