CHAPTER 1

56 15 0
                                    

10 YEARS EARLIER...








12pm. Hindi naman ako late at sakto lang ang dating ko sa school

"Hoy! Kenzy!" Pagtawag sa'kin ni Joey pagkababa ko ng sasakyan. Kumakaway-kaway pa ang baliw na akala mo ngayon lang kami nagkita.

Since Junior high school, classmate ko na 'tong si Joey. Kaya sobrang close namin.

Lumapit ako sa kaniya, papasok pa lang sya ng gate ng school namin. Mukhang kakarating niya lang din.

First day of school namin bilang Senior High School, pero nakauniform na kami. Ngayong taon lang kasi nagrelease ng uniform 'yong school. Swerte namin. Kasi last year, 'yong first batch ng Shs, na Grade 12 na ngayon. Ang suot na uniform ay 'yong pang-Jhs pa.

"Alam mo, baliw ka talaga!" Pag-sabunot ko ng kaonti sa buhok niya.

Umakto naman siyang parang inaapi saka nagmake-face. "Nye, nye, nye."

Inambahan ko siya ng hampas. "Pumasok na tayo, at baka may pila na naman. Alam mo naman, first day of school." Iritadong sabi ko.

Sa laki kasi ng school namin, talagang maliligaw ka. Kaya 'yong mga Grade 7, pinapapila kung saan ang section nila, para wala ng maghanap ng section at para wala rin malate.

Ewan ko ba kung bakit pati kami pinapipila kahit alam naman na namin ang section at classroom namin.

"Joey! Kenzy! Mga bakla!" Napalingon kami ni Joey sa likuran namin.

At itong si Jameson, na bakla naming kaibigan, dumating na rin sa wakas. Close kaming tatlo.

Classmate na rin namin siya since Junior high school. Ang pinagkaiba niya lang kay Joey, ay naging classmate ko si Jameson noong Elementary pa kami.

Nagkukwentuhan pa ang dalawa, habang ako ay nababagot na dahil ang sakit na ng paa ko kakatayo.

Palinga-linga lang ako sa loob ng quadrangle. Halos kilala ko lahat ng mukha sa shs, 'yong iba naman mga bagong mukha.

At ito na naman ang mga lalaki, tumitingin sakin. Nasanay naman na kong center of attraction sa school, hehe eme lang.

"Shs, students. You may now proceed to your classrooms." Pag-announce ng Dean ng school namin na nagpagising sa mga iniisip ko, kahit wala naman talaga. Ay ewan.

Nang makapasok kami sa classroom namin, nagkuwentuhan muna kami nila Joey at Jameson ng kung anu-anong bagay.

Maya-maya may pumasok ng gay na Teacher, naaamoy ko bakit ba?

"Good afternoon, class." Seryosong bati nito.

Sabay-sabay naman kaming nagtayuan. "Good afternoon, Mr..."

At gaya ng palaging eksena sa classroom kapag first day of school at hindi pa kilala ang teacher mauuwi sa Mister or Miss ang batian.

"Okay, sitdown." Mukhang masungit nitong sabi.

Pagkaupo naming lahat ay saka nagsalita 'yong teacher. "By the way, my name is Jose Jean Vergara." Pagkasabi na pagkasabi ni Mister Vergara ay nagtawanan kaming lahat.

Nangunguna si Jameson sa lakas ng tawa.

Biglang tumaas ang kilay ni Mister Vergara. "Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Biglang tumahimik ang lahat at hindi na nag-ingay pa.

"Meron. 'Yong pangalan mo." Bulong ko kila Joey at Jameson. At ang dalawang tanga, bumungisngis at narinig ni Mister Vergara kaya napatingin sa kanilang dalawa

Can We Still Be Together? (on going)Where stories live. Discover now