Napailing si Nanay sabay halukipkip. "Kung sino mang nakamana ng kalikutan ng kamay ng tatay n'yo sainyo ng kapatid mo, naku."

Napatid ang kamay ko't napahalik ako sa mesa. "Aray ko."

"Anong nangyari sa 'yo?" dalo ni Nanay sa akin. "Natamaan ka ba? Naku, kung hindi ka lang binabae, anak ko. Jusko."

"Nay!"

Pinagpagan ni Nanay ang damit ko. Tinanong din ng mga nag-iinuman kung okay lang ba ako. I gave them a thumbs up.

"Pero Nay, hindi naman kasi 'yun ang tinatanong ko," sabi ko sakaniya.

"Oh, eh ano pala?"

"'Yung mga sintomas... parang pregnancy side effects, ganern."

Napatango si Nanay. "Ah... tara sa kusina. Tulungan mo muna akong punasan ang mga mesa roon."

Sumunod ako sakaniya. Nang nasa kusina na kami, nagpatuloy si Nanay sa pagkukuwento.

"Noong buntis ako sa 'yo, malala ang pagsusuka ko sa umaga. Tapos, habang tumatagal, nagkaroon ako ng mga tigyawat. Eh hindi naman ako nagkakaroon."

"Hindi kayo nagka-tigywat? Ever?" gulat na tanong ko.

"S'yempre naman. Kapag ipinunas sa mukha ng babae ang malinis na panty na una nitong pinag-reglahan, gaganda ang kutis nito," nanlalaking mga matang sabi ni Nanay.

Umismid ako. "Unfair. Hindi naman ako inabot ng regla," reklamo ko.

Natawa nalang si Nanay sa mga pinagsasabi ko. "Akala nga namin noon ay babae ka," aniya sabay tawa.

"Bakeet?"

"Kapag kasi ganoon ang nararamdaman ng babae, tsaka naglilihi 'to sa matamis, ibig sabihin, babae ang magiging anak," aniya.

"Legit?"

Tumawa si Nanay. Lumapit siya sa may gripo para kusutin ang basahang kanina pa niya ginagamit panlinis. "'Yun ang mga sabi-sabi noong panahon. Eh, ngayon, may mga research na kayo."

"Scientific basis, ganern?"

"'Yan."

"Eh, hindi naman kayo nagkamali, ah," sabi ko sabay pamewang sa harap niya. "Babae naman talaga ang anak mo, ah?"

Lalong natawa si Nanay sa akin. "Binabae ka-mo."

Nang mamatay ang tawanan namin, lumapit na ako kay Nanay para kusutin din ang gamit kong basahan. Pagkatapos, isinabit ko 'to sa sabitan.

"Pero Nay, hindi pa po 'yun ang sasabihin ko sainyo."

Napatingin siya sa akin.

"Usap po tayo sa itaas, please?" patuloy ko.

Nagbuntong-hininga siya. Isinabit niya na rin ang kaniyang basahan sabay sabing, "O s'ya. Tara na."

Nauna akong lumabas ng kusina. Nakasalubong namin si T'yo Gary. Kinausap muna siya ni Nanay kaya nauna na akong umakyat. Pag-akyat ko, nakita ko sina Sia at Jhe sa sala, nagtatawanan.

○●○

"Sia," baling ni Nanay sa tabi ko. Nakaupo na kami sa hapag at nagge-guessing game si Nanay kahit hindi naman namin siya pinapahula.

"Buntis ka ba?" tanong niya.

Nabilaukan si Jhe. Agad niyang inabot ang pitsel para pagsalinan ang sarili ng tubig. Naramdaman ko rin ang paghawak ni Sia sa kamay ko. Ang higpit ng hawak ng babae! Feel ko nadurog ang mga buto ko roon. Jusko.

Nang mahimasmasan si Jhe, hinarap niya si Nanay. "Nay, ba't naman po kayo ganyan? Nagju-jump into conclusions po kayo agad. Ni hindi pa nga nasasabi nina Kuya ang gusto nilang sabihin."

Before RosaWhere stories live. Discover now