15. Split Personality

Start from the beginning
                                    

Natulala lang ako sa sinabi ni Doc wondering if na-memorize ko, pwedeng quotes e.

"Pero hindi naman po ako nareject kasi hindi pa po ako umaamin." Parang ang sakit naman nung rejection na yun pero parang totoo kasi lalong tumitindi ang nararamdaman ko sa kanya sa twing bina-balewala nya ako.

"He knows it.. And you know it.. That's why it hurts more.." Dr. Lee says it while looking directly into my eyes as if telling me what I can not say.

Dr. Lee's right. I mean it's pretty obvious that I like him and yet he keeps on insisting we're real friends. It's like implied rejection. And I'm in this stage called denial..

* * *

Tinanggal ni Dr. Lee ang magic ng love.

So eto ako. Tulala. Naglalakad ng wala sa sarili. In a state of kawalan. Kawalan ng direksyon.

Kakalimutan ko na si Heins.. pero paano ang kasal namin? Nagpromise pa naman sya na siguradong matutuloy.. Bakit nire-rephrase ko yata? Tama nga yata si Doc.. Mag mo-move on na nga ako tunay na!

Nasan na ba ako? Tiningnan ko ang paligid, medyo malayo na yata ang nalakad ko. Mga dalawang kanto siguro.

Mag mo-move on na talaga ako totoong totoo na.. Napatingin ako sa bahay na nasa tapat ko. Bahay nila Heins?

Ano ba yan akala ko ba tunay na tunay na? Tapos dito ako pumunta?

Napayuko ako. Pinagalitan ang pasaway na mga paa. "Feet, ba't dito nyo ako dinala?!"

Hindi ko naman talaga alam e kasalanan 'to ng aking mga paa.

Three-storey. Kulay white. Japanese style. Yung parang mga box. Tama si Mario stand-out nga ang bahay nila dito sa village nila, very modern. Ngayon palang ako nakakita ng ganitong style ng bahay. So eto pala ang bahay ng naghihirap.

Ang nasa report ni Mario kaya sila pumunta dito sa Pinas dahil nabankrupt sila sa Germany. So eto pala ang bahay ng mga walang pera. Ang sosyal naman parang gusto ko naring maghirap.

Mukhang naabsorb talaga ng mga paa ko yung direksyon na binigay ni Mario. Dalawang liko. Parehang kanan. Hay, nasa paa na yata ang utak ko..

Lumapet ako sa may gate. Paalam na.. hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko.. Parang may sariling isip na pumindot sa doorbel ang aking mga kamay.

Napatakip ako ng kamay sa aking bibig. May realisasyong naganap. NOOO!!!!!

Dali dali akong tumakbo pero tumigil ako sa may malagong yellow bush doon muna ako nagtago, secretly praying na sana walang magbukas pero sa kaibuturan ng aking puso e hindi naman ganun.

Antagal ko pang naghintay siguro mga isang minuto. Walang lumabas. So hindi sila hospitable?

Umalis na ako sa pinagtataguan ko kasi may kumagat na langgam pero biglang bumukas ang gate, balik ako agad bago pa ako makita. Sino kaya? Sumilip ako. Ingat na ingat. Si Heins! Nilingon pa nya ang magkabilang sides. Aray!

May kumagat na namang mga langgam. Pinagpag ko yung mga paa ko pagtingin ko napakadami pala, nabulabog ko yata ang buong kingdom nila!

Hindi na sya tolerable naiiyak na ako kasi hindi naman ako makasigaw, hindi sila madala sa pagpag ang sakit sakit na lumayo na ako sa may halaman pero medyo concealed parin ako.

"Ahhhh!"

Hindi ko na kinaya napapatili na ako, may nakapunta na yata sa may singit at kinagat ako doon!

Yung kamay ko pinang pagpag ko na din pero dito naman lumipat yung ibang langgam.

Umalis na ako sa pinagtataguan ko. "Oooooohh Aaaaaahhhhh! Waahh!" Nagwawala na ako nangingisay na.

"Hey.." Lumapit na si Heins. Sa wakas, kanina pa ako sigaw ng sigaw. Hindi na mahalaga na makita nya ako, ang priority ko na sa buhay ay mamatay ang mga langgam.

Tinulungan nya akong mag pagpag ng mga langgam. Tinanggal ko yung doll shoes ko may nakapasok na kasi. "What are you doing here?" Tanong nya habang pinapagpag sa semento yung sapatos ko.

Hindi ko sya sinagot kasi busy akong magkamot. May mga langgam pa sa loob ng patalon ko. Itinaas ko ang pants ko hanggang tuhod at tinanggal ang bwisit na mga langgam.

"Okay now?" Tumayo si Heins nakatingin sakin, hindi ko alam kung natatawa o nahahagas pero parang pareho.

Medyo kumalma na ako. Wala ng nangangagat. Sinuot ko na ulet yung shoes ko at ibinaba ang pants. "Thanks." Sabi ko sabay pagpag ng kamay.

"So.. what are you doing here?" He runs his hand through his brown tousled hair while looking questionably at me.

Mukhang hindi pa sya naliligo kagigising lang yata pero mas yummy sya pag ganito.. Fresh from bed.. Lumalala ang kamanyakan ko!

"I.. uh.. kasi.. kasi.." Sa tono ng tanong nya kanina, mukhang ayaw nyang nandito ako pero wala naman akong maisip na dahilan. Nakakahiya talaga.. Kasalanan 'to ng mga kamay ko eh..

"You go all the way to my house just to see me?" He flashes his winning smile that I haven't seen in weeks.

Hindi na ako nakasagot. Totoo naman kasi e.. "Aray!" Napakamot ako sa may hita ko, may natira pa palang langgam. Maya maya may kumagat naman dun sa kabilang hita ko, sa may parteng likod.

Tinawanan lang ako ni Heins, hinigit na nya ako papunta sa loob ng bahay nila habang nagkakamot ako sa may hita tapos may kumagat naman sa singit, kamot ko rin sa singit. Wala ng hiyaan 'to!

"Dali hindi ko na kaya andame pa pala nila!" Sigaw ko sa kanya.

Tumigil sya sa paglakad at pinagmasdan pa ako habang tawa ng tawa. Nananadya.

Nagawa pa nyang mangasar hirap na hirap na nga ako. "Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi ng emergency?" Panicky na ako, ako na ang humigit sa kanya papasok sa bahay nila.

Ayaw nyang sumunod tawa parin sya ng tawa lalo akong inaasar, hindi ko sya kayang hilahin kaya hinarap ko sya para magmakaawa na sana. Biglang napakamot naman ako sa may pwet. P*ta nag stopover pa yata! Tatlong beses akong kinagat kaya napatagal din yung kamot ko dun.

"Need help?" Nakakaloko yung ngiti nya. Pilit nyang tinitingnan yung behind ko umaaktong "tutulong" pero pilit ko namang iniiwas.

"Aaayyyy!! Manyak!! Lumayo ka!!" Magkahawak parin kami ng kamay kaya para kaming tangang nagiikutan kasi iniinsist nya ang "pagtulong".

*laters* :)

Torn's Note : Kung natawa po kayo sa part na'to please comment I'm just curious.. I laughed hard while writing this it's kinda weird..

Tumatanggap din po ako ng negative comments =) so I can improve my writing skills hahahahaha parang meron!

Thanks to all! Sorry for slow updates ;) Yan lang po kasi ang nakayanan ng utak ko :D

THE WEDDING DRESSWhere stories live. Discover now