Chapter 2: Miss

Magsimula sa umpisa
                                    

“What? I know Kuya you’re just kidding me....”

“Hindi ako nagbibiro. Bwisit kayo!”

Aba? Bwisit daw kami? Lumalabas na talaga ang pagseselos niya sa ‘min ni Papa Jace. May naisip lang ako na pwedeng irebuttal sa paghuhuramentado niya para lalo siyang mag-init. Wala palang allowance ha?

“Ok Fine! I-suspend mo na ang allowance ko kung ‘yan ang ikasasaya mo. Pero Kuya ito ang tatandaan mo.... mahal ko na si Jace. Nagmamahalan kaming dalawa ni Papa Jace!” halos sigaw ko sa kanya.

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko sa kanya na nagpalaki ng dalawang mata niya. Pansin kong namula rin ang tenga niya sa gawa-gawa kong rebelasyon.

“Da Hell? Pumasok ka na nga sa kwarto mong babae ka! Ayokong marinig ang kalokohan mo!”

“May long distance relationship kami ni Papa Jace. Lagi kaming nagchachat sa FB at Skype. Nagvivideo Cam pa nga kami e. Gusto mo ng evidence?”

Natamemeng muli si Kuya sa banat ko.

“Single ako, single siya. Babae ako, lalaki siya. Maganda ako, gwapo siya. Anong masama dun? Tapos haharassin mo ako dahil hinalikan ko lang ang boyfriend ko? Oh my goodness!” maarte kong sabi.

Napalunok ng laway si Kuya sa mga gawa-gawa kong hirit. A moment of silence went through hanggang sa biglang dumating si Jace para pumagitna sa maiinit naming conversation ni Kuya.

“Mick!” sigaw niyang bati kay Kuya. Si Kuya nama’y expressionless bunga na rin ng selos dahil sa kwento ko.

Ako nama’y nadiskaril ang focus sa mga banat ko dahil alam kong Papa Jace will clear his name kung magkapaliwanagan.

“Hoy Jace! Anong sinasabi ng pamangkin ko na boyfriend ka na raw niya?” pasigang prangkang tanong ni Kuya.

Pa-hiyang ngumiti ako kay Jace at nag-wave back sa kanya. Cool na cool lang siya habang pagalit na nagtatanong sa kanya si Kuya.

“Talaga ‘tong pamangkin mo o? Wala kaming relasyon no,” sagot ni Jace.

“E anong nakita ko kanina, na naghahalikan kayo?” dagdag ni Kuya.

“Ayun ba? Wala ‘yun! Nagulat na lang ako at bigla niya akong hinalikan. ‘Yun pala gusto niyang tingnan kung magagalit ka sa kanya kung makita mo kaming naghahalikan. Tol, pasensya na. Hindi ganun ang nakita mo. Kaya ako pumunta dito para magpaliwanag. Walang namamagitan sa ‘ming dalawa ng pamangkin mo okay?”

Tila kumbinsido naman si Kuya sa paliwanag ni Jace. Bigla niya akong inundayan ng napaka-seryosong tingin tanda na malilintikan na naman ako sa kanya.

“Umakyat ka nga sa kwarto mong babae ka!” pasigaw niyang sabi sa ‘kin.

How to Seduce a Hunk Again [Book 2] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon