Napapakunot ako ng noo habang nagbubuklat. Parehong tao lang naman ang naka-record pero paiba-iba ng pangalan. It’s Dark. He has so many names that I can’t even begin to count it for heaven’s sake.

“What is Dark’s real name? Damn this.”

“He’s Dark alright. Dark Lockhart. If he forgets his real name, he’ll forget the memories of his past lives. That’s what often happens to him. Kaya hindi niya maalala ang mga iyon nang magkita kayo sa St. Louis Missouri dati. He has no memories of what’s been happening to him. The experiments, the pain of it and so on.”

Buti nga sa kanya.

“Anong koneksyon nu’n kung makakalimutan niya ang pangalan niya? Parang ang gago naman nu’n. Mawawalan siya ng alaala dahil lang nakalimutan niya ang pangalan niya. Aba natural ‘yon noh. It’s eternity not summer vacation.”

Matipid na ngumiti si Creed. “Azrael owns him and his name. Thus, if he forgets his name, it means na mag-uumpisa siya ng panibagong buhay hanggang sa mabawi niyang muli ang pangalan niya kay Azrael. It’s an insurance na hindi siya pwedeng maging malaya hanggang sa hindi natatapos ang eksperimento.”

“Okay so… balik sa’kin. Ano nga ulit ang kinalaman ko?”

“The experiment was supposed to happen this way: Dark’s abilities awakens, he hunts selfish and evil souls lingering around the ethereal and the corporal planes and then banish them. The more purified the earth is, the more chances that he can claim his name from Azrael. And then he can become indestructible and sacred. Hecate’s hold on him will vanish as well and there will be no possibilities of being allied to the Underworld.”

“Wait a second there, buddy. I don’t see any smoke around Dark so isn’t that just means that he’s indestructible?”

Umiling si Creed. Nagtaka ako lalo. “Nang ipanganak si Dark, walang nangyari. Para lang siyang isang mortal. Nasasaktan, walang kapangyarihan. Pero nang tumuntong siya sa dalawampu’t anim na taong gulang, huminto na ang essence of life niya. Nawala ang usok. Nawawala lang ang usok kapag nasa proseso na ng pagkuha ng kaluluwa ang mga anghel ng kamatayan. Pero hindi namatay si Dark. Naging imortal siya ngunit walang kapangyarihan.”

“Wow, that sucks. You can’t die but you can’t do anything when you’re threatened to die. Teka, ang gulo ng sinabi ko. So pumalpak ang experiment. Ano na ngayon?”

“Enter Dream. Hecate sensed your nearing existence. Ipinaalam niya kay Azrael. Ginawa ka nilang isang cancelled curse. Ibinigay nila sa’yo ang mga kakayahang dapat ay kakayahan ni Dark. Pagkatapos no’n… pinatay ka nila.”

0______________0

“Anong—HOY HINDI MAGANDANG BIRO ‘YON!”

He chuckled lightly. “Hindi ako nagbibiro, ano ka ba. Totoo. Ipinanganak kang patay. Ibinigay nila ang puso mo kay Dark nang sa gano’n ay magkaroon kayo ng tali na nag-uugnay sa inyong dalawa. Binigyan ka ng panibago, binuhay kang muli.”

OMFG! My heart! TT___TT

“Oh tapos?”

“Makinig kang mabuti, Dream. This is the crucial part of your abilities.” Tumango lang ako. Naupo siya ng maayos at muling nag-seryoso. “You are a sender. Ibig sabihin maaari kang mag-transfer ng mga kakayahan sa isang tao sa pamamagitan ng paghiling lamang niyon. Hindi ka mababawasan ng kahit na ano. Malaya mong gawin ‘yon hanggang sa gusto mo. At dahil do’n… kaya ka nila iniugnay kay Dark.”

Unti-unti kong napi-pick up ang sinasabi ni Creed. So ang gusto nila i-transfer ko kay Dark ang mga kakayahan na dapat ay sa kanya kaya nila ako pinili. “Eh teka. Ibig sabihin nagawa ko ‘yon?”

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now