Prologue

37 4 0
                                    

"Manong driver? paki bilisan po" utos ko rito

Kinuha ko ang aking phone at tinawagan si mommy na nasa hospital. "Mom, I'm on my way" sabi ko rito habang nanginginig ang aking boses dahil sa kaba.

30 minutes before

9:00 pm ng nagising ako sa tawag ng aking ina. "Travis, its your dad he directly delived sa ICU bigla kasing nawalan ng pulso ang daddy mo" she explain.

Sa mga oras na yon ng marinig kong umiiyak si mama sa kabilang linya dali dali akong bumangon at tumawag ng taxi. Naka pantulog pa ako at hindi na ako nag bihis maabutan ko lang ang aking ama.

10:00 pm na ako dumating sa hospital. Gano'n ka bilis dahil paulit-ulit kong sinabihan ang driver na bilisan niya sa pag maneho. Wala namang gaanong sasakyan sa mga oras na 'yon kaya humarurot na si manong.

Tumakbo ako paloob ng hospital. I took the stares paakyat. Habang papalapit ako sa ICU biglang nanigas ang aking mga paa dahil nakita ko ang aking ina at ang babae kong kapatid na umiiyak. Napa hinto ako sa harapan ng ICU ng makita kong may kamang ilalabas rito.

Naririnig ko ng dahan dahang pagpintig ng aking puso, tila ang mundo ay huminto sa pagka-ikot at ang tanging naririnig ko ay ang iyak ng aking kapatid at ang aking ina. Humahagulgol silang dalawa ng makita si daddy na binawian na ng buhay.

Nanghina ang aking tuhod at napaluhod ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko inakalang wala na ang aking ama. Sa sobrang bigat ng aking dibdib napaluha at humagulgol sa iyak. Ever since wala pa akong iniyakan, nibully ng aking mga kaklase no'ng Elementary pa ako hindi ko iniyakan, hindi ko rin naranasang magka girlfriend dati. Sabi nga nila napaka strong ko raw na tao. Parang bato raw ang aking puso.

Dinala ang labi ni daddy sa bahay namin sa Taguig. Dahil mas gugustuhin ni daddy ang ilibing siya sa lugar kung saan siya lumaki. Inasikaso ni mommy ang mga papeles ni daddy para sa nalalapit na burol.

May sariling kwarto ako sa una naming bahay. Nagkulong ako sa kwarto ko. I didn't even bothered to go out upang sabayan ko silang mag dasal. Lumalabas lang ako pag gutom.

Huling araw na and it is the time na ililibing na si daddy. Hindi parin ako makapaniwalang wala na aking best daddy. Araw-araw kong sinasabing "Panaginip lang 'to. Gising Travis, gising!"

Si daddy ang lagi kong kalaro nung hindi ako nakikipag kaibigan sa mga bata dito sa Taguig. Si Michelle naman at baby pa.

Sinuot ko ang paboritong t-shirt namin ni daddy na siya mismo ang nag abot sa'kin. Gift niya 'yon sa'kin kahit walang okasyon, niregaluhan niya parin ako and out of all his gift ito ang aking paborito sa lahat. It give me a chill pag suot ko siya. Naka sweatpants ako at suot ko ang sapatos na relago niya sa'kin nung pasko.

Hinatid namin si daddy sa church kung saan kinasal sila mommy. Kasi sabi ni daddy nung bago pa siya nahospital dito raw dapat ang huling misa para sakanya.

Natapos na ang misa at dumeretso na kami sa cementeryo. Ilang minuto kaming naglalakad at dumating na kami sa kung saan ililibing si daddy. Pinipigilan kong umiyak kahit alam kong kaiyak iyak si daddy.

Nang matapos na ang huling paalam para kay daddy at pumila na yung mga gustong makita muli for the last time si daddy. Marami rin ang nakiramay, bestfriends ko, mga ka-klase ko, pamilya nila mommy and daddy, co-workers ni daddy, at ang mga nakakakilala kay daddy dumalo rin. Hindi ko inaakalang ganito karami ang mga nagmamahal kay sakanya.

Nang matapos na ang lahat don na ako tumayo upang tignan si daddy sa huling sandali. Habang papalapit ako sa kabaong niya, nanginig ang aking kamay at dahan dahang pumatak ang luha sa aking mga mata. Sabay pa rito ang mahinang pag tugtog ng kantang Dance with my Father na kinanta ni Luther Vandross.

