15. Split Personality

Start from the beginning
                                    

"Dalawa po." Nandyan naman kasi si Mario para tulungan ako.

May isinulat na naman si Doc. Pasimple kong sinilip. Parang guhit na naman. May mali na naman ba sa sinabi ko? Dalawa naman talaga kami ni Mario ah!

Tiningnan ako ni Doc sa mga mata yon bang parang binabasa nya yung nasa isip ko. Iniisip ko parin kung bakit ginuhitan na naman nya ako. Then it occured to me na trick question yata yung tanong nya. How many are you.. Sinagot ko naman ng dalawa!

Ano ba yan humihina na talaga ako sa English. Si Heins kasi hindi ko na nakakausap..

Itatama ko na sana yung sagot ko para mawala yung points pero naunahan na naman akong magsalita ni Doc.

"Who are you? I mean who are you as a daughter.. a student.. public servant.. as a friend.. as a person in different aspects of your life?"

Nawindang ako sa tanong nya. "Ah Doc. Judge po ba kayo ng Miss Universe?"

Natawa si Doc pero saglit lang serious na ulet sya kaya piniga ko nalang ang utak ko ng maayos na sagot.

"Ehem.." Tinanggal ko muna ang bara sa lalamunan ko sabay lunok, may plema yatang sumama. "Ahm.. as a daughter.. I am a good daughter.. as a student.. I am a good student.. as a public servant.. I'm a good public servant.. and as a friend.. I'm a good friend. Therefore, I am a good person!" Proud ako pinag isipan ko yan. May rhymes pa.

Hindi agad nakasagot si Doc.

"Ano Doc? Sa'kin na po ba ang korona?" Biro ko, natahimik na kasi sya eh.

Natawa ulet si Doc. "Ahaha.. syempre naman ." Tinuro nya mukha ko. "Beauty and brains!" Buti pa ang mga psychiatrist, honest!

"Anyway, I can't prescribe you some drugs becuse you're too young so I'll just recommend you-" May kinuha syang parang flyers na colored. "-to eat this brain foods." Binigay nya sakin yung papel. "Eating those will help maintain the chemical balance in your brain."

"Ah ano pong sakit ko?" May chemical imbalance yata ako e diba ganun daw yung mga baliw.

"You were diagnosed with mild split personality. But it's normal in a teenager. Just don't overthink things. Meron ka bang palaging iniisip?"

"Split personality?! But I'm still one and the same!" Wrong gramming lang hindi lang na analyze yung tanong split personality na? Hindi ako papayag!

"It's normal hija. Calm down." Kinalma ako ni Doc pero naghuhuramintado parin ako sa isip. Unfair! "Is there something that bothers you? That you can't stop thinking of? You can tell me.."

Mukha namang sincere si Doc kaya nag-open up na ako. "Meron po.. parang nao-obsessed nga po ako ngayon e.." Hindi talaga ako papayag na may split personality ako obsession payag pa ako.

Parang na curious si Doc. He leaned closer. "In what particular thing?" He asks in a serious tone. Nakalimutan na nya yatang magpanggap na itanong lang sa casual na tono tulad kanina.

"Mag promise ka muna Doc na hindi mo sasabihin kahit kanino? Kahit kay Daddy?" Medyo lumapit ako sa table nya para mapagaralan kong mabuti ang mukha nya. Sya naman ang isa-psycho ko.

"Um.. Yes of course. Lahat ng pinagusapan natin dito ay confidential." In-assure naman ako ni Doc pero medyo duda parin ako pero sinabi ko parin.

Napasandal na ulet ako sa upuan ko, bagsak ang balikat mukhang naluge.. "Sa isang lalaki po.. Gusto ko sya.. pero iba ang gusto nya. At hindi ko po matanggap kasi parang mahal ko na sya." Nagpaawa face ako. "Doc, paano po ba mag move on?"

Nangiti lang si Doc. "Normal lang na matagal mo matanggap ang lahat dahil iba ang gusto nya kaya pakiramdam mo na reject ka. You know, when a person rejected us we tend to invest more emotions on them and that's when we thought that feeling is love but it's not. Ang totoo nun nadagasan lang ang self-esteem mo so for you it isn't over hanggat hindi mo natutubos ang pride mong nasaling. You can not move on when you yourself don't want to move. Once you've accepted everything only then you'll know where to go."

THE WEDDING DRESSWhere stories live. Discover now