“N-Nagsasalita ka di ba? Nagsalita ka kanina eh. Naiintindihan mo ba’ko?”

Tumingin siya sa’kin. Ngumiti siya saka tumango. Ay shet! Nasisiraan na ata ako ng ulo. <(OoO)>

“Paano ka napunta dito? Tsaka anong klaseng nilalang ka? Hi-tech ka ah, nag-originate sa itlog?”

Humagikhik na naman siya. Ang jolly niya. = . = “Serveur.”

“Huh?”

“Serveur. Hihihi.” :3

“Wala kang kwentang kausap.” -____-

Nawala yung ngiti niya. Ang gulat ko nang umahon siya sa itlog tapos lumaki siya as in parang kasing-laki ng baby kaso lumilipad. Lumilipad na tyanak? 0____0 Niyakap niya ako. Narinig ko na lang na umiiyak siya habang nakapulupot yung cute niyang kamay sa leeg ko. “H’wag galit. Sorry na. *huk!* Galit… Dream?”

Paano niya… ah shet! Ano na naman ba ‘tong pinasukan kong gulo? “Sige na, tahan na. Hindi ako galit. Tumahan ka na, baka makita tayo ni Yale.”

Tumigil siya sa pag-iyak pero lalong humigpit ang yakap sa’kin. “Gusto ni Anael kay Dream.”

Ano raw? (o___o)?

“Okay so… bumalik ka na ulit sa itlog mo tapos magliligpit ako ng basag na bubog tapos mag-uusap tayo.”

“Dito lang si Anael. Gusto ni Anael kay Dream.”

Arrrrggghhh! -____-++

Binitawan ko ang empty shell ng egg na hawak-hawak ko at ipinatong sa mesa. Ipinosisyon ko siya ng maayos para di siya malaglag kapag gumalaw ako saka ko tinignan ang mga basag na piraso ng bintana. Pero pagtingin ko wala na sila do’n. Buo na ang bintana, walang bubog, parang walang nangyari.

How on earth… “Uh… ikaw ba ang may gawa nu’n?” @____@

Umiling siya. “Hindi.” He chirped, opo, HE. Lalaki siya. “Ikaw.”

“Ako?” o_O

Nag-nod siya ng isang beses. “Mm. Dream.”

“Paanong ako?” 0___0?

“Mmm… kayang gawin ni Dream ‘yun.”

Ano ba naman? Lagot na talaga. Isa pa kapag may nakakita sa batang ‘to lalo na’t nagsasalita siya, baka himatayin. May pakpak pa tas itim pa yung pakpak. Oh my ghash! Anong buhay ‘to? Gusto ko nang maglaslas! TT___TT

“So ang pangalan mo ay Anael?”

“Anael.” Pronounced as ‘Anel’ instead of Ana-el. Di ba dapat ganu’n yun?

“Okay so paano ka napadpad dito?”

“Gusto na ni Anael na makita si Dream kaya pumunta si Anael dito.” Nahihilo na’ko sa salita niya. Bakit kailangan niya ng narration sa sarili niyang litanya? -____-

“Paano ka napunta dito?”

“Lumipad si Anael.” He chirped again.

“Pero di ba galing ka kanina sa itlog tapos nabasag pa nga yung bintana kasi humagis yung itlog dito?”

Sa puntong iyon ay kumalas siya sa akin. Lumingon siya sa egg shell na nakalagay sa mesa. Nilagay niya ang mga maliliit niyang daliri sa mukha ko then he giggled, the child that he is. “Si Dream lang ang nakakakita kay Anael. Si Dream lang pwedeng pumili ng mortal na makakakita kay Anael.” ^0^

Oh goodness me, tell me I’m dreaming. ("__ _)

“Dureaaaaammmmiiingggg! Kakain na tayooooo!”

Anael was fast to pull away from me and transform back into his mini version in the air. Dumako siya sa may kaliwa kong balikat at eksaktong bumukas ang pintuan ng library. Hinintay kong makapasok si Yale at sumigaw-sigaw dahil may maliit na lumilipad na nilalang sa balikat ko pero wala. “Tara na uy. Kain na.”

“Susunod na ako.”

Tumango siya bago isarado ang pintuan. Binalingan ko si Anael. Ngumiti siya bago maging sanggol ulit na lumilipad at yakapin na naman ako. Susmaryosep. ("__ _)

~xxxx-x-x-x-x-xxxx~

“Behave ka lang d’yan.”

“Sasama si Anael.” (*^*)

“Hindi pwede. Lalabas ako, hindi ka pwedeng sumama.”

Humagulgol siya sabay yakap ng mahigpit sa’kin. Pangalawang beses na ‘to. Shete naman. “Sya, sya, sige na. Sumama ka na, h’wag mo lang akong guguluhin.”

Naglakad ako ng tahimik palabas ng bedroom ko. Alas dos na ng umaga kaya malamang tulog na si Yale. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong maglakad-lakad na muna sa labas. Itinalukbong ko sa ulo ko ang hood ng jacket ko pagkatuntong ko sa kalsada.

“Aish ang lamig.”

“Pero yakap na ni Anael si Dream. Hindi ba mainit si Anael?”

Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita kasi nga nakasubsob siya sa leeg ko. “Mainit pero hindi pa kasi malaki si Anael kaya konti palang ang init mo.”

“Hindi na pwedeng lumaki si Anael, Dream.” :'(

“Okay lang ‘yun, hayaan mo na. Mas cute ka kapag ganyan.” XD

“Okay.” ^0^

Umihip ng malakas ang hangin. Napahinto ako. Nakakarinig ako ng pagaspas sa ere. Nanatili ako sa kinatatayuan ko. Ayokong lumingon, ayokong maghanap. Anong malay ko baka nauso ulit ang manananggal. Di ako ready makakita nu’n noh. -___-

“Dream?” humigpit ang yakap ni Anael sa’kin na parang nase-sense rin niya ang nase-sense ko. “Balik na si Dream sa magandang kahon.”

Magandang kahon? Yung bahay ni Yale? Paano naging magandang kahon ang bahay? Saang bundok ba galing ‘tong tyanak na ‘to?

And like it was hinted to me, something hovered above my head from the front then it dropped to the ground shattering. Nagsunod-sunod na ‘yon. Napa-blink ako at umatras. Muntik akong sumigaw nang bumulaga ang isang pares ng pulang mata sa harapan ko na tila gusto akong kainin nito ng buo.

Muntik na. Glad that someone slew it with a sword. Someone… someone with a bloody face and bloody clothes. Lightning then struck the heavens. The brief light shone on his face and it automatically reminded me of a warrior. His eyes are fierce with blue, the contours of his face screamed beauty and his body was a tower of strength and honor.

Damn. One hot damn.

“Shit.” And I found him glaring at Anael na parang nakikita niya ‘to.

“Ex… cuse me?”

Bumaling ang atensyon niya sa’kin. “Patawad, maling pagkikita. Sa susunod ay sisiguruhin kong magiging kaaya-aya na ang ating engkwentro. Paalam, mahal ko.” and he dashed off in an inhuman speed.

Napanganga ako. ANO RAAAAAWWWW? 0_____0

The Seed Of AzraelWhere stories live. Discover now