Back when i was a child

Before life removed all the innocence

My Father whould lift me high

Napa hagulgol ako sa iyak, niyakap ko ang kabaong at sinabing "Daddy, bangon na d'yan oh. Dami pa nating plano together. Hindi ba sabi mo, a-attend ka ng graduation ko? Ikaw ang mag sasabit ng medal ko? Daddy, hindi mo pa yon nagawa oh, daddy, daddy.." patuloy parin akong umiyak. At ilang sandali lang dumating si Samuel na aking kababata dito sa Taguig to give me comfort para kumalma at hindi na itinuloy ang pag alog ng kabaong. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak, mahigpit ang kapit ko sakanya dahil hindi ako makatayo sa sarili kong mga paa.

Kinarga na nila ulit ang kabaong at nilapag sa may 6 feet below the ground. Ayokong iwan ang kabaong ni daddy kaya kumawala ako sa pagkapit ko kay Samuel, kahit nanghihina tuhod ko pinilit kong maglakad. Nang makarating ako, nag simula na nilang binaba na si daddy. Nanghina ulit ang aking mga tuhod at napaupo ako sa lupa. Nag sihagisan na sila ng bulaklak at ako, naka upo parin sa lupa at patuloy na umiyak.

Makalipas ng ilang minuto natapos na ang pag libing kay daddy. Umalis na ang lahat, sumabay na si mommy sakanila dahil sa sobrang pagod niya, niyaya niya kaming magkakapatid na sumabay ng umuwi at magpahinga, pero pinili kong magpaiwan na lang muna dito at pumayag naman siya roon.

Umupo ako at pinag masdan ang mga bulaklak na nilagay nila mama sa puntod ni daddy. Wala pang lapida kaya tanging lupa pa lang ang mahahawakan mo. Ramdam ko ang hangin na dumadampo sa aking balat, tumulo muli ang luha ko ng maalala ko ang mga panahong magkasama pa kami ni daddy.

"Daddy, bili tayo ng bisikleta" pagpilit kong sabi rito habang naglalakad kami sa loob ng mall.
"Sige na nga, kung yan ang ikakasaya mo" sagot nito sa'kin ng naka ngiti.
Tumalon ako sa sobrang saya na finally makaka bisikleta na ako.

Pinunasan ko ang aking luha. At muli kong pinagmasdan ang paligid, tinignan ko ang langit at mukhang babagsak na ang ulan.

"Dy, uwi na ako. Ako na ang bahala sa mga kapatid ko at kay mommy, ako ang mag aalaga sakanila gaya ng pag alaga mo sa'min. Kung nasan ka man ngayon daddy, sana nasa mabuting lugar ka. Babatayan mo kami lagi d'yan sa itaas ah?" Ngiti kong sinabi habang naka tingin sa langit.

Umuwi na ako sa aming bahay. Dumiretsyo ako sa kusina upang uminom ng tubig dahil ramdam ko ang gaspang sa aking lalamunan. Naka naubos ko ang tatlong basong tubig upang mabawi ko ang mga luhang inilabas ko kanina.

Nang matapos na akong uminom, tumungo ako sa kwarto ko upang magpahinga. Maingay pa sa labas dahil may mga pamilya pa kaming nais magpahinga saglit pero maya maya niyan magsisi-uwian na ang mga yan.

I check my phone dahil sa andaming messages na natanggap ko.

Messages:

From: Vivienne

"Condolence, Tian."

From: Catalyst

"Pakatatag ka Christian. Fighting!"

From: Kit

"Bro, if you need to hangout just to forget all what is happening, dito lang ako. Welcome ka sa bahay namin. Inuman tayo. Don't lose your hope, God has a plan for what is happening today."

Replied to Kit:

"Thanks bro. Pag balik ko d'yan sa Q.C. inuman tayo"

Papatayin ko na sana cellphone ko ng biglang nag message ulit si Kit.

1 unseen message

From: Kit

"Nice, ingat sa pag balik"

Hindi ko na natiis ang hapdi sa aking mga mata pinatay ko na ang cellphone ko at pumikit, hindi ko namalayang nakatulog na ako.

Us Against Them AllWhere stories live. Discover now