Chapter 3

3 0 0
                                    

Hundryx's POV

"Hoy, san ka pupunta?!" Pasigaw kong tanong ng makita ko syang papunta sa pwesto ng mga babaeng nag kukumpulan.

"Halika dito, samahan mo'ko." Sagot nya naman sakin. "May itatanong lang ako kay Leisha." Pag papatuloy nya pa.

Wala rin naman akong magawa kaya sumunod na lamang ako sa kanya. Napansin agad kami ng teacher nila na si Sir Alex nang makarating kami sa kanilang pwesto.

"Oh anjan ka pala Meisha, sino yang kasama mo?" Agad nyang tanong kay Meisha, makapag tanong naman parang bawal na sumama sa kaibigan ah.

"Ah sir kaibigan ko po sya, sa Stem 2, si Hundryx." Pag papakilala sakin ni Meisha kay Sir Alex. Agad naman akong ngumiti at inuyuko ng kaunti ang aking ulo bilang sign narin ng paggalang.

"Pleased to meet you Sir." Magalang kong bati sa kanya. Syempre teacher parin sya kailangan ng respeto.

"Nice to meet you Hundryx. San pala kayo pupunta?" Tanong nito sa amin.

"Papunta po sana kami sa cafeteria eh nakita po namin kayo dito kila Leisha. May gusto rin po sana akong sabihin sa kanya eh." Medyo sarcastic na sagot ni Meisha. Ano nanaman kayang problema neto sa kapatid nya.

"Ah ganun ba? Sige mag usap muna kayo jan, pupunta narin ako sa cafeteria." Pag papaalam ni Sir Alex.

"Sir sabay-sabay nalang tayo, sandali lang naman 'tong pag uusap namin ei."

"Okay." Tipid na sagot ni Sir Alex sa suggestion ni Meisha.

"Gusto ko lang sabihin sa'yo Leisha, na sana wag mo nang ulitin yung ginawa mo sa school na pinang galingan mo, kase pag ginawa mo ulit yun dito, di lang ikaw ang mapapahiya, get it? Pati ako tsaka sila Mom and Dad, sana di na maulit." Dirediretsong sabi ni Meisha sa ate nyang si Leisha. Yes ate nya si Leisha pero mas disiplinado si Meisha kesa sa kanya at mas mature mag isip.

Pagkatapos nyang sabihin yun ay niyaya na nya kami ni Sir Alex na pumunta sa cafeteria dahil nag hihintay na doon si Kaia.

Pero bago kami tuluyang makalayo, may narinig akong sinabi si Leisha.

"Just give me what I want my dear sister, di kayo mapapahiya."

Ano kayang ibig sabihin nun, haynaku 'tong magkapatid na'to nakaka imbyerna.

Sir Alex's POV

Habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria napapaisip ako kung ano bang problema ni Meisha at Leisha, ba't parang may galit sila sa isa't-isa.

Malapit na kami sa cafeteria ng maalala ko na naiwan ko pala sa Faculty Room ang wallet ko.

"Ahm Meisha, Hundryx susunod nalang ako sa cafeteria, babalikan ko lang yung wallet ko sa Faculty Room." Pag papaalam ko mga students na kasama ko ngayon.

"Sige po Sir, hintayin nalang po namin kayo doon." Sagot naman sakin ni Meisha.

Agad nakong umalis at bumalik sa Faculty Room para makuha na agad ang wallet ko.

Kaia's POV

"Oh buti nakarating pa kayo dito, akala ko di na kayo susunod eh." Sarcastic kong bungad kay Mei at Hundryx.

"Yang kaibigan mo, binantaan yung kapatid nya kanina habang kasama namin si Sir Alex."

"Sumbong agad ah." Sabat ni Mei sa sinabi ni Hundryx.

"Ano ba kasing sinabi mo? Baka mag away nanaman kayo nun." Yes magka away si Meisha at Leisha, mas matanda si Leisha kay Meisha pero mas pabor ang parents nila kay Meisha kasi matalino sya at mabait, mas mature at mas disiplinado rin sya mag isip kesa kay Leisha.

"Ganto yun, sabi ni Meisha kay Leisha"Gusto ko lang sabihin sa'yo Leisha, na sana wag mo nang ulitin yung ginawa mo sa school na pinang galingan mo, kase pag ginawa mo ulit yun dito, di lang ikaw ang mapapahiya, get it? Pati ako tsaka sila Mom and Dad, sana di na maulit." Yan yung sinabi nya sa kapatid nya."

Pang gagaya ni Hundryx kay Meisha. Sabagay kahit ako ang tatanungin, sana di na talaga maulit yung nangyare sa school na pinang galingan ni Leisha. Napaka laking kahihiyan nun sa grandparents nila, kaya sana dina maulit para dina madamay and parents nila pati narin si Meisha.

"Change topic na nga, naka order nako ng pagkain natin darating na yun any minute." Pag iiba ko ng usapan namin.

"Ayy oo nga pala, si Sir Alex, makikisabay sya sa'tin, malapit na siguro dumating yun." Singit ni Meisha.

"Hi, can I join you guys?" Narinig kong sabi ng boses lalaki na nasa likuran ko.

"Anjan na pala si Sir eh, sure Sir upo po kayo jan sa tabi ni Kaia, wala namang katabi yan eh." Sabi ni Mei na may halong pang aasar.

"Thanks, oh btw Hi Kaia, parang di kita nakita na kasama nila Meisha kanina ah." Sabi ni Sir Alex habang paupo na sya sa upuan.

"Ah yun po ba, nauna na po kase ako sa kanila kanina para para pag dating po nila dito may pagkain na."

"Ah ganun ba, sige hintayin nalang natin yung order nyo." Sagot naman ni Sir Alex.

"Eh ikaw Sir? Di ka po ba mag oorder ng pagkain nyo?" Sabat ni Hundryx.

"Ayan na yung order ko, nag order na kase ako kaninang pumunta ako sa Faculty Room para sana kukunin ko nalang for take out, eh niyaya nyo naman ako kaya makikisabay nalang akong kumain sa inyo." Mahabang paliwanag ni Sir Alex kay Hundryx habang turo ang order nyang pagkain.

"Antagal naman nung pagkain natin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inlove With A Fictional Character (On-Going) Where stories live. Discover now