"Up or down?" Umayos ako ng hupo at naka ngiting humarap sa kanya.

"Down!" Pinitik ko yung buhok tapos tumalsik pababa.

"Gotcha! Wish! Wish! Wish!" Pinatong ko ang dalawa kong siko sa tuhod at nangalumbaba at tinitigan sya.

"World's piece"

"Lahat naman ata tayo wish 'yon pero yung sa' yo muna!" Hinampas ko sya ng mahina sa braso.

"Eh hindi mo pa naman kayang ibigay 'yon"

"Malay mo kaya ko! Ano ba kasi' yon? Anak? Ilan ba gusto mo?" Tumawa ako ng malakas ng biglang nanlaki ang mata nya at napa takip ng bibig.

"Hindi baliw!"

"Eh ano ba kasi?" Natatawang tanong ko

"Wish ko,ang sagutin mo ako" Unti-unting naglaho ang ngiti sa mukha ko at nag-iwas ng tingin.Atat naman to masyado,bukas ko pa nga sasagutin.

Natahimik kaming dalawa habang naka tanaw sa dagat.Hindi alintana sikat ng araw na tumatama sa balat namin. Napa tingin ako sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti sya na parang sinasabing huwag akong mag-alala.

"Hindi naman kita pinipilit" Napakamot sya sa sintido. Yinakap niya ko patagilid at inihiga sa dibdib nya. Tuluyan na akong humiga at inunan ang hita niya.

"You know that i love you" Pumikit ako dahil nasisinagan ng araw ang mata ko.Naramdaman kong tinakpan ng palad niya ang side na sumisinag sa mata ko.

"I know,that's why I'm waiting. You're worth to wait." Sinuklay nya ang buhok ko ng mga daliri niya.

Matagal pa kaming nag stay sa gano'ng posisyon bago kami tinawag para maghanda na dahil mangingisda na daw.

Bandang alas kwarto na ng matapos kami,naligo agad ako dahil mahapdi ang balat ko marahil sa araw dahil naka sando bra lang ako at short ng mangisda kami. Nakalimutan kong maglagay ng sunblock.

Pagkatapos namin maligo ay naghanda na kami ng pang-ihaw at nilinisan ang isda.

"Wee,wag kang ano dyan, parehas lang tayong pinagpalit sa bestfriend" Pang-aasar ni zoey kay amelia.

"Ay pinagpalit din kayo sa bestfriend?" Pangtsi-tsismis ni cy.

"Oo,napagdanan na namin magka-kaibigan 'yon." Tinignan niya si karen na naka tingin sa malayo.

"Edi may samahan pala kayo?" Natatawang sabi ni cy.Nagtataka naman kaming napa tingin sa kanya.

"Samahan ng?" Kunot-noong tanong ko.

"Samahan ng pinagpalit sa bestfriend" Tumawa sya ng malakas. Napa sapo naman ako ng noo sa kabaliwan niya.

"Tse! Umalis ka nga dyan, andami mong alam tanga!" Binangga ko ng bewang ko ang bewang niya, muntik pa syang ma-out of balance kaya tumawa ako.

Habang nag-iihaw kaming girls ay inaayos naman ng mga boys ang pagka-kainan namin. Naisip naming mag boodle fight at sa tabing dagat ang napili nilang spot para daw feel na feel.

"Antagal, nagugutom na 'ko" Ngumuso si karen na nasa likuran ko at sinisilip ang pinapay-payan ko.

"Kakain mo lang ah" Tumawa ako at pinay-payan ang mukha niya.

"Nagutom ulit ako eh"

"Kukuhanan kita ng maka kain,may naluto naman na" Akma akong aalis ng pigilan nya ako.

The One That got Away Where stories live. Discover now