They ended up talking about me.Hindi na ako nakigatong pa dahil alam kong patuloy lang nilang dudugtungan ng dudugtungan iyon.And the party went on until it's end.Tanging pasasalamat lang sa mga bisita bago nagsipag-alisan.

Napansin ko rin ang pangunguna ni Isaac sa pag-alis.He really went out that fast leaving his bandmates.

Hinintay rin naming matapos si Emerald bago ito napunta sa amin.Iyong tatlo naman ay pumunta sa aming gawi at tila hinintay ring makatapos si Emerald bago nakisabay sa amin.

"Sure,pwede kayong sumabay.The other guests are already there.Naghihintay na lang sa akin,"Emerald said before we walked inside the elevator.Nang nakapasok ay nauna iyong tatlong lalaki bago kami.

Nasa likuran namin sila habang si Enzo ay nasa likod ko rin.I watched our reflection in front of us.Kitang-kita ko mula roon ang kaseryosohan ng mukha nito sa likuran ko.I can even feel his breathing on my back.

Medyo may kasikipan kasi iyong elevator nang dahil sa espasyong inukupa ng ilan naming nakasabayan.

Nang tuluyan na kaming nakarating doon ay malakas na hiyawan ang bumungad sa amin.The room that she got is quite big,enough for a mini party.Naroon na ang mga bisitang hindi ko inaasahan ang rami.

They are all wearing the themed color for the party.At halos puro mga alak ang nakikita ko.Kaunti lang ang mga pagkain na tingin ko ay hindi rin mapapansin ng ilan dahil alam kong sa alak lang ang atensyon nila mamaya.

The lights are dim.Sakto lang ang liwanag at timpla ng dilim na bumabalot sa kwarto.

Once again,a loud greeting filled the room.

"Happy Birthday!"and they popped a birthday popper.Nagsimulang mag-ingay ang mga ito ulit at nakisabay kami.

"Tingin mo ba makakauwi tayo ng matino mamaya?"bulong ni Reese habang napapatingin sa mga alak na nakahilera sa isang table.Mukhang nanunubig iyong pakiramdam niya dahil napapalunok pa ito.

"If you know how to control yourself."

"Tsk.Bahala na mamaya."

At kaagad na nakuha ng kanilang atensyon ang mga kasama namin.Mayroong ibang kumuha ng litrato kasama ang tatlong myembro ng Labyrinth.Iyong iba naman ay tila hindi na nakapigil sa pagkuha ng pagkain.

We decided to take a sit.Habang si Emerald ay nakikipagtuwaan sa iba,kami naman ay kumuha na rin ng kaunting pagkain at bumalik sa mesa.We also got ourselves some beers.

Doon ko lang din mas nailibot ang tingin sa paligid.Sa laki ng room ay mayroong indoor pool na naroon.Some girls decided to take their drinks beneath it.Naka swimsuits na ang mga ito at nagkakasiyahan.

"Wanna swim?"tanong ni Summer na naroon na rin ang atensyon.

"Wala akong pamalit.I have no plans also to wet myself."

"Uwi ka naman mamaya.You have a car."

"Still,no."

At doon lang din nabalik ang atensyon ko kay Enzo na palihim akong binibigyan ng seryosong mga tingin.Kahit na maraming babae iyon nakapaligid sa kanya ay nagagawa nitong kumuha ng nakaw na tingin sa akin.

Tumango ako sa kanya at itinaas ang alak na hawak bago iyon ininom.Sayang nga lang dahil wala si Isaac.Ewan ko ba kung bakit nagkataon pa kung kailan gusto ko siyang makasama.

I made a toast to Summer and Reese.Tanging pizza,chips at desserts lang ang laman ng plato ko.Panulak lang ang alak na kinuha ko doon kanina.Mukhang unlimited naman ang dala nila rito kaya walang problema.

Something Great (Valdemora Series #3)Where stories live. Discover now