FoL: Chapter 1

8 1 0
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

**********

"Daddy, mommy, nasa'n na ba po kayo? Ayaw ko na po rito, huhu." Sigaw ko kahit alam kong walang makakarinig sa akin dahil ako lang mag-isa rito.

"Mommy, natatakot na po talaga ako, huhu. Ang dilim-dilim po rito, baka mamaya may mumu na biglang lumabas doon sa dilim. Aaaah!!! Daddy, help me po!" Sigaw ako nang sigaw ngunit tanging echo lang ng boses ko ang sumasagot sa akin pabalik.

"Nasaan na po ba kayo? Huhu."

"Huhu, tulong po! May tao po ba r'yan? Tulungan n'yo po ako, sige na. Huhuhuhu."

Walang tigil ang pagsigaw ko nang biglang padabog na bumukas ang pinto lulan ang isang lalaki.

"Tahimik nga! Kanina ka pa sigaw nang sigaw d'yan. Walang makakarinig sa 'yo rito. Wala naman akong balak na saktan ka eh. Gusto ko lang na mabawi ang mag-ina ko pero nagkandaletse-letse dahil kay *toot*. Papatayin ko siya!" Gigil na sigaw niya habang nakalingon sa kawalan.

S-sino raw? Hindi ko narinig 'yong pangalang sinabi niya.

Hindi ko makita nang malinaw ang mukha niya dahil sa dilim. Tinitigan ko nang mabuti ang pwesto niya upang maaninag ang mukha niya at makilala siya hanggang sa manlaki ang mga mata ko.

*KRIIIIINGGGG* *KRIIIIINGGGG* *KRIIIIINGGGG* *KRIIIIINGGGG*

"Argh! Nakakainis! Hindi ko pa rin nakita 'yong mukha niya. Sino ba kasi 'yong kurimaw na 'yon?" Napakamot ako sa ulo dahil sa pilit pag-alala ng mukha ng taong ilang gabi nang nasa panaginip ko.

"At saka bakit ba napapanaginipan ko 'yon nang madalas? Ako ba 'yong bata na humihingi ng tulong sa panaginip na 'yon? Nangyari ba sa akin 'yon?"

Nakatulala pa ako habang iniisip ang panaginip ko nang biglang may bumato sa akin ng libro.

"Hoy Ashiang batugan, bumangon ka na riyan! Tatamad-tamad ka na naman. Bwisit ka talagang bata ka kahit kailan eh, 'no?" Bulyaw na naman ng ate ko sa akin.

"Makabata, eh, dalawang taon lang naman ang agwat mo sa akin." Bulong ko sa sarili ko. "Oo, heto na. Babangon na nga ako, naunahan mo lang ng pagpasok dito sa kwarto ko." Katwiran ko.

Sa halip ay nakatanggap na naman ako ng panibagong librong hinagis niya.

Aww, ang sakit, ang kapal ng librong 'to, ah?

"Wag kang sumagot-sagot d'yang bruhilda ka, ah? Bilis!" Sabay labas niya at padarag na sinarado ang pinto.

"Haaay buhay. Good morning, ah?" Sabi ko habang nakatingin nang masama sa pinto na para bang nandoon pa si ate at pinakikinggan ako.

Full of Lies - Book 1 (ON-GOING)Where stories live. Discover now