Chapter 20

727 25 25
                                    

Ito na ang kinakatakutang araw ni Aly.. Ngayong araw matatapos na ang kanyang pagkukunwari. Matatapos na ang kanyang panloloko sa kanyang mga magulang, sa kanyang pinakamamahal at higit sa lahat sa kanyang sarili. Oo matagal na niyang niloloko ang kanyang sarili. Pilit niyang pinaniniwala na hindi siya nasusuka sa kanyang mga ginagawa.. Na mapapatawad din siya ng mundo at ng diyos.. Alam niyang may malaking na pursyento na maaring mawala sa kanya ang lahat.. maaring walang matira sa kanya.. Ang kanyang mga magulang, ang kanyang mga kaibigan, mga taong nakakakilala sa kanya at higit sa lahat si dennise... Ang kanyang si Dennise..

Matapos mag-usap ang magkaibigan ay lumabas si Kim sa kanilang bahay at huminga ng malalim. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang kaibigan.. kahit pa ikapahamak niya ito, malaki ang utang na loob niya sa kinikilalang matalik at kapatid na si Alyssa. Makailang beses na din niligtas ni Alyssa ang kanyang buhay kaya siya naman ngayon.. Kailangan niya maipakita kay Alyssa na maasahan siya.. Muli bumuntong hininga siya at saka lumapit sa mga kabataang nag-iinuman..

Sinipa ni Kim ang lamesa ng mga kabataang nag-iinuman..

Kim: Lumayas nga kayo dito! Ang iingay ninyo, natutulog na ako at hindi aq makapagpahinga dahil sa mga kaingayan ninyo!

Lalaki: Kim! Bakit mo naman sinipa ang lamesa namin? Hindi mo ba kami pwede kausapin ng maayos? (Inis niyang sita sa kapit bahay na sumipa ng kanilang lamesa. Natapon kasi ang kanilang alak)

Kim: bakit? May angal ka? (Kinuwelyuhan niya ang lalaki)

Lalaki: Ano ba ang nangyayari sa iyo? Sige na kung ayaw mo kami dito aalis na kami..

Kim: Hindi! Gusto ko ng away! (Bigla niyang sinuntok ang lalaki)

Isa pang lalaki: Gago ka Kim! Kung iniisip mo na babae ka kaya hindi ka namin papatulan nagkakamali ka! (Sinugod niya si Kim)

Pero bago pa nito masuntok si Kim ay naharap na siya nito at nasipa, natumba ang lalaki na lalo nitong kinapikon..

Masama na ang tingin ng 5 kabataang lalaki na kanina lang ay masayang nag-iinuman.. nagtayuan na ang 3 pang lalaki at akmang susugudin si Kim..

Tumakbo si kim sa daang ang tinutukoy ay bahay nila Alyssa.. sadya niyang binubunggo ang mya mga bahay na nadadaanan niya.. naglabasan naman ang mga tao..

tumakbo si kim ng tumakbo wala na siyang pakialam kung may nabubuggo na siya.. mas wala siyang pakialam kung lalo pang dumami ang naiinis sa kanya..

Mga tao: Ano ba naman kim magdahan dahan ka naman parang wala kang nakikita. (reklamo ng mga taong nabubunggo niya)

ngunit kahit ano pa man ang madinig ni kim desidido siyang hindi huminto..

isang bahay lang ang kailangan niyang hintuan.. isang bahay lang alam niyang kailangan niyang marating.. iyon ang ang bahay ng mga magulang ni alyssa..

nang sa wakas ay narating na niya ang kanyang pakay ay ibinuhos niya ang huling lakas niya para katukin ang pintuan ng bahay ng mga magulang ni aly..

medyo malalim na din ang gabi at marahil ay nagpapahinga na ang mga ito dahil napagod sigurado ang mga ito sa kanilang maghapong pagwawalis sa daan..

hindi nagtagal at nagbunga din ang walang humpay na pagkatok ni kim sa pintuan ng bahay nila aly.. nakita niyang bumukas ang pintuan sa bintana kung saan namamahinga ang mga magulang ng kaibigan.. nadinig pa niya ang yabag ng mga paa pababa ng hagda. hindi nga nagtagal ay bumukas ang pinto.. halos mahimatay na siya sa pagod.. at napayakap sa tatay ni aly..

bago pa man tuluyang matumba si kim ay may isang kamay ang tumulong sa kanya mula sa mga kapit bahay na nakikiusyos dahil sa kumosyon na nadinig nila..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TrappedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon