"How to make my papa jealous, mommy?"

"Why are you asking that?" taka kong tanong. Ano na naman kaya ang binabalak ng anak kong 'to? Paano magseselos 'yon e hindi naman namin makikita.

"You know, mom. Kapag usapang pagseselos ay si daddy talaga ang malakas diyan. Do you want to try?" ngumisi siya ng malaki sa akin. Nanunubok talaga.

"What's your plan, Vandish?"

"Let's see, mom."

Inilingan ko na lamang siya. Kung ano man 'tong pakulo ng anak ko, Jusko lang ah. Paano kung mumultuhin ni Vandeon ang taong tinutukoy ni Vandish? Hindi pa naman ako mahilig mag-entertain kung sakaling pupunta sa amin ang minumulto ni Vandeon. Pambihira naman 'yan.

"Halika na, kanina pa nag hihin—"

"Yeah, yeah! Kanina pa pala naghihintay si tito Skie. Nanliligaw na 'yon sa'yo hindi ba, mommy?" tanong ni Vandish habang nasa likod ang kanyang tingin. Kinabahan naman ako, baka may nakikita siyang multo?

Hindi naman talaga nanliligaw si Skie. Trip niya lang talaga akong inis, guluhin. Ewan ko sa taong iyon. Sa akin pumunta kapag bored siya. Lagi kong sinasabi sa kanya na maghanap na siya ng jojowain niya ayaw niya naman. Sakit lang daw iyon sa ulo. Kaya ulo niya ang pinapasakit ko ngayon.

"Bakit naman, anak?"

"Gusto ko pong maging daddy si tito Skie! Ang pogi pogi niya po kasi eh! Sagutin mo na siya, mommy!" tuwang hiyaw niya. Huling tanda ko ayaw niya kay Skie? Lagi niya nga 'yong sinusungitan baka raw agawin ako nito. Ngayon g na g siya na maging daddy si Skie.

"Gusto mo ba talaga?" sabayan ko na lang kaya ang trip nitong anak ko? Mukha namang tuwang-tuwa siya.

"Opo, mommy!"

"Then, okay! Sasagutin ko na siya ngayon." ngiting sagot ko. Nanlaki naman ang mata niya.

Binuksan ko ang cellphone ko at kunwaring nagtitipa ng mensahe kay Skie. Magkikita kasi kami mamaya, bibisahin namin si Riley.

"Yeheey! Gawa agad kayo ng baby, mommy ah! Para may kapatid ako. I want a baby sister, mommy."

Talagang nakikpag lokohan itong anak ko sa akin ah.

"Sure ba—"

"Sinong nagsabi sa'yo na sagutin mo 'yung pangit na iyon ah?" malamig pero may halong seryosong sambit ng isang lalaki sa likuran ko.

Napatigil ako. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko lalo na't kitang-kita ko ang maiiyak na mukha ni Vandish. Malaki ang kanyang ngiti habang nasa likod ko ang tingin. F-fvk...

"Daddy! Daddy!" malakas na tili ni Vandish habang ako ay nanigas na sa kinatatayuan. Si V-Vandeon ba talaga 'tong nasa likuran ko...

"How's my, baby? You really know how to make me jealous, huh?" mahinang tumawa si Vandeon pero sapat na 'yun para maniwala akong buhay siya.

Parang naging slow motion ang pagtingin ko sa kanya. Nagsibagsakan ang mga luha ko. Mariin kong hinawakan ang bag ko, hindi matanggal ang mga mata sa kanya. H-Hes alive!

Ngumiti siya sa akin. Ayos na ayos ang kanyang katawan. Walang mga sugat. Nakasuot siya ng itim na plain shirt at pants na black. He has a cap too na nagsisilbing takip nun sa kanyang mukha. Totoo ba 'tong nakikita ko? Si Vandeon ba talaga ang nasa harapan ko? P-Pero patay na siya...Pa-Paanong nabuhay siya. Sinong nagligtas sa kanya?

"Almika..."

Kumalabog ng malakas muli ang puso ko. Kilalang-kilala nito ang lalaking nasa harapan ko. Kung isa na naman 'to sa panaginip ko sana hindi na ako magising. I badly want to see him, miss na miss ko na siya.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